Chapter 21: Song Continuation

375 13 0
                                    

"Bakit ang tagal nyo?" si Faith na abalang naglalagay ng kahoy sa gitna.

"Bakit kayo magkasama?" si Roley na masama ang tingin sa aming dalawa. May bitbit rin syang mga patpat na dinadala sa gitna.

"Bakit namamaga ang mga mata nyo? Umiyak ba kayo?" si Kuya na talagang brinoadcast pa.

Naagaw ang atensyon ng lahat, maging ang atensyon nila KN at Mac na nakaupong magkaharap na para bang may importanteng pinag-uusapan. Si Kuya talaga kahit kailan wrong timing.

"Oo nga Hayne, Arth. Bakit namamaga ang mga mata nyo? May nangyari ba?" Ayan. Senegundahan pa ng girlfriend niya. I was about to open my mouth para mag explain sa kanila ng marinig ko ang sinabi ni Arth.

"Oo umiyak kami. Nagkatagpo kaming dalawa sa may batis, alam ng lahat na kalaro ko si Hayne noong elementary kami. Nagkwentuhan kaming dalawa about things na nangyari sa loob ng mahabang taong hindi kami nagkita. Nagkwentuhan kami about things na malulungkot kaya napaiyak kaming dalawa. Okey na?" litanya niya. Arth was right nagkwentuhan nga kami at hindi niya pinunto kung ano ang napag-usapan namin.

"Ang daya nyo! Sana man lang isinama nyo ako." nagtatampong wika ni Roley sabay hagis ng kahoy sa gitna.

"Hey, careful. Baka makatama ka ng kahoy." bulalas ko.

"Kung ako tinamaan sasapakin ko yan!"

"Bakit tinamaan ka ba? Hindi naman diba?" tugon nito.

"Ang bakla mo! Halika nga dito." kaladkad nito palapit sa kinaroroonan ng dalawa na pareho ng natawa habang sinasapak-sapak niya ito ng pabiro.

"Ouch! Arth stop it. My brain cells are gonna die." rinig pa naming reklamo niya.

"Meron ka ba nun? Wala ka nun uyy!" tugon naman ni Arth dito.

"Grabe kayo sa akin ha! Ganyan kayo eh." drama nito.

My heart skipped a beat ng maupo sila sa tabi ni Mac at mabilis na niyakap ito. Oh no! Arth wag mong sasabihin na alam muna! Ilang saglit pa ay nakagroup hug na silang apat. Ang sayang pagmasdan, sana lagi nalang silang ganyan.

"Aw! Mga dre' ang higpit naman." pagrereklamo ni Mac.

"Wag ka ng umangal na miss ka namin!" tugon ni Arth.

"Oo nga naman, ang dami mong utang sa amin Mackenzie Beltran!" ngisi ni Roley.

"At ano naman ang utang niya sayo Roleymer Samson?" ngisi ni KN.

"Wala kang pakialam Keith Noel Valderama." tugon naman nito.

"Oh'. Bakit ka naluluha Arthur Faustino? Nababakla ka ba?" tanong ni Mac.

"Nakakainis kayong tatlo. Ikaw Keith Noel Valderama ang seryoso mo, ikaw Roleymer Samson patay gutom ka pa rin, at ikaw Mackenzie Beltran ang daya mo." biglang nag hang ang utak ko, paano kung sabihin ni Arth?

"What?" narinig kong duet ng drina-dramahan ni Arth. Ilang sandali pa ay nagpapagulong-gulong na silang apat sa damuhan at naghaharutan. Parang mga bata lang na naninirahan ang mga kaluluwa sa matandang katawan. Muli ang saya nilang pagmasdan, sana ganyan nalang sila palagi.

"Okay ka lang ba bunsoy?"

"Kuya.." wika kong napayakap sa kanya.

"Magiging maayos ang lahat, believe me." Sana nga.

Inilibot ko ang aking paningin  at parang ang lahat ay masaya at nakatawa. Si Veron at Christa ay magkatabing nakaupo habang nasa kanila ang mata. Si ate Sandra naman ay masaya silang kinukunan ng litrato or maybe mga video. Si Faith naman bagama't nakangiti ay may ilang butil ng luhang pumapatak mula sa kanyang mga mata. Batid niya ang maaaring mangyari anytime. At kaming dalawa ni Kuya bagama't nakangiti pero deep inside alam naming duguan ang aming mga puso sa nakikita. Maybe now is happy and tomorrow or the day after tomorrow, next week, next month and thank you if next year were in agony at madilim na paligid.

Taste of Love 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon