Chapter 22: Danger

380 14 6
                                    

Maaga akong nagising dahil sa malakas na hampas ng alon sa dalampasigan. Nag-inat ako at kapagdaka ay marahang lumabas ng tent upang hindi ko magising si Faith. Madilim pa paglabas ko, may mga bituin pa sa langit kaya sigurado akong gabi pa. Tinungo ko ang mesang kinalalagyan ng ilang gamit namin, hinagilap ko ang tasa at nagtimpla dito ng gatas.

"B-Bakit ang aga mong nagising?" anang isang tinig.

"Aaayyy.." bulalas ko na muntikan pang maihagis ang basong hawak buti nalang at kutsara lang ang nabitawan ko.

"Sorry, mukhang nagulat yata kita." dugtong pa niya na kumuha rin ng baso at kape naman ang tinimpla.

"Ang lakas ng hampas ng alon sa dalampasigan kaya nagising ako. Ikaw ba? Bakit ang aga mo?" kapagdaka ay saad ko ng makabawi sa pagkagulat na ginawa niya.

"Being a Doctor is not easy. Sanay ang mga mata naming dilat o di kaya naman ay sadyang mababaw lang ang tulog namin." paliwanag niya.

"Ahh..ganun pala yun." wika ko nalang nang wala na akong ibang masabi.

Nakita kong humigop sya ng kape at doon ko lang napansing gulung-gulo pa ang buhok niya. Walang nagbago sa kanya, bukod sa pagiging matured ng itsura wala ng iba pa. Hindi man lang ba sya na e stress kapag may mga pasyenteng hindi na nakaka survive? Hinigop ko na rin ang gatas na nasa tasa ko matapos pulutin ang kutsarang tumapon kanina lang. Ang weird niya, noong nakaraan ang daldal niya pero ngayon mukhang may malalim syang iniisip.

"Magaling na si Mac diba?" agad akong napaigtad sa kinauupuan dahil sa tanong niyang iyon.

Nagdududa na rin ba sya o sinabi sa kanya ng madaldal na si Arth? Alam kong Doctor siya at hindi malabong mahalata niya yun. Hayyst! Paano ko ba sasabihin sa kanya?

"Bakit naging magugulatin ka na ngayon?" muli niyang tanong.

"H-Ha? N-Nasanay lang ako sa tahimik na kapaligiran, I guess."

"Bawas-bawasan mong magkape para mabawasan rin ang pagiging magugulatin mo. It's okay kung hindi mo kayang sagutin ang tanong ko." seryoso niyang wika.

Tinitigan ko ang gatas na nasa tasa ko. Bakit nga ba ako nagugulat? Hindi naman kape ang iniinom ko ah. Mabawasan na nga yung pagkakape ko sa labas. Mag gagatas nalang ako. I was about to open my mouth ng bigla syang muling magsalita.

"H-Halika.. Maglakad tayo sa dalampasigan habang hindi pa sumisikat ang araw." aya niya sa akin.

Mabilis kong nilunok ang natitirang gatas sa tasa ko at agad na tumayo. Kinuha ko rin ang tsinelas ko na nakalimutan kong isuot kanina.

"Mas magandang maglakad kung naka paa sa dalampasigan. Malambot ang buhangin at wala namang nagkalat na balat ng kabibe na maaring ikasugat natin." wika niyang inihagis sa tabi ang suot na tsinelas.

"Ah.. Hehehe. Siguro nga." tugon kong muling tinanggal ang suot na tsinelas. Ang weird ko. Bakit nananahimik lang ako?

Matapos niyang lagukin ang kape ay naglakad na sya patungong dalampasigan. Nakasunod lang ako sa kanya na bagama't gabi pa ay may kaunting liwanag rin naman ang maliit ng buwan. Nagtatalon pa ako sa galak ng maramdaman ang malamig na buhangin sa aking paahan na ikinangiti niya ng lihim. Napangiti na rin ako dahil sa inakto ko.

Mabagal lang syang naglalakad habang nakasunod lang ako. Hindi naglaon ay sabay na kaming naglalakad sa dalampasigan, tila ba pareho kaming nag-iiwan ng bakas sa buhanginan. Ang tahimik, nakakabinging katahimikan. Tanging ang malakas na hampas lang ng alon at ang malakas na hagibis ng malamig na hangin ang aming naririnig. Maya-maya pa ay nakarinig ako ng kaluskos na para bang nagbubukas ng candy.

Taste of Love 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon