Hayne POV
Nakita ko sya. Tiningnan ko sya, tiningnan ko sya ng buong panghihinayang. Tinitigan nya ako ng buong pangungulila, pangungulila nga ba? Baka naman nagulat lang sya dahil hindi na ako apektado kaya tiningnan nya ako. O di kaya ay nagulat sya dahil natutunan kong mahalin si Mac na kaibigan nya. Kung hindi nya ako niluko noon, sana hindi kami hahantong sa puntong ganito, sa puntong parang hindi kami magkakilalang dalawa.
Matapos ng makabagbag damdaming tagpong iyon ay nag-aya na rin si Macky na tunguhin namin ang restaurant na ni reserve nya para tanghalian namin. Napansin kong parang wala sa sarili ang dalawang magpinsan na kaibigan ko noon. Si dear at si bestie. Hindi ko man aminin sa sarili ko pero noong nakita ko silang dalawa kanina nais ko silang yakapin at kumustahin. Ganunpaman ang nangyari sa amin alam kong may mga pinagsamahan pa rin kaming tatlo, yun nga lang sinira nila ang tiwalang ibinigay ko sa kanilang dalawa. Nasa harap na kami ng mesa at hinihintay nalang ang pagkaing ihain. Pakiramdam ko ang awkward ng pwesto namin. Sa harap namin ay nandoon si Christa, si Roina, si Arth, si KN at si Roley. Sa tapat ni Christa ay si Faith, si ate Sandra, si Kuya Harold, ako at si Mac. Ang awkward diba? Nasa tapat ko ang lalaking ayaw kong makaharap sa harap ng mesa. Hindi ko tuloy maiwasang hindi mapakali sa aking inuupuan.
"Haynebee, may problema ba?" basag ni Mac sa katahimikan mula pa kanina. Agad akong napailing, wala naman talagang problema, hindi lang ako sanay.
"Bunsoy? Gutom ka na ba? Hayaan mo parating na ang pagkain natin." singit ni Kuya na agad kong pinanlakihan ng mata. Anong pinapalabas nya? Hindi ko na mahintay ang foods?
"Hahaha. Hayne-mylavs, into the foods kana rin ba? Yun kasi ang stress reliever ko, maraming pagkain. Yiieeh.. May similarity na rin tayo." hindi maitago ang saya sa boses ni Roley. Napansin ko ngang medyo namula pa ang mukha nya. Maya-maya pa ay nakatanggap sya ng batok mula kay Arth na seryoso pa rin hanggang ngayon ang mukha.
"Roley, manners nga. Hindi ka na nahiya ha." sermon dito ni Arth.
"Hahahaha. Hayaan mo sya Arth, actually gutom na nga rin ako. Ano bang ipinahanda mo Macky at ang tagal?" tanong ko sa katabi ko na ngiti lang ang isinukli sa akin.
"Magakakasundo tayo pagdating sa pagkain Roley. Like the old days lang. Haha." saad kong malawak ang ngiti.
"Mine, wag mong e spoiled yan si Roley baka mamaya magselos na si Mac nyan." hirit pa nito.
"Ahy! Ano ba kayo, natatawa pa rin ako sa mga callsign niyo sa akin hanggang ngayon. Hayne nalang." dugtong ko pa. Ngumiti lang sila sa akin na parang walang narinig.
"Ay..Oo nga pala! I almost forgot it." bulalas ni Mac na napatayo pa.
Nagtataka akong tumingin sa kanya lalo na nang itinayo nya ako mula sa kinauupuan ko. Pinagdaop nya ang mga kamay namin at sobrang lawak ng ngiti sa kanyang labi. Napansin kong nakangisi rin ang magaling kong Kuya at maging ang dalawang babaeng kasama namin. Bago pa ako magtanong kung ano ang nakalimutan nya ay agad na syang nagsalita. Hindi ako ready sa gagawin nya kaya naman napaawang pa ang labi ko sa gulat.
"Guy's.. Meet my girlfriend Naira Hayne Borris. Nadaan sa dasal yung matagal ko ng pangarap. Hindi ko makakalimutan yung unang pag-uusap namin maging yung unang date namin sa resort na ito. Sana walang sinuman sa inyo ang magtangkang agawin pa sya mula sa akin." taas nito sa magkadaop naming mga kamay. Napayuko ako, hindi ko alam kung anong sasabihin ko.
Nakaramdam ako ng hiya. Wala naman talaga kaming relasyon, yun nga lang kaylangan kong magpanggap na parang mayroon dahil na rin sa nais ko syang maging masaya hanggang sa kanyang huling hininga. Nakaramdam ako ng sumisipa sa aking paa at nakita kong si Kuya ito na masamang nakatingin sa akin. Alam ko na ang ibig nyang sabihin.
BINABASA MO ANG
Taste of Love 2
RomancePagkatapos ng mapaminsalang unos, ang araw ay muling magpapakita at sisikat. Maghihilom ang ginawa nitong sugat at matatanggap na ang lahat. Naging maayos muli ang buhay ni Naira Hayne Borris sa pagbabalik nito sa bansang Scotland. Sa tulong ng kany...