Tiningnan ko sya na parang iniisip kung anong magandang iregalo.
"Bakit?" tanong nya.
"Wala, madadagdagan na naman ng isang taon ang edad mo." wika ko.
"Okay lang age is just a numbers naman."
"Haha oo nga." sagot ko.
"Bakit ba ang hilig nyo mag LovePigs moment na dalawa?" sita ni Kuya.
"E bakit naiinggit ka? Ade i LoveDog mo si ate Sandra or i LoveCat mo naman si Bff Faith." wika kong ngumisi pa.
Napuno naman ng tawanan ang hapagkainan namin dahil sa sinabi ko. Si Kuya napaka OA. Ano bang problema nya? Maging si ate Sandra at Faith ay napabungisngis na rin sa sinabi ko. Hahahahahahaha.
"Ate Sandra.. Faith sure kayong sasama diba?" tanong ko ng makabawi sa pagtawa.
"Ako magpapaalam pa pero syempre sasama ako, malakas kayong dalawa sa akin eh. Bff #1 and #2 ko kayo." tugon ni Faith.
"Me? Sure, sige sasama ako. Matagal-tagal na rin noong huli akong nag beach sa Pilipinas. Count me in." ate Sandra.
"Ayown! Okey na Macky, ate Sandra and Faith will come. Okey na tayong apat diba?" wika ko na agad naman nyang ikinatango.
"Hoy! Bakit hindi ako counted? Kasama ako ah!" singit ni Kuya.
Gusto ko ng humagalpak ng tawa habang naglulupasay sa floor dahil sa itsura nya. Nakasubo pa sa bibig nya ang kutsara habang magkasalubong ang kilay. Take note hindi na po sya bata ha. Narinig ko ang mahihinang hagikhikan sa mesa, sino pa ba? Ade sila Mama mga yun.
"I thought hindi ka sasama? Sabi mo busy ka, ade kami nalang."
"Bakit? Hindi ba pwedeng magbago ng isip? Ang ano nyo sa akin." tungon nito.
"Okey lang yan Harold. Sumama kana para mas masaya." wika dito ni Ate Sandra habang humawak pa sa braso nya. Nilingon naman sya ni Kuya at saka ngumiti dito.
"OMG! HarSan is back!!!" sigaw kong tumayo pa.
Agad naman silang nagulat sa binigkas ko kaya napa..
"HarSan who?" sila.
"Ahh.. Hihihi.. W-Wala po yun." sagot kong muling naupo.
Nakita kong nagpipigil ng tawa si Macky sa tabi ko. Nagets nya yung sinabi ko, sa katunayan kaming dalawa ang nag-isip ng Loveteam na yun. Sumilay naman sa mukha ni Faith ang kakaibang ngiti. Nagpadalos-dalos na naman ata ako. Nakita kong napatango-tango naman ang matatandang kasama namin kaya alam kong nagets nila. Habang si Kuya mahigpit na nakahawak sa kutsara at tinidor na masamang nakatingin sa akin. Si ate Sandra wala lang, or wala talaga syang paki? Don't know.
"Okey tama na yan. Manang Fiora pakilabas ng dessert." Wika ni Mamang pumalakpak pa. Aba at sa kanya ko ata namana yung mga ganoong gawain. Hahaha.
Matapos ang masayang lunch na yun ay hindi na ako kinibo ni Kuya. I know galit sya sa akin, hindi ko naman sinasadya yun. Inaya akong manuod ni Macky ng pelikula sa tablet nya, tig isa kami sa headseat. Nakaupo lang kami sa sofa habang magka hawak kamay. Si ate Sandra naman agad na nagpaalam dahil may gagawin. Si Faith mag a out of town for 2days sa parents nya kaya ayun nandito lang kami. Hindi ko alam kung nasaan na sina Mama, ang alam ko nasa garden ata sila.
"Haynebee.." maya-maya ay tawag nya sa akin.
Lumingon lang ako sa kanya at hinihintay ang idudugtong nya dito.
"That vacation is for OURs right?"
"Oo. Yun ang sabi mo eh.""What I mean is for OURs talaga. Ginawa ko na rin itong opportunity na makipag reunion sa kanila. You know naman kung sino ang tinutukoy ko diba? 6 long years ko na silang hindi nakikita. Okey lang ba sayo?" tanong nya.

BINABASA MO ANG
Taste of Love 2
RomancePagkatapos ng mapaminsalang unos, ang araw ay muling magpapakita at sisikat. Maghihilom ang ginawa nitong sugat at matatanggap na ang lahat. Naging maayos muli ang buhay ni Naira Hayne Borris sa pagbabalik nito sa bansang Scotland. Sa tulong ng kany...