Humantong kaming dalawa ni Arth sa isang maliit yet tahimik na coffee shop. Pareho kaming nag-order ng kape na pampatanggal ng inis. Okey na to kesa naman kasama namin yung isang ungas. Tahimik lang kaming nakaupo sa pandalawahang table at tila ba nagpapakiramdaman kung sino ang unang magsasalita. Wala akong planong umimik, tinatamad akong magbukas ng topic.
"K-KN." maya-maya ay tawag nya sa akin.
"Hmm?" tanging sagot ko habang nakatingin sa screen ng fone ko.
"Pwede ba tayong mag-usap?" alangan pa nyang tanong.
"Ok. Go ahead." wika ko na hudyat upang mauna syang magsalita.
"Yung..yung about kanina, if Mac say yes we should respect him, his decision na isama sila. Siguro naman hindi na big deal sa'yo yun dahil all those years nasa paligid naman na natin silang dalawa." umpisa nito. Hindi ako umimik dahil hinihintay ko lang ang susunod nya pang sasabihin. Nang lumipas ang ilang minuto na tahimik lang sya ay agad akong nag-angat ng tingin sa kanya.
"What do you want me to do? Anong punto mo?" tanong ko na hindi inaalis ang paningin sa kanya.
"Nais ko lang sanang sabihin sayo na pabayaan nalang natin yung desisyon ni Mac na kasama yung dalawang bruha. Still, naging part pa rin sila ng Highschool Life natin diba? Hindi naman siguro ma ru-ruin yung bonding sa reunion if kasama sila. Malay mo nandun or dumating din si Hayne? May possibility na maaaring makapunta rin sya. Hindi ko sinasabing okay yung idea na kasama sila. I'm just trying na maging maayos ang lahat para sana kay Mac." paliwanag nito.
"Okay. Kahit naman tumutol ako sa tingin mo ba may magagawa ako if gusto nyo? And one thing for sure na si Roley ang nagpumilit na isama sila." hinuha ko pa.
"KN, hindi naman siguro ganun ang nangyari, wag kang magalit kay Roley. Kaibigan natin sya at kahit na engot sya hindi nya yun kayang gawin. Tandaan mo hindi alam ni Mac yung ginawa nyo ni Roina kay Hayne dahil kung alam nya yun he won't say those idea na isama sila. At naniniwala rin ako na kung alam nya yun or malalaman nya yun malalagot ka sa kanya." I caught off guard na agad nasamid sa sarili nyang laway.
Arth has a point. May nagawa nga pala akong mali noon. Siguro nga paranoid lang ako at hindi ko rin maintindihan ang sarili ko kung bakit naiinis ako kay Roley. Ano nga kayang magiging reaction ni Mac when he found out yung mga nangyari sa aming nakaraan ni Naira? Parang kinakabahan ako at natatakot sa maaaring reaction nya.
"KN? Sorry pero sa tingin ko wala na tayong pakialam sa desisyon ni Mac. I respeto nalang natin yun para sa kanya." ani pa nito. Dumating ang order namin na agad kong sinimulang inumin.
"Yeah. Sorry naging OA lang ako kanina. By the way, kung makita mo si Roley say sorry to him para sa akin. Hindi ko naisip yung pwede nyang maramdaman sa naging reaction ko kanina. I have to go maaga pa ang pasok ko bukas." wika kong tumayo na. Ewan ko ba bigla akong nawalan ng gana sa kape noong ipaalala nya sa akin ang nakaraan namin. Kumuha ako ng 1K sa wallet ko at ipinatong sa mesa.
"Aalis ka na agad? Sige, uubusin ko lang itong kape ko at babalik ako sa bar para sayo. Ingat ka pauwi," tugon naman nito.
Humakbang ako at agad na tinapik ang balikat nya pagtapat ko sa kanya. Lumabas ako ng coffee shop at nagmaneho pauwe ng bahay. Kahit isa na akong Doctor mas pinili ko pa ring manirahan sa bahay namin dahil nais kong makasama sa iisang bubong sina Mom at Dad kahit na pareho pa rin silang abala sa mga negosyo nila. Yung tipong pag gising ko sa umaga naaabutan ko pa sila kung minsan na nag-aagahan.
I maybe a spoiled brat noon magpa hanggang ngayon pero may isa pa akong matibay na dahilan para hindi iwan ang bahay namin at bumili nalang ng unit. Yun ay ang mga naging alaala naming dalawa ni Naira sa bahay na ito. Ayaw ko syang iwan dahil natatakot ako na baka mamaya pagbalik ko hindi ko na ito lubusang matandaan pa dahil sa magiging pagbabago. Isang malalim na buntong-hininga ang aking pinakawalan sabay hampas ng isang kamay sa manibela. Naiinis ako sa sarili ko, sobra akong naiinis rito.

BINABASA MO ANG
Taste of Love 2
RomancePagkatapos ng mapaminsalang unos, ang araw ay muling magpapakita at sisikat. Maghihilom ang ginawa nitong sugat at matatanggap na ang lahat. Naging maayos muli ang buhay ni Naira Hayne Borris sa pagbabalik nito sa bansang Scotland. Sa tulong ng kany...