Pagdating ng lumang bahay namin ay agad akong nagtungo ng kwarto. Nahiga ako sa kama at patuloy na umiyak. Parang kahapon lang, parang kahapon lang ang lahat at kasama ko pa siya. Kasama ko pa silang dalawa. Patuloy na ginawa ko ang ganoong routine sa loob ng dalawang linggo. Lalabas lang ako kung kakain at agad na babalik ng kwarto. Si Kuya at Ate ay agad ng bumalik ng Scotland dahil sa mga responsibilidad nila sa kumpanya ng bawat pamilya. Si Mama at Papa ay nanatiling kasama ko dahil nag-aalala silang dalawa na baka kung anong gawin ko. Wala naman akong ibang gagawin, gusto ko lang na maging maayos na ang aking pakiramdam.
"Ma, Pa. Let's go back to Scotland.." wika ko habang kumakain kami ng hapunan. Agad silang napatingin sa akin na para bang isa akong sanggol na bago pa lamang nagsasalita.
"Are you sure Hayne?" tanong ni Mama na hindi makapaniwala. Tumango lang ako bilang tugon.
"Bukas na bukas din anak bya-byahe na tayo patungong Scotland." ngiti sa akin ni Papa.
"Pa, pwede po bang gabi ang kunin mong flight natin? May pupuntahan po muna ako bukas ng umaga hanggang hapon po." sambit kong ipinagpatuloy ang pagkain.
"Okay Hayne.."
"Anak, saan ka pupunta bukas?" nag-aalalang tanong ni Mama.
"M-Maglalakad-lakad lang po ako Ma, tapos bibisitahin ko na rin si Christa at Veroina para pormal na makapag paalam ako sa kanila."
"O sige, tomorrow night is our flight." saad ni Papa.
"Thank You po.."
"Hayne, we are here. Kung kailangan mo ng kausap I'm here.. You don't need to keep it." bahagya lang akong ngumiti sa kanila. I know, nandyan lang sila para sa akin at ipinagpapasalamat ko iyon.
After kumain ay muli akong bumalik ng aking kwarto. Ang daming tumatakbo sa aking isip. It's been two weeks, two fucking weeks at para bang ngayon palang nangyari ang lahat dahil hindi nawala iyong sakit. Ganoon lang talaga siguro ang dating sa akin ni Mac at Faith. Ang haba ng panahon naming pinagsamahan kumpara sa naging kaibigan ko ang iba. Nag compose ako ng message at ise-nend ko sa kanila. They are still my friends at ayoko ng may mawala pa sa kanila.
To: Veron To: Christa To: Roley To: Arth To: KN
I'm leaving Philippines tomorrow night. I hope we can meet up before my flight.From: KN
See you bukas.From: Arth
Mamimiss kita.From: Roley
Sure.. You need to show to us bago ang flight.From: Christa
What time dear ang meet up?From: Veron
Okay best. I hope hindi bukas ang huling araw ng ating pagkikita.Reading their message is one of my hobby now. Maging iyong mga last message sa akin ni Mac at Faith ay binabasa ko, pero sa huli I ended crying over and over again.
To: All of them
Before lunch bukas let's meet up sa isang EAT ALL YOU CAN na restaurant ni Roley. Gusto kong kumain ng marami, and Hey Roley, Gusto ko ng malalaking fried lobster ha.In that lobster thingy I remember Mac, noong nasa highschool pa kami. Kumain kami noon ng maraming lobster. Nahiga na ako at inihanda ko na ang aking sarili sa pagtulog. Kailangan ko silang harapin bukas dahil aalis na ako. Hindi ko alam kung kailan ako babalik, maybe months or years bago ako umapak sa bansang ito, sisiguruhin kong okay na ako. Tanggap ko na ang lahat.
~*~
"Mac, kumusta? Maganda ba diyan? Ayos ka lang ba diyan? Si Faith inaalagaan ka ba? Sabihin mo sa panaginip sa akin kung hindi dahil malalagot iyan sa akin." wika ko habang naka indian set sa pagitan ng himlayan nilang dalawa.
BINABASA MO ANG
Taste of Love 2
RomantiekPagkatapos ng mapaminsalang unos, ang araw ay muling magpapakita at sisikat. Maghihilom ang ginawa nitong sugat at matatanggap na ang lahat. Naging maayos muli ang buhay ni Naira Hayne Borris sa pagbabalik nito sa bansang Scotland. Sa tulong ng kany...