Ilang buwan na ang nakakaraan mula ng mag-propose sa akin si KN. Ilang buwan na ba? Pito? Walo? Hindi ko matandaan. Hindi pa rin ito lubusang pumapasok sa aking isipan, dahil na rin sa mga nangyari sa aming dalawa. Mapaglaro talaga ang tadhana, matapos kaming paikot-ikutin na dalawa ay heto pa rin kami at nananatiling magkasama.
Pinagmasdan kong mabuti ang aking itsura sa salamin, mababanaag sa aking mukha ang paglipas ng mahabang panahon. Hindi na ako ang dating batang Hayne na sakitin, hindi na rin ako ang dating Naira na pinaiyak ni KN. Alam kong patuloy na nagbabago ang panahon, patuloy itong umiinog sa bawat buhay ng tao.
Ngayon ko lamang napagtatanto ang kahalagahan ng buhay ng tao, hindi habang panahon mananatili tayo sa ibabaw ng mundo. Kumusta na kaya si Mac? E si Faith? May mabubuo rin ba sa kanilang lovestory sa kabilang buhay? E paano naman 'yong ex ni KN na nasa langit rin? Teka.. Bakit ko ba 'yon prino-problema?
Muli kong sinipat ang aking itsura sa malaking salamin. Hindi ko man aminin, umaasa akong muli kaming magkakaroon ng reunion na magkakaibigan, hindi man ngayon alam kong sa mga susunod na panahon.
"Hoy grabe, ang tagal mo feeling mo naman ikaw ang ikakasal!" anang isang tinig kasabay ng malakas na pagbukas ng pintuan ng silid na aking kinaroroonan. Ang mahadera, ipinamukha pa talaga sa aking abay lang ako.
"Tsk, ano bang problema mo Roina? Tumatanda na ba kaya nagiging masungit ka na?" tugon ko dito.
"Huwag mo ngang baguhin ang issue Hayne, bakit ba ang tagal-tagal mo kanina pa kami nangangawit kakahintay sa'yo, nandoon na rin 'yong bride at groom at ikaw nalang ang hinihintay," mahaba nitong litanya.
"Oo na, ang OA niyo naman saka matutuloy naman ang kasal, e bakit ba sila madaling-madali at saka 'yang si Arth, pektusan ko kaya ang lokong 'yon," tugon ko na umismid pa.
"E di gawin mo nang maging rumble'lan ang kasal nila, alam mo naman atat na atat 'yong si Arth sa magiging honeymoon nila eh, tara na.." saad pa nitong nakasuot rin ng damit pang-abay.
Ang laswa man naming tingnan sa mga suot namin dahil hindi na kami kabataan, ay nagawa pa rin naming pagbigyan itong si Arth na akala mo gwapo. Iisa lang naman ang kilala kong gwapo at 'yon ay si----
"Ano ba? Bakit ang tagal nito? Si Arth malapit ng magwala," nakasimangot na wika ni Roley na agad sumulpot mula sa kung saan, ang umaasang maging PogingGwapo.
"See? pati siya pinagbubuntunan na ng hinayupak na Arth na 'yon," palatak ng aking kaibigan na akala mo boyfriend niya si Roley. Agad kong pinaikot sa ere ang aking mga mata.
"Oo na ito na, sa-sapatusin ko talaga 'yang Arth na 'yan, ewan ko nalang kung hindi siya mabulag sa heels na tatama sa mga mata niya," bulalas kong nauna ng lumabas sa kwarto.
"Anong nangyari doon?" pabulong na tanong ni Roley.
"Malay ko, ganyan na 'yan pagdating ko dito," tugon ng tinanong niya.
"O my God, hindi kaya buntis si hayne-mylavs?" patiling tanong ni Roley na nagboses bakla pa.
"Imposible, hindi naman 'yan nag-ano at si KN eh," pagtutol ng aking kaibigan.
"Bakit sasabihin ba nila sa atin 'yon?" hirit pa ng loko. Wait.. Anong sinabi? Nag-ano kami ni KN? Anong nag-ano? Isang ngiti ang sumilay sa aking labi.
"Push mo 'yan Roley, malay niyo nga totoong buntis ako kaya mainit ang ulo ko," ngisi ko sa kanila.
"What?" duet nilang tanong kaya mabilis ko na silang iniwan.
Halos mabasa ang panyong hawak ni Arth sa pag-entrada palang ng babaeng kanyang pinakamamahal. Hindi ko man alam ang mga pagsubok na pinagdaanan nilang dalawa pero naniniwala akong, sobrang mahal nila ang isa't-isa. Nabago niya ang pagiging matigas ng ulo ni Arth, napalabas niya 'yong side ni Arth na noong mga bata lang kami aking nakita. Siguro nga sadyang may magic ang totoong pag-ibig, hindi man natin nakikita ngunit ating nadarama.

BINABASA MO ANG
Taste of Love 2
RomancePagkatapos ng mapaminsalang unos, ang araw ay muling magpapakita at sisikat. Maghihilom ang ginawa nitong sugat at matatanggap na ang lahat. Naging maayos muli ang buhay ni Naira Hayne Borris sa pagbabalik nito sa bansang Scotland. Sa tulong ng kany...