KN POV
Malamig na hangin, nakakatakot at nakakakilabot na atmosphere. Napakatahimik ng lugar, hindi ko alam kung anong ginagawa ko dito. Nakatayo lang ako sa isang malawak na parang, walang bakas ng daan, walang daan na pwede kong sundan. Napatingala ako sa langit ng aking makitang malakas na kumulog, hindi madilim at hindi rin maliwanag, tila ba ang lugar na ito ay hindi na nasisikatan ng haring araw.
Naglakad ako ngunit ang hinahakbangan ko ay hindi nagbabago. Hindi ko rin maramdaman ang pag-apak ng aking mga paa sa lupa, nasaan ako? Anong klaseng lugar ito?
Sinubukan kong itaas ang aking mga kamay at nagawa ko, hindi ako baldado, hindi ako inutil, ang hindi ko lang maintindihan ay kung nasaan ako, nasaan akong bahagi ng mundo.
Sa di kalayuan ay may nakita akong dalawang bulto ng katawan ng tao, hindi ako maaaring magkamali. Nakaupo lang sila sa may tabi ng malaking puno. Isang tanong ang nabuo sa aking isipan, sino sila, sino silang dalawa.
Lumapit ako sa kanilang dalawa, kita ko sa di kalayuan ang mahabang buhok ng babae, inililipat ito ng malamig na hangin sa paligid, samantalang ang lalaki ay nakadikit lang at tila ba ninanamnam ang lamig sa buong paligid. Napaatras pa ako ng ilang hakbang nang aking tuluyang masilayan ang mukha nilang dalawa.
"M-Mac.." bigkas ko sa pangalan niya. Lumingon siya sa akin at nakita ko ang malungkot niyang mga mata.
"KN, ganun mo na ba ako ka-miss AT maging ikaw ay napadalaw?" tanong nitong ngumiti sa akin.
"M-Mac anong ibig mong sabihin? Nasaan ako?"
"Hi KN, kumusta ka? Noong nakaraan lang si Hayne ang nandirito," wika nitong ngumiti sa akin. Si Hayne? Sinong Hayne? Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa.
"S-Sinong Hayne?" tanong ko sa kanila.
"Si Hayne ay..nevermind," tugon ni Mac na tumayo na. Sino Si Hayne?
"Nasaan ako?" tanong kong muli sa kanila.
"Nandito ka sa between life and death, kapag tumawid ka sa kulay itim na linyang 'yon, you are totally dead, hindi ka na maaari pang bumalik sa iyong katawan," paliwanag ni Faith. Sino si Hayne? Bakit hindi ko siya kilala?
"Halika ka KN, alam mo bang miss na miss ko na kayo? Lalo na si Hayne, mabuti nalang at pumunta siya dito noong nakaraan," aklat sa akin ni Mac.
"M-Mac patay na ba ako?" naluluha kong tanong.
"Malapit na kung hindi ka pa babalik sa katawan mo," tugon ni Faith.
"Paano ako babalik, hindi ko alam ang daan?"
"Ituturo namin ang daan sa'yo pabalik KN, huwag mong gustuhin na dumito dahil nandito ako, ang isipin mo 'yong pangakong binitawan mo sa akin, na alagaan mo ang barkada," malungkot nitong ngiti sa akin.
"Si Arth, Roley, Roina ay Christa ba?" tanong ko sa kanya.
"At si Hayne, KN." singit ni Faith.
"Hindi ko siya maalala," pag-amin ko.
"Bakit hindi mo siya maalala?" duet nilang tanong sa akin.
"Hindi ko alam," tugon ko. Nagkatinginan silang dalawa.
"K-KN.." anang isang tinig na hindi namin nakikita.
"Iyan si Hayne," pagbibigay alam ni Faith. Napailing ako, maging ang boses niya ay hindi ko kilala.
"KN, s-sorry.. a-ako dapat ang nandiyan, a-ako dapat.. ako dapat ang nakaratay d-diyan at hindi ikaw," dagdag pa ng tinig.
"Bakit siya umiiyak?" inosente kong tanong.

BINABASA MO ANG
Taste of Love 2
RomancePagkatapos ng mapaminsalang unos, ang araw ay muling magpapakita at sisikat. Maghihilom ang ginawa nitong sugat at matatanggap na ang lahat. Naging maayos muli ang buhay ni Naira Hayne Borris sa pagbabalik nito sa bansang Scotland. Sa tulong ng kany...