Chapter 37: Wedding the second

451 16 7
                                    

"Ang ganda mo dear, sobrang ganda mo, baka mamaya niyan agawan mo ako ng spotlight at isipin ng mga taong mas bagay kayo ng magiging asawa ko." mahabang litanya ni Christa na pinasok kaming dalawa ni best sa silid.

"Ang oa mo naman cuz, paano namang si best ang mapagkakamalang bride e magkaiba naman ang damit ninyo? At isa pa, alam nating iba ang itinitibok ng puso niyan, kaya pwede ba huwag kang oa." tugon dito ni best na abalang inaayos ang suot na sandals.

"E cuzzy, ang ganda talaga niya." may himig ng pagka-inggit sa kanyang boses.

"Noon pa man maganda na iyan si best, tigilan muna ang paghahambing ng sarili mo sa kanya dahil magkaibang-magkaiba kayong dalawa,"

"Hey, nandito ako oh. Nandito iyong pinag-uusapan niyong dalawa." singit ko sa usapan nila.
"Ay, oo nga pala nandiyan ka best. Ha-ha, ang ganda mo bigyan mo nga ng kaunting ganda itong fashion designer natin nang matigil na sa pagkukumpara ng sarili sa iba."

"Grabe ka sa akin doktora, oo na alam kong pangit ako, hindi muna kailangang ipangalandakan pa."

"Tingnan mo ito, kanina inggit na inggit ka kay best tapos ngayong pinuna kita, umaarte kang ayaw mo ng ikinukumpara, saan ako lulugar?"

"Hep, at bago kayo magkasakitang dalawa pwede bang tigilan niyo na? Lahat tayo ay maganda, iyong iba ngang ganda natin hindi natin nakikita e. At saka walang pangit na nilikha ang maykapal, may kanya-kanya tayong natatanging ganda. At before din na may ma-hospital sa inyo at ma-cancel ang wedding ay tigilan niyo na, nandito tayo para damayan ang kaligayahan ng isa at hindi para i-kumpara ang sarili natin sa kanila. Oo na, alam ko ng maganda ako at hindi niyo na kailangang isigaw pa sa loob ng kwartong ito dahil tayong tatlo lang naman ang nakakarinig, it's useless you know."

"Hoy, Roley ikaw ba iyan? Sumalin ba panandalian ang kaluluwa sa'yo ni Roley?" sigaw ni best na akala mo nakakita ng multo.

"Tama, linya iyan ng hinayupak na Roley na iyon, hopia naman sa lovelife. Hahaha." segunda ni dear na tumawa pa.

"Wait, si Roley may lovelife?" takang tanong ko, matagal na panahon na nga pala ang lumipas at hindi na ako updated sa kanila.

"Yeah, at ganun din si Arth," tugon ni best na parang proud pa. E di sila na ang happy at ako na ang loveless.

"Pero si KN single pa rin at ready to mingle, weeh.."

"Eh? Best huwag mo nga kaming tuksuhin," ngiti ko sa kanya.

"Huwag mo daw tuksuhin cuzzy, pero pustahan tayo kinikilig na iyan mula sa kaibuturan ng kanyang puso."

"Tigilan niyo ako, haha." pigil ko sa kanila.

"Look cuz, nagblu-blush si best!" bulalas ni Roina na tumayo pa.

"OMG! Oo nga, see the difference?"

"Ano?!" ngisi kong naguguluhang tanong.

"Wala, sabi ko magpalit na tayo ng gown, see you later." kaway pa nito.

"Puntahan ka namin mamaya sa silid mo, congratulations dear!" pahabol kong wika bago niya maisara ang dahon ng pintuan. Kinuha ko sa hanger ang gown na isusuot at walang kahiya-hiyang naghubad ng robe sa harapan ni best, hindi na bago iyon.

"Pang bikini open pa rin ang katawan mo best," puna niya sa akin.

"Huwag kang bolera,"

"Hindi ako nagbibiro, bilisan mo magbihis tapos mag selfie tayo ng bongga." ngiti niya sa akin. Mukha pa rin kaming mga teens na nag sleep-over sa bahay ng kaibigan niya.

"Sige, wait lang.." tugon kong isinusuot na ang gown. Pareho kaming bride's maid ni Christa pero magkaiba kami ng design ng damit, although pareho ito ng kulay. May kaunting beads pero nagmukha itong elegante dahil sa tabas nito. Si Christa lahat ang nag-design ng aming damit na isu-suot.

Taste of Love 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon