Mabilis akong bumaba ng sasakyang sinasakyan ng sapitin ang entrance ng hospital. Ito na ang huling gabi ni KN, ito na ang huling gabing makakasama ko siya. Dere-deretso akong naglakad patungo sa kwartong inu-okupa ni KN.
Itinulak ko ang pinto nito at ganon na lang ang aking pagkagulat nang makitang gising na si KN, at nakaupo sa kama habang pinapansin ni Roina ng lugaw. Hindi nila ako napansing apat dahil abala sila sa pag-aasikaso kay KN, sa payat nitong mukha ay hindi maitago ang kasiyahang nadarama. Gusto ko siyang yakapin ng mahigpit, gusto kong maramdaman ang tibok ng kanyang puso, upang masigurado kong gising na talaga siya.
Ang lahat ng 'yon ay nais kong gawin pero hindi ko magawa, hindi ko maintindihan kung ano ang pumipigil sa akin. Oo, masaya ako. Masaya akong gising na siya at hindi na kailangan pang dalhin sa ibang bansa, pero may kakaiba akong nararamdaman, nakakaramdam ako ng selos sa pag-aalagang ginagawa ni Roina sa kanya.
Nabaling ang paningin niya sa akin pero hindi ko makita ang pananabik doon, hindi ko nakita na masaya siyang nakita ako. Ang mga mata niya ay naging blangko at walang pakialam sa presensya ko. Nakagat ko ang aking pang-ibabang labi upang pigilan ang nagbabadyang mga luha. Hindi niya na ako kailangan, hindi siya masayang nandito ako, siguro napagtanto niyang ako ang may kasalanan ng lahat at kung bakit nandito siya ngayon.
"Oh, Hayne nandito ka na pala, si KN gising na!" masayang pagbabalita ni Roley sa akin, pilit akong ngumiti dahil ang awkward sa aking pakiramdam, feeling ko hindi nila ako kabahagi.
"Hindi mo na kailangang magpuyat pa Hayne, hindi ka na mahihirapan bantayan siya," singit ni Christa, nakita ko kung paano nagbago ang mood ni KN, naging seryoso ang mukha nito.
"Makakabawi ka na ng tulog Hayne, hindi muna kailangan pang mag-alala," masayang wika ni Arth.
"Oo nga best, hindi muna kailangan pang mamroblema kung paano ka susunod sa kanya sa ibang bansa," singit ni Roina. Bakit ganun? Bakit sa tono ng pananalita nila, parang pinapalabas nila na pabigat sa akin si KN na hindi naman.
"A-Ano ba kayo, h-hindi ko naman iniisip 'yon habang binabantayan ko siya, at isa pa wala namang problema 'yon sa akin," naiiyak ko ng wika, ngayon lang ako nakaramdam ng ganito.
"Oo nga naman, hindi niyo kailangang sabihin ang mga 'yan, dahil bukal naman sa loob niya na bantayan si KN. Huwag niyong pasamain ang loob ni Hayne," wika ni Roley na tumayo pa sa aking tabi.
"H-Hindi naman 'yon ang punto naming tatlo, ang tinutukoy n-namin ay hindi na siya mahihirapan pa," sangga ni Roina.
"Pero 'yon ang ipinaparamdam at tinutumbok niyo," sagot pa ni Roley dito, hinawakan ko ang braso ni Roley para tumigil na.
"H-Hindi ako nag re-reklamo na nahihirapan ako, wala akong pinagsisisihan na binantayan ko siya. H-Huwag niyong iparamdam sa akin na ganun ang nararamdaman ko dahil hindi naman," saad kong hinarap silang tatlo.
"Hindi naman 'yon ang nais naming iparating sa'yo, ang inaalala lang naman namin ay 'yong katawan mo," kontra naman ni Christa. Bakit ganun? Bakit bumabalik na naman kami sa dati naming problema?
"Okay hindi na 'yon, sorry kung siguro naging OA na ako. Kung ayaw niyo akong nahihirapan sa pagbabantay, edi sana pinalitan niyo ako, hindi di ba? Pupunta lang kayo ng ilang oras tapos aalis na naman kayo, hindi sa sinusumbatan ko kayo pero huwag niyo akong palabasing masama sa harapan ni KN. Kung ayaw niyo sa akin, handa naman akong dumistansiya, sabihin niyo lang! Oo, ako ang naging dahilan ng aksidente namin, pero hindi ko naman 'yon ginusto, at lalong hindi ko ipinagdasal," puno ng hinanakit kong wika. Agad akong napaiyak dala ng labis na sama ng loob. Hindi ito ang inaasahan kong mangyayari, sa pagbabalik ni KN. Umatras ako ng ilang hakbang.

BINABASA MO ANG
Taste of Love 2
RomansaPagkatapos ng mapaminsalang unos, ang araw ay muling magpapakita at sisikat. Maghihilom ang ginawa nitong sugat at matatanggap na ang lahat. Naging maayos muli ang buhay ni Naira Hayne Borris sa pagbabalik nito sa bansang Scotland. Sa tulong ng kany...