Agad akong napahikbi nang aking masilayan ang kanyang katawan, na nakahiga sa isang kama sa loob ng emergency room. Hindi ko mapigilang sisihin ang aking sarili, sa nangyari.
"K-Kaya mo 'yan," mahinang bulong ni Roina.
"Sasamahan ka namin," anunsyo naman ni Arth.
"Tayo na," dagdag pa ni Christa.
Humakbang kami patungo sa kinaroroonan niya, hindi ko mapigilang hindi maiyak dahil sa itsura niya.
"M-Medyo masama ang tama niya, nagkaroon siya ng sugat sa tagiliran dahil sa bakal at medyo naalog ang ulo niya. Ang inaalala ko baka makalimutan niya, ang ibang pangyayari sa buhay niya." malungkot na salaysay ni Roina.
"Kaya 'yan ni KN, siya pa ba?" medyo garalgal ang tinig ni Roley.
"Oo nga, h-huwag na tayong mag-alala," segunda ni Arth.
Nakita kong napailing si Roina at hindi ko alam kung ano ang ibig niyang ipahiwatig doon. Nang tuluyan na kaming makarating sa kinaroroonan ni KN ay mas lalo pa akong napakaiyak, 'yong itsura niya, 'yong sakit na nararamdaman niya, 'yong pagtulog niya, ako lahat ang may kasalanan noon.
"Stop blaming yourself, It's not you. Sadyang nakaguhit na sa kapalaran niya ang pangyayaring ito, maiwan ko muna kayo," tapik ni Roina sa balikat ko at tuluyan na kaming iniwan.
"I-It's me, it was me. Ako sana ang nasa sitwasyon niya ngayon kung hindi niya ako iniligtas," tugon kong tuluyan nang pinakawalan ang nagbabadyang mga luha.
"Tulad ng sinabi ni Roina, hindi mo kasalanan ang lahat, nagkataon lang na magkasama kayong dalawa." pag-alo pa ni Arth sa akin.
"Iwan muna natin siya Arth, Roley. Kailangan niya ng oras para kay KN," saad ni Christa na hinawakan ang dalawa.
"N-Nasa labas lang kami, Hayne mylavs." sabay tapik nito sa balikat ko.
"Kausapin mo siya, sabihin mo gumising na," wika ni Arth na punong-puno ng pag-aalala, napatango naman ako sa tinuran niya.
Lumabas na sila at naiwan ako sa gilid ng kama ni KN. Pinagmasdan ko siyang mabuti, may puting bendang nakabalot sa kanyang ulo. Nakasuot siya ng hospital gown, may brace ang kanyang leeg at may bendang kulay brown ang isa niyang binti. Hindi ko maatim ang mga pasa sa buo niyang katawan, kahit pa dalawang linggo na ang nakakaraan nandoon pa rin ito.
Mabilis akong lumapit sa kanya at ginagap ang isang palad niya, kay init nito at tila ba buhay na buhay siya. Hindi ko mapigilan ang aking mga luhang nagbabagsakan, kasalan ko ito.
"K-KN.." bigkas ko sa pangalan niya, hilam na hilam ang aking mga mata sa luha. Hindi ko na rin siya halos makita dahil sa nanlalabong mga mata.
"KN, s-sorry.. a-ako dapat ang nandiyan, a-ako dapat.. ako dapat ang nakaratay d-diyan at hindi ikaw," sambit ko na malakas ng umiiyak. Hindi ko maipaliwanag ang sakit, ngayon ay alam kong mahal na mahal ko pa rin siya, mahal ko pa rin si Keith Noel Valderama.
"B-Bumangon ka na d-diyan, d-di ba inalok mo ako ng kasal? K-Kung.. Kung g-gigising ka na ngayon, s-sasagot ako ng "oo", papakasalan kita. Hindi ko p-pagsisisihan 'yon, kaya KN please, gumising ka na..gumising ka na," sambit ko pang hindi maawat sa pag-iyak.
"He will, gigising siya hindi ka niya kayang tiisin iha," anang tinig sa aking likuran. Agad ko itong nilingon at tumambad sa akin ang nanay ni KN, na nakangiti bagama't malungkot ang kanyang mga mata.
"T-Tita.." sambit ko na hindi mapigilang mas mapa-iyak.
"Hayne, kumusta ang pakiramdam mo?" tanong nitong niyakap ako ng mahigpit.
BINABASA MO ANG
Taste of Love 2
RomancePagkatapos ng mapaminsalang unos, ang araw ay muling magpapakita at sisikat. Maghihilom ang ginawa nitong sugat at matatanggap na ang lahat. Naging maayos muli ang buhay ni Naira Hayne Borris sa pagbabalik nito sa bansang Scotland. Sa tulong ng kany...