Hayne POV
Nasa airport na kami ngayon at kasalukuyang hinihintay namin ang flight namin patungong Manila. Kanina pa ako hindi mapakali sa upuan, hindi ko alam kung dala ng labis na excitement or natatakot ako sa maaaring datnan namin doon. Andyan yung mag banyo ako minu-minuto at bumili ng pagkain maya't-maya. Tatayo rin ako tapos biglang uupo. Mabuti nalang at hindi nila ako na no-noticed sa mga pinagagawa ko. Haayst!
"Hayne okay ka lang ba? May masakit ba sayo?" tanong sa akin ni ate Sandra. Ayan, napansin na tuloy ako at alam kong lahat sila magtatanong na.
"H-Ha? O-Oo. H-Hindi. I mean..He-he. Excited lang ako dahil muli akong makakaapak sa lupa ng Pilipinas. Oo yun ganun nga, doon ako excited?" tugon ko na mukhang ewan at hindi sigurado sa sagot.
"Bunsoy? May gumugulo ba sayo?" titig na titig na tanong sa akin ni Kuya. I know nagdududa na sya sa ikinikilos ko.
"W-Wala Kuya. Nag pra-practice lang akong tumayo, mamaya masakit sa puwet yung byahe." lusot ko pa.
"Tsk! Umasta ka nga ng matino. Wag kang ganyan sa harapan ng maraming tao." sermon pa nito. Tssk! Saka ko palang napansin na nakatayo pa rin ako at nakahakbang ang isang paa. Ano bang nangyayari sa akin?
"H-Haynebee? Relax ka lang. Excited ka ba talaga?" tanong ni Mac sa akin na tinanggal ang headseat sa tainga.
"Ha? Oo. Gustong-gusto ko kaya ang beach. Naalala mo pa? Yung first time tayong nagtungo doon? Nagtatakbo ako sa buhanginan." pag-iiba ko ng usapan, gusto kong alalahanin nya yung nakaraan namin noon kesa magduda ng kung ano pa.
"Hahaha- Oo naman. Ako pa ba makakalimutan yun? No way! Nagtanggal ka pa nga ng medyas at sapatos noon tapos naka paa kang tumakbo sa buhanginan tapos ang sigaw mo "I'M FREEEEE"." wika nyang dumipa pa. Nakaramdam ako ng hiya at kaunting pamumula ng mukha. Teka, may ganun ba akong ginawa? Wala naman diba?
Agad silang nagtawanan maliban kay Kuya na masamang nakatingin sa akin. Alam ko ng curious sya kung bakit kami nagtungo ng beach ng wala sya. Kung bakit kami may memories ni Mac ng ganun.
"K-Kuya. Kasi that time may nangyari sa school tapos minabuti nalang namin ni Mac na pumunta ng beach. Hindi kami nag cutting-class noon, sadyang may nangyari lang talaga at saka umuwi naman ako ng maaga noon." paliwanag ko pa na agad namang ikinaliwanag ng mukha nya.
"Bunsoy bakit ang deffensive mo?" mapang-asar nitong ngisi sa akin.
"E kasi ang sama ng tingin mo sa akin. Wala naman kaming masamang ginawa eh." simangot ko na agad naman nilang pinagtawanan.
"Pfft! Wala naman akong sinabi na may ginawa kayo ah. Masaya nga ako na may mga alaala kayo ni Mac na ganun. Wag kang OA bunsoy. Hahaha." Kainis. Wala talagang pinagbago to si Kuya. Humanda ka sa akin, bubwisitin rin kita pagdating natin doon. Bwahahaha.
"Hep..hep.. Tama na yan, wag nyong paiiyakin ang bff ko kahit ganyan yan madrama mahal ko yan. Iisa lang ang nasisiguro ko. Gustung-gusto talaga ni Hayne ng dagat." saway ni Faith na agad akong niyakap. Ayown! Buti pa sya love nya ako. Ang sweet nya. Hayst! Biglang sumagi sa utak ko ang nalalapit nilang pag-alis kaya naman halos maluha-luha ako.
"Oo nga bayaw, wag mong gaganyanin ang Haynebee ko. Mahirap yang patahanin, may dala ka bang chocolates dyan na pang-amo sa kanya?" segunda ni Mac na nangingiti pa sabay yakap sa likod ko. Diko sya bati. Yaaah! Pinagtutulungan ba nila ako?
"Here. I brought a lot para kung sakaling may umiyak may pampatahan tayo. Hahaha." sabay taas ni ate Sandra ng isang paperbag na puro chocolates ang laman. Pinagtutulungan nga nila ako. Huhu.
"Ahahahaha- Oh! Pwede pala nating paiyakin si Bunsoy, may pampatahan naman pala tayo oh." nakabungisngis pang saad ni Kuya. Bigla silang nagtawanan maliban kay Faith na nakayakap pa rin sa akin.

BINABASA MO ANG
Taste of Love 2
RomantikPagkatapos ng mapaminsalang unos, ang araw ay muling magpapakita at sisikat. Maghihilom ang ginawa nitong sugat at matatanggap na ang lahat. Naging maayos muli ang buhay ni Naira Hayne Borris sa pagbabalik nito sa bansang Scotland. Sa tulong ng kany...