Third Person POV
Umaga palang ay nagbibilad na sa ilalim ng init ng araw si Hayne. Ini enjoy nya ang ilang taong hindi sya nakapagbilad ng ganito. Nagtungo sya sa dagat at paharap na naupo dito habang inaalala ang mga nagdaang gustung-gusto nya ng kalimutan. Alam nyang mga tanghali pa ang dating ng barkada nila noon kaya naman mas minabuti nya ng mapag-isa muna. Alam nyang ready na syang makita ang mga ito pero hindi pa rin nya alam kung ano ang mas magandang sabihin sa mga ito.
"Hey, what's up! Natatandaan nyo pa ba ako?" Of course kilalang-kilala nila ako." bulong nito sa sarili. Itinuon nalang nya ang paningin sa kulay asul na dagat matapos magpakawala ng ilang malalim na buntong-hininga.
Sa kabilang banda ay nagtatampisaw naman na sa mainit na tubig ng dagat si Faith at Sandra na naka swimsuit pa habang binabantayan ng nabwibwisit nang si Harold. Hindi sya naiinis sa mga dalaga kundi sa mga taong kanina pa tingin ng tingin sa katawan ng dalawa. Hindi man nya aminin sa sarili nya ay nais nyang protektahan ang dalawa lalo na ang kasintahan nyang si Sandra.
"Umahon na nga kayo dyan. Hindi pa ba kayo nilalamig? It's getting late." tanong nito na talagang naiirita na.
"Hey Baby, anong it's getting late? 8am palang. Don't worry, Hindi kami malulunod dahil pareho kaming marunong lumangoy." tugon ni Sandra na ngumiti pa. Napakamot nalang sa batok ang lalaki dahil sa nayayamot na talaga sya.
"Oo nga Kuya Harold, may lahi kaming serena kaya shoo ka na dyan. Si Hayne ang puntahan mo ayun oh' medyo ume emote ata sa saliw ng hampas ng alon sa dalampasigan." singit ni Faith na nag- e-enjoy ng sobra sa paglangoy. Since isa syang anghel kaya ngayon nya lang ito nagawa sa tanang buhay nya.
"O sige. Basta pag 10am na umahon na kayo at darating na ang mga bisita ni Mac. Nakakahiya kung maaabutan kayo sa ganyang ayos nyo." wika pa nito.
"Baby..anong nakakahiya kung maabutan kami sa ganitong ayos? We are here para magswimming anyway." kunot-noong tanong ni Sandra.
"Ahh.. Basta! Iba ang takbo ng mga utak ng mga yun at baka mamaya isipin pa ng mga yun na easy to get ang mga kasama namin galing Scotland! Concerned lang ako sa image nyo." tugon nito na naging malikot ang mga mata.
"Seryoso ka sa sinasabi mo Baby?" ani pa ng dalaga.
"Kailan ba ako nag joke?" irita ng tanong ng binata.
"Pffft! Bwahahaha. Ano bang image ang sinasabi mo Kuya Harold? Kailan pa kami nagkaroon noon? Haha- Seriously? Kailan pa kami nagkaroon ng image na sinasabi mo ni ate Sandra?" singit muli ni Faith na hawak pa ang tiyan sa pagtawa.
"Aww' my Baby is protecting us and nagseselos. Weeeeh? Halika nga dito." saad ni Sandra na mabilis umahon ng tubig at niyakap ang kasintahan.
"Aissh! May bata ho dito, marami pong tao oh." saad ni Faith na sinabayan pa ng malakas na pagtawa.
Agad naman namula ang dalawa sa tinuran nito. Matapos ng ilang minuto ay naghiwalay na rin sila at tinungo na ni Harold ang kinaroroonan ng kapatid na nakahalumbaba pa paharap sa dagat.
"Hey Bunsoy, anong problema?" sabay salampak nya sa tabi nito.
"I'm confused. Mahal ko si Mac pero----."
"Pero mahal mo pa rin yung nauna? Bunsoy, alam mong hindi ka confused. Alam mo kung sino talaga ang mahal mo at sino ang kaibigan mo lang sa kanilang dalawa." putol nito sa sasabihin ng kapatid.
"Pero sinaktan nya ako, niloko nya ako at ipinagpalit nya ako. Pinagmukha nya akong tanga, kawawa at walang kwenta!" maktol nya.
"Hindi masarap magmahal kung hindi ka masasaktan. Ganto, hinintay mo ba o pinakinggan mo ba ang explanation nya?" humarap pa sya sa kapatid na tila binabasa ang laman ng isip.

BINABASA MO ANG
Taste of Love 2
RomansaPagkatapos ng mapaminsalang unos, ang araw ay muling magpapakita at sisikat. Maghihilom ang ginawa nitong sugat at matatanggap na ang lahat. Naging maayos muli ang buhay ni Naira Hayne Borris sa pagbabalik nito sa bansang Scotland. Sa tulong ng kany...