Matapos ng drama ay nagtungo na rin kami sa villa upang maligo at makapagpalit ako ng damit. Everything is like a normal at parang walang nangyari kaninang umaga. Ate Sandra and Faith went to the souvenir shop at alam kong marami silang nabili doon. Mac lie down on our bed na para bang pagud na pagud, I know epekto yun ng sakit niya. Kuya Harold is preparing our dinner pati na rin ang bonfire na gagawin namin after dinner ay inihahanda na nila Arth at Roley. Asan si Dear at Best? Heto sa tabi ko at pilit akong kinukulit na ikwento ang nangyari kanina. Hindi ko sila pinagbigyan sa gusto nila. Matapos ang ilang minuto ay inaya na kami ni Kuya para maghapunan. Nagluto sya ng seafoods sa iba't-ibang putahe, siguro Kuya wants to be chief yun nga lang mas ginusto niyang tuparin ang pangarap ng iba.
Matapos ang hapunan ay tinungo na namin ang bonfire site kung saan malapit ito sa dagat. Dahil sa lamig ay mga naka jacket kami. Feeling ko winter ngayon at malapit ng umulan ng snow. Asa pa akong may snow sa Pilipinas. Naupo ako sa pagitan ni KN at Mac dahil doon nalang may pwesto. Napagkaisahan na naman ako.
"Brrr. Ang lamig naman." usal ni Roley na pinagdaop pa ang dalawang palad. Ngayon ko lang napansin na may mantsa ng ice cream ang jacket niya.
"Parang bata ka parin bang kumain?" tanong ko sa kanya na sinundan ng tawanan ng iba.
"Ah ito ba? Gawa to noong bagong crush ko." proud pa niyang wika habang nakangiti ng malapad.
"Crush?" duet nilang tanong na para bang lahat ay bago sa kanila.
"Oo bagong crush, kanina kasi ng iniinggit kami nagtungo ako sa ice cream stall, tapos may magandang babae doon na bumibili ng ice cream. Syempre pila doon kaya nasa likod niya ako and then pagharap niya nahalina sya sa maalindog kong katawan kaya ayun natapon sa damit ko ang ice cream niya. Ang ending binilhan ko sya ng bago kasi kinain na ng lupa yung ice cream niya." mahabang kwento niya na kumikislap pa ang mga mata.
"At hindi ka talaga nagpalit?" tanong ni Arth sa tabi niya.
"Oo, hindi ba obvious? Kaya nga nakita nyo pa yung ice cream diba?" pabalang nitong sagot.
"Tss. Para ka pa ring bata." komento ni KN sa tabi ko.
"Ayaw kong ihiwalay ang damit na to sa katawan ko, feeling ko hindi ko kayang gawin yun kahit palabhan ko pa ito." iiling-iling niya pang tugon.
"Hayst. Nasapian na naman si Roley." bulong ni Mac na ikinangiti ko.
"Wag nga kayo, pag kayo na inlove alam nyo naman diba? At saka sobrang ganda niya, ang amo ng mukha niya. Para syang ka copy-cat ni Hayne." dugtong pa niya.
"What?!" alma ko at talagang inihalintulad pa ako dun sa babae.
"Sabi ko kasing ganda mo sya." bawi nito.
"Wooh! Korneee." sigawan ng lahat at ibinato namin sa kanya ang plastic ng mallows na plano niyang ihawin lahat. Napangiti nalang siya at saka tumingin sa malayo. Ang tindi ng tama niya.
"M-May speech ako at bago ko yun gawin, kakantahan ko muna kayo." tayo ni Mac at kinuha ang gitara niya.
Nagtataka man ako ay tiningnan ko lang sya. Nagsimula na syang mag strum ng gitara at doon ko lang narealize kung ano ang aawitin niya. Wag Mac, huwag kang magpaalam sa amin.
Kung isang araw nalang
Ibibigay ng Maykapal
Kakayanin ko pa ba?
Na idilat ang aking mga mata
Kung wala ka na...Paano nalang ang hiling
ng isa't-isa
Sana itigil ang tibok ng oras
makasama ka...
Sana....Nakita kong tumungo si Faith habang may pinupunas sa mukha. Alam kong umiiyak sya at alam kong ayaw niya rin kaming iwan. Alam kong masakit rin yun sa kanya. Tiningnan kong muli si Mac, he is crying now at alam ko sa sarili kong nasasaktan ako ng sobra. What are you doing Mac? Are you going to tell us already? Hindi pa ako handa.
BINABASA MO ANG
Taste of Love 2
RomancePagkatapos ng mapaminsalang unos, ang araw ay muling magpapakita at sisikat. Maghihilom ang ginawa nitong sugat at matatanggap na ang lahat. Naging maayos muli ang buhay ni Naira Hayne Borris sa pagbabalik nito sa bansang Scotland. Sa tulong ng kany...