Chapter 18: Sweet Revenge

388 15 6
                                    


"O-Oo na..Selfish na a-ako, madamot na ako, wala na akong kwenta!! Pero sana maisip mo man lang na nasasaktan rin ako, na hindi ko rin ginusto ang pangyayaring ganito!!"

"Tanga ka!!! Ginusto mo yan, ginusto mong magkaganito tayo!! Bakit? Minahal ka ng Kuya ko, pinahalagahan ka ng Kuya ko. Kahit hindi ka nya gusto tinuruan nya ang sarili nya na gustuhin ka kasi gusto mo sya. Ayaw nyang ma-disappoint ka kaya natutunan ka nyang mahalin pero ano? Breneak mo sya, hiniwalayan mo sya dahil ang buong akala mo mahal ka ni KN! Linshak na akala yan, hindi mo ba nakita noon kung paano nya ako tingnan ha? Kung paano nya ako mahalin? Hindi mo ba nakita yun??? Hindi lang ako ang sinaktan mo pati ang Kuya ko pinaiyak mo!! Para sa akin wala kang kwentang tao!!! At alam mo ba kung ano pa yung ikinakasama ng loob ko? Yung mga panahon at oras na pinagmukha nyo akong tanga, pinagmukha nyo akong kawawa, at dahil sa ginawa mo hinding-hindi kita kayang patawarin. Hindi ko na iniisip pa ang nararamdaman mo ngayon dahil una palang hindi muna naisip kung ano ang mararamdaman ko sa ginawa mo noon." saad kong walang tigil sa pagpatak ang mga luha. I felt numb. Ako ba to? Ito ba ang nagawa ng kagaguhan nila sa akin?

Ngayong nalaman ko ang side nya hindi ko alam kung kaya ko pang pakinggan ang side ni KN. Sa kanya palang durog na durog na ako, what more sa kanya pa? Nakakapagud ang makinig ng paliwanag nya. Tapos ngayon sya pa ang may ganang magsabing isipin ang nararamdaman nya. WTF!
Tumalikod na ako, no point of arguing with her. Ayuko ng makinig pa sa sasabihin nya. Ayukong isipin na kasanalan ko ang lahat ng ito dahil ako ang sinaktan nila.

"H-Hayne.. I-I'm sorry. Kung maibabalik ko lang yung oras sana..sana hindi ko yun nagawa. Sana mas binigyan kita ng halaga, sana mas binigyan ko ng importansya yung pagkakaibigan natin kesa sa sarili kong kapakanan. Yun.. Yun ang gagawin ko." saad nyang patuloy na umiiyak habang nakalugmok sa buhangin.

"S-Sana nga Roina, sana nga maibalik mo yun pero sa ngayon wala na, hindi muna kaya pang ibalik yung pagkakaibigan natin noon dahil sira na. Dahil wasak na, I'm sorry pero.. hindi na kita kayang maging kaibigan pa." iiling-iling na sambit ko sabay talikod sa kanya upang lumayo na.

"H-Hayne.. I'm really sorry. Alam kong kasalanan ko yun pero kung hindi ka umalis ng bansa.. Sana.. Sana hindi nangyari yun at sana hindi tayo nagkakaganito." bulong pa nya habang patuloy na umiiyak. What? So what now? Nasa akin na ang sisi? Ako na ang may kasalanan?

"Anong sinabi mo?" harap ko sa kanya na nagbabaga ang mga mata. Ang kapal talaga ng mukha, akala ko bokal sa loob ang paghingi nya ng tawad.

"T-Totoo naman yun, kung hindi ka umalis wala sana tayo sa sitwasyong ganito." saad pa nya. Heyuf na to! Lakas makabaligtad ng mga pangyayari.

"Isa kang Doctora pero ang tanga mo, ang kitid ng utak mo. Pati ba naman ikaw hindi naiintindihan yung pag-alis namin? Ako pa talaga. You'll saying na this is all my fault? Grabe! Palakpak ako sa'yo oh." ngisi ko habang pinupunasan ang mga luha ko. No point na umiyak ako dahil nasasaktan ako. Ang kapal talaga ng mukha nya. Dala ng inis humakbang ako palapit sa kanya, kinuha ko ang vanilla frapp ko at ibinuhos ko yun sa kanya na labis nyang ikinagulat.

"Ang sweet ko diba? Hayaan mo babayaran ko naman yan. Babayaran ko yan para wala akong utang na loob sayo." sambit ko at tinalikuran sya.

"Aissshh.. H-Hayne.." sigaw nya sa pangalan ko. Hindi ko sya pinakinggan bagkus ay tuluyan ko na syang iniwan. Ang kapal ng mukha. Binabaligtad nya pa ako.

"What did you do to my cousin?" harang ni Christa sa akin.

"W-What did I do to your cousin? Haha. Bulag ka ba o nagbubulag-bulagan ka lang?" Ngisi ko rito.

"She's trying to make up with you dahil mahal ka nya bilang kaibigan. Bakit ba hindi mo sya kayang patawarin ha? Gaano ba kalalim yung sugat na nagawa nya ha?"

Taste of Love 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon