"Hi best, sorry were late. Ito kasing si Arth at Roley, nagtungo pa ng bar at uminom." paliwanag niya. Kanina ko pa sila hinihintay, ang buong akala ko nga hindi na sila dadating pa.
"It's okay, tayo na?" tanong ko. Nauna na sila Mama sa airport at sinabi kong ihahatid naman nila ako kaya ayos lang sa kanila.
Sasakyan ni Roley ang ginamit namin, siya ang nag d-drive at sa shotgun seat nakaupo si KN. Si Arth ang nasa tabi ko na katabi ni Best, sa kabilang gilid ko naman ay si Dear na kanina pa yakap ng yakap sa akin. Iba ang side effect sa kanya ng eyebags.
"Best, take care of your self ha. Kakain ka ng madami, magsusuot ka ng makapal tuwing winter. Dapat soup ang kainin mo kapag nagsisimula ng umulan ng snow." paalala nito sa akin.
"Best? I know.. Alam ko na yan, baka gusto mong sumama sa akin?" tanong ko. Malay nga sumama siya diba?
"Aish.. Bakit hindi mo ako agad inaya? I should book my flight too."
"Hindi ka naman nagsabing gusto mong sumama sa akin eh."
"Uh-oh that's not a good idea cuz, bakit mo ako iiwan sa ere?" singit ni Christa.
"Joke lang, I can't come with you Best, marami kaming pasyente ngayon. But, if I had time bibisitahin kita doon." wika nito. Akala ko pa naman gusto niya talagang sumama.
"Hayne, kapag may business tour kami sa Scotland, magkita tayo ha?" tanong ni Arth na nasa kabilang gilid.
"Oo naman, sige puntahan niyo lang ako doon. Open ang bahay namin para sa inyo 24/7." ngiti ko. Kung makapag-usap kami parang hindi kami dumanas ng delubyo na dalawang linggo palang ang nakakaraan.
"Pupuntahan kita doon Hayne kung kasama ko lang si KN, baka mamaya mawala ako doon." singit ni Roley. What?! Sya mawawala? Parang naging magic ang pagkawala noong dalawa. Hindi na nila ako tinatawag na Hayne-mylavs, Mine at Babes. Hindi ko naman namimiss yun, kaya lang nakakapanibago lang. Kailangan ko nang masanay.
"Sorry, hindi pa ako makakapangako kung kailan ako pupunta doon. Maraming pasyente at mas nadagdagan sila dahil nag leave ako ng hospital. Once naayos ko na iyon, mabilis na sa akin ang dalawin ka Naira." baling nito sa akin. Hindi ako umaasa.
"A-Ayos lang, mas masaya kung sama-sama kayong pupunta doon. The more, the merrier."
Nakarating kami ng airport na puro walang sense ang mga pinag-uusapan. Mamimiss ko ang ganito kaya ang kailangan kong gawin ay ayosin ang sarili ko para kung sakaling bisitahin nila ako maayos na ang lagay ko. Unti-unti ng nabubuo ang mga piraso ng aking pagkatao.
"Bye, everyone. Mag-iingat kayo lagi dito, mag v-videochat ako sa inyo." paalam ko sa kanila. Isa-isa ko silang niyakap.
"I love you Best.." wika niya ng yakapin ko.
"I love you too.."
"I love you Dear.."
"I love you too.."
"I love you Hayne, mag-iingat ka doon."
"I love you too Arth, Yes. I will."
"I love you Hayne, alagaan mo ang sarili mo ha. Wag ka ng palaging iiyak." bilin ni Roley.
"I love you too Roley, yes iingatan ko ang sarili ko. No chances na hindi ako iiyak. Scotland is the place where our memories lives. Doon namin iyon ginawa, at marami kaming mga pinagdaanan doon." explain ko. Ayoko namang magsinungaling sa kanya.
"Basta, don't cry too much. Baka pumayat ka ng sobra at eyebags lang ang malaki sayo." pisil pa nito sa ilong ko.
"Don't worry, I will try." Kahit mahirap ang gusto mo.

BINABASA MO ANG
Taste of Love 2
RomancePagkatapos ng mapaminsalang unos, ang araw ay muling magpapakita at sisikat. Maghihilom ang ginawa nitong sugat at matatanggap na ang lahat. Naging maayos muli ang buhay ni Naira Hayne Borris sa pagbabalik nito sa bansang Scotland. Sa tulong ng kany...