KN POV
Seeing her crying dahil nasasaktan sya ng sobra ay mas doble yung sakit na aking nararamdaman. Hindi ako magpapaka plastic, nasasaktan ako sa mga nangyayari kay Mac at the same time nasasaktan ako dahil mahal na mahal sya ni Naira. He is leaving at alam kong mas mahihirapan si Naira kapag wala na sya, mahihirapan kami pero alam ko na mas doble yung paghihirap niya. Mas na attached sya dito. Oo kaibigan ko sya pero sa tingin ko mas madami silang pinagsamahang dalawa.
"K-KN.. Tell me binibiro lang tayo ni Mac. He's lying KN, diba?" nagsusumamong tanong sa akin ni Roley.
Hindi niya pa rin mapaniwalaan ang lahat. Anong gusto niyang gawin ko magsinungaling ako sa kanya? Mula na kay Mac ang totoo pero bakit ayaw niyang paniwalaan? Umiwas ako ng tingin sa kanya.
"He is telling the truth Roley." tugon ko na pinahid ang ilang luha.
Oo, sinabi niya sa akin yun pero mas masakit pa rin yung malaman na sa kanya nanggaling, yun talaga ang buong katotohanan. Hinabol namin kanina si Roley ni Arth dahil tumakbo sya, ayoko mang isipin pero baka kung anong gawin niya. Roley is the person na tatawanan ang lahat, dinadaan sa pagkain pero pag nagmahal sya sobrang-sobra. Kaya naman nag-aalala ako sa kanya.
"B-Bakit KN? Bakit Arth? Bakit ang bilis nyong tanggapin na he is dying ha? Bakit?!" sigaw pa niya sa amin.
"A-Akala mo madali? Akala mo mabilis lang na mag moved-on? Roley kaibigan ko rin sya kaya wag mo akong tanungin kung bakit ang bilis kong mag moved on. Hindi mo lang alam na deep inside ng buong pagkatao ko durog na durog na ako. Durog na durog ako sa mas inaakala ninyo. Sa halip na tanungin mo ng paulit-ulit yan bakit hindi mo isaksak sa utak mo na mamamatay na si Mac? Don't question our feelings dahil pare-pareho lang tayong nasasaktan at nahihirapan!" sigaw ni Arth sa kanya. Hindi sumagot si Roley pero patuloy pa rin syang umiyak. Naiintindihan ko naman sya. Ganyan rin ako kanina. Naiintindihan ko naman silang dalawa eh.
"K-Kung may mas nasasaktan man sa atin ngayon si Naira yun, matagal niya ng nalaman na maysakit si Mac. Can you imagine na dala-dala niya yun sa loob niya. Na gabi-gabi umiiyak sya at ipinagdarasal na sana huwag ng sumapit pa ang araw na kinatatakutan niya. She is hurt pero pinapakita niya sa atin na matatag sya kahit na pira-piraso na sya at hindi niya na alam kung paano pa bubuohin ang sarili niya. Sa halip na tanungin natin ang isa't-isa bakit hindi nalang natin damayan si Mac sa sakit na nararamdaman niya? Bakit hindi nalang tayo gumawa ng mga panibagong memories na makakapag paalala sa atin na minsan Mac stay with us." suhestyon ko na para bang normal lang sa akin. Pero alam ko sa sarili ko na niloloko ko lang ito. Alam ko sa sarili ko na kahibangan lang ang sinabi ko.
Walang umiimik sa kanila. Alam kong medyo naiintindihan na nila pero sobrang sakit. Sobrang sakit sa buong pakiramdam ko. Mas masakit pa ito noong iwan ako ni Rowayne ng walang paalam. Atleast si Mac may ilang buwan pa at sisiguraduhin ko na ang ilang buwan na yun ay magiging worth it at mapupuno kaming lahat ng alaalang masasaya. Magiging worth it ang mga buwang nalalabi sa kanya.
Nakarating kami sa isang bar sa beach at pumasok kami doon. Naupo kami sa bar stool at doon pumwesto. Minsan nalang ako umiinom pero kailangan kong gawin to para kahit papaano mabawasan yung sakit. Maibsan yung sakit na aking nararamdaman. Umorder kami ng whisky at agad kong nilagok ng sunud-sunod.
"H-Hindi ko sasayangin ang mga araw na yun." sambit ni Roley na may malungkot na mga mata. Siguro naubos na ang luha niya.
"Susulitin ko ang mga araw na yun." sambit naman ni Arth na may mapaklang mga ngiti.
Ako? Anong gagawin ko sa mga araw na yun? Being with Mac alam kong mararamdaman niya ang presensya ko. Alam kong magiging malaking bagay yun. Atleast wala akong pagsisisihan pag dumating na ang oras na yun.

BINABASA MO ANG
Taste of Love 2
RomansaPagkatapos ng mapaminsalang unos, ang araw ay muling magpapakita at sisikat. Maghihilom ang ginawa nitong sugat at matatanggap na ang lahat. Naging maayos muli ang buhay ni Naira Hayne Borris sa pagbabalik nito sa bansang Scotland. Sa tulong ng kany...