Narating namin ang kinaroroonan nila at lalo akong napaiyak ng makita silang dalawa. Magkatabi ang kama nila na may kung anu-anong aparatong nakakabit sa katawan nila. Parang mahimbing lang na natutulog si Faith habang si Mac ay payapa ang mukha. Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko at patakbo akong nagtungo sa kama ni Mac. He is still breathing patunay na buhay pa sya. Tiningnan ko si Faith at ganun rin sya.
"Sa labas lang kami Hayne," bulong ni tita para siguro bigyan ako ng privacy. Tumango lang ako bilang tugon.
Lumapit ako sa kama ni Faith at hinawakan ko ang kamay niya. Ang init ng kamay niya, hindi pa rin niya nililisan ang mundong ito dahil ba hinihintay nila ako? Dahil ba boses ko ang gusto nilang huling marinig?
"F-Faith.. Alam kong imposible pero dumating ka sa buhay ko, dumating ka noong mga panahong kailangan ko ng kausap at kaibigan. F-Faith, mahal kita, totoong minahal kita bilang k-kapatid. Kung ito ang nakatakda, s-sige na..tinatanggap ko na. Alagaan mo si Mac dyan h-ha? Wag..wag mo syang pababayaan at pag pinabayaan mo sya malalagot ka sa akin pag nagkita ulit tayo. H-Hintayin mo ang pamamaalam ko kay Mac, s-sabay na kayong um..umalis. M-Mahal kita Faith." bulong ko na hindi na mapigilan ang pag-iyak. Nakita kong may umagos na luha mula sa kanyang mga mata.
"W-Wag kang mag-alala, m-magiging maayos rin ako, magiging o-okay rin a-ko. Kahit..kahit pa matagal yun." wika kong pinunasan ang luha niya. Mabilis ko syang niyakap at pinakinggan ang bumabagal ng pagtibok ng kanyang puso.
Tumayo ako makaraan ang ilang sandali at tinungo ko ang kama ni Mac. Naupo ako sa may paahan niya habang hawak ang kamay niya. Maraming nakatusok ditong karayom na alam ko kung gaano ito kasakit. May nakapasok ring tubo sa bibig niya upang tulungan siyang huminga.
"M-Mac.. P-Pagud kana ba kaya gusto mo ng magpahinga? Oo, tama lang yun dahil ayaw kong napapagud ang kaibigan ko, ang kaisa-isang bestfriend ko. T-tulad ng pangako ko sayo, sasamahan kita at yayakapin kita pag sumapit na ang huling araw mo. G-Gusto mo bang k-kantahan kita? Pero..pero pangako mo na pag tapos ko na yung kanta saka ka aalis, saka mo kami iiwan ha? Ma-maya na yun, ayaw pa kitang umalis. Gusto pa kitang makasama kahit..kahit ilang minuto pa. M-Mahal na mahal kita M-Mac, alam mo yun diba? M-Mahal kita at h-hindi yun magbabago, hinding-hindi." Niyakap ko ang kamay niya. Nakagat ko pa ang dila ko dahil sa labis na pag-iyak. Gusto ko pa syang makasama kahit ilang saglit pa. Hindi ko pa kayang b-bitawan ang kamay niya. Bumaba ako ng kama niya at naupo sa may gilid niya. Sa tingin ko handa na ako.
"K-Kung isang araw nalang.. Ibibigay ng Maykapal.." simula ko sa awit na nanginginig ang boses. Kailangan ko itong gawin.
"K-Kakayanin ko p-pa ba? Na idilat ang aking mga mata.. Kung w-wala k-ka na..." Patuloy na gumaralgal ang aking tinig. Nag rereplay sa utak ko yung mga panahong nakilala ko sya. Yung una naming pagtatagpo, yung una naming pag cutting class dahil nagpunta kami ng beach nila.
"P-Paano nalang ang hiling ng isa't-isa.. Sana itigil ang tibok ng oras makasama ka.. S-Sa-na.." Yung mga panahong durog na durog ako at nakita ko sya sa Scotland. Ako ang naging lakas niya at sana ngayon sya ang maging lakas ko. Sana..
"M-May isang araw pa tayo Sinta, m-magkayakap h-hang-gang sa hu-ling p-paghinga.. M-May i-sang g-abi pa tayong dalwa..Sana..ang ngayon di na maging b-bukas p-a.." Tumungo ako at niyakap ko sya. Ito na ang huli alam ko, alam kong ito na ang huling pagkakataon na mayayakap ko sya. Nag replay sa utak ko yung oras na nalaman kong maysakit sya. Sobrang sakit nun para sa akin, sobrang sakit. Hindi ko inalis ang pagkakayakap ko sa kanya. Gusto ko pang marinig ang pagtibok ng puso niya na para sa akin.
"K-Kung..h-huling gabi n-alang, makita ka a-king m-mahal.. S-Sasayangin ko p-pa ba? A-ng l-liwanag ng iyong alaala.." Oo alaala mo nalang ang magiging kasama ko Mac, maraming alaala isa na doon yung nasa beach tayo na nakahiga ako at nasa uluhan kita. Magiging mga alaala nalang.

BINABASA MO ANG
Taste of Love 2
DragostePagkatapos ng mapaminsalang unos, ang araw ay muling magpapakita at sisikat. Maghihilom ang ginawa nitong sugat at matatanggap na ang lahat. Naging maayos muli ang buhay ni Naira Hayne Borris sa pagbabalik nito sa bansang Scotland. Sa tulong ng kany...