Napabuntong-hininga ako ng ilang ulit. Handa ko na bang sabihin sa kanya? Ang kulit nya. Hindi pa ako handang sabihin sa kanya ang katotohanang aking nalaman kani-kanina lang. Alam kong mag-aalala sya pag nalaman nya lalo na sa akin. E alam ko rin namang hindi sya titigil hangga't hindi nya nalalaman eh and worst baka hindi nya ako patulugin dahil lang doon. Kaya naman nagdesisyon akong sabihin nalang sa kanya ang lahat. Pasalampak akong naupo sa harapan nya kaya medyo tumaas sya. Tinitigan ko ang mukha nya na parang sabik na sabik na malaman ang katotohanan.
"We need to call ate Sandra," wika ko.
"H-Huh? B-Bakit? Anong kinalaman nya sa sasabihin mo?" tanong nito.
"Wala syang kinalaman sa sasabihin ko pero kailangan nya rin itong malaman. Tatawagan natin sya at papapuntahin dito or hindi ko nalang sasabihin sayo? Mamili ka." seryoso kong saad.
"K Fine! Ito na ida-dial ko na ang number nya." saad nyang itinaas pa ang phone nya.
Hindi naman talaga kailangan si ate Sandra dito pero in case na hindi makayanan ni Kuya may taong magpapagaan ng loob nya. Oo nandito ako pero hindi ko sya magagawang i comfort kung maging ako ay kailangang i comfort. Haay! I wish nandito si Arth para may nahihingahan ako, at sana nandito rin si KN para naman may lakas ako. I know kahibangan ang huli kong naisip pero what if lang naman diba? What if hindi kami nagbreak? What if hindi nya ako niloko? What if kami pa rin pagkaraan ng limang taon? What if nandito rin si best at dinadamayan ako? Ang dami kong what if's pero isa dun wala man lang natupad. Malalim akong napabuntong-hininga.
"B-Bunsoy? Ayos lang ang lahat diba?" untag sa akin ni Kuya kaya napabalik ako sa realidad.
"H-Ha? O-Oo okey lang ang lahat." tugon ko.
Pinasadahan nya ako ng mapanuring mga mata. Alam kong hindi sya naniniwala sa mga sinabi ko pero bahala na sya. Malalaman nyang hindi ako okey mamaya pag sinabi ko na sa kanilang dalawa ni ate Sandra yung about kay Mac. Haaay. Si Mac, si Faith, ilang buwan nalang hindi na namin sya makakasama. Hindi ko na sila makikita. Napatingala ako ng maramdamang namamasa na naman ang aking dalawang mata.
"Hayne? Harold? May problema ba?" humahangos na dating ni ate Sandra sa kwarto ko.
"Ate Sandra." tanging sambit ko sabay yakap sa kanya.
"Hey, what happen? Anong nangyari sa mata mo bakit ka naka shades?" tanong pa nito.
Sa halip na sumagot ay pinaupo ko lang sya sa tabi ni Kuya. Ini lock ko ang pintuan at siniguradong hindi ito mabubuksan.
"Something is bothering her." narinig kong usal ni Kuya.
Matapos isara ay tinungo ko na ang kama ko at naupo paharap sa kanilang dalawa. This is it. Kailangan na nilang malaman ang lahat. Hinubad ko ang sout kong shades at tumambad sa kanila ang dalawa kong namumugtong mga mata.
"Hey, what's wrong?" tanong ni ate Sandra na lumapit pa sa akin.
"K-Kuya.. A-Ate Sandra.. S-si..S-si Mac." panimula ko na di na napigilan pa ang pagpatak ng luha.
"Bunsoy? Anong nangyari kay Mac?" tanong ni Kuya na napatayo pa.
"Si Mac may..may.." hindi ko na naituloy pa yung sasabihin ko dahil humagulhol na ako ng iyak.
"M-may a-ano bunsoy?" tanong ni Kuya na tila may bara ang lalamunan.
Agad naman akong niyakap ni Ate Sandra.
"Ssshh- Tahan na. Kung anuman yung pinagdadaanan ni Mac makakaya nya yun. Malalampasan nya yun diba?" alo pa ni Ate Sandra sa akin.
"B-Bunsoy.. A-Ano ba yun? Anong nangyari kay Mac?" tila nag-aalala nya ng tanong sa akin.
BINABASA MO ANG
Taste of Love 2
Lãng mạnPagkatapos ng mapaminsalang unos, ang araw ay muling magpapakita at sisikat. Maghihilom ang ginawa nitong sugat at matatanggap na ang lahat. Naging maayos muli ang buhay ni Naira Hayne Borris sa pagbabalik nito sa bansang Scotland. Sa tulong ng kany...