Mahihinang tapik ang gumising sa akin kina-umagahan, masyado atang napasarap ang pag-stay ko sa dreamland. Sino ba namang hindi gaganahan na mag-stay doon kung sa panaginip ko ay nandoon kaming lahat, even si Mac at Faith. Nagparamdam na naman sila, it was our memory noong nasa beach kami.
"Ayos ka lang ba?" nag-aalalang boses yun ni KN.
"Hmm..oo, pasensya na naging pabigat yata ako sa'yo." saad kong umahon na sa kama, saka ko palang napansin na sama-sama kaming magkakabarkada sa iisang room.
"Walang kaso yun, hindi ka naman mabigat." sabay ngisi niya, is he teasing me?
"Anong nangyari sa kanila?" pag-iiba ko ng topic habang itinuturo ang mga kaibigan naming pupungas-pungas na ginigising niya. Yung totoo? nasa kasal ba kami ng isa sa amin or nasa reunion kami at nagka-ayaang mag sleep-over sa iisang room?
"Ahh, nagka-ayaan mag-inuman kagabi, nakaligtas ka dahil nakatulog ka ng maaga, ayan may mga hang-over sila." tugon nitong kumamot pa sa ulo.
"Even Christa?" gulat kong tanong nang makita si Christa na nakabulagta sa sofa.
"Y-yes," sambit nitong umiling pa.
"Hindi niya ba alam na kasal niya ngayon? Ito talagang babaeng to!"
"Ssh, lower your voice it's only 3am in the morning at 9am pa ang kasal nila." agad kong sinipat ang relo sa aking bisig at tama nga siya, e bakit ganito niya ako kaaga ginising? Ang mga kaibigan namin niyang ginising kanina ay nagsibalikang muli sa pagtulog.
"S-sorry ginising kita ng maaga, gusto ko lang naman pagmasdan ang pagsikat ng araw, na kayo ang aking kasama, mukhang malabo na tulog na ulit sila." OMG! si KN talaga, pero bakit ang aga? 3am palang eh.
"Ganun ba? E bakit sobrang aga naman yata, usually sisikat ang araw mga 5am to 6am." nagtataka ko pa ring tanong.
"Gusto ko kayong maka-kwentuhan muna habang hinihintay ang pagsikat ng araw, gusto kong magkakasama tayo bago may isang magpakasal." nakaka-touch nang sinabi niya. Akalain niyo yun, marunong nang magpahalaga si KN sa mga kaibigan niya.
"Edi tayong dalawa nalang ang tumupad sa gusto mo, mukhang hindi mo sila mapipilit. Ano ba ang pumasok sa utak niyo at nagpakalasing kayo ha?"
"Hihihi, siya ang sisihin mo." wika niyang itinuro si Roley na himbing na himbing habang nakanganga. Lagyan ko kaya ng asin ang bibig niya? Chocolate? Di bale nalang, baka masayahan pa ang loko.
"At sumang-ayon naman kayo sa kanya? Alam niyo namang magaling lang yan, pagdating sa mga pagkain. Hahaha, teka lang ha aayusin ko lang ang sarili ko, malamig ba sa labas?"
"Medyo.."
Tumayo ako at tinungo ang maleta ko, kumuha ako ng damit at mabilis na tinungo ang banyo. Mabilis akong nag-shower hindi dahil malamig, kundi dahil baka maghintay ng matagal si KN. Paglabas ko ay wala na si KN sa kwarto, baka nagpalit na rin ng damit. Mabilis kong sinuklay ang buhok at inayos ng bahagya ang damit, hindi na ako naglagay ng kahit anong kolorete dahil mamaya paniguradong magsasawa ang mukha ko doon.
Lumabas na ako ng kwarto at naabutan ko si KN dito na inaayos ang suot na damit. Ang fresh at ang gwapo niyang tingnan, katulad ko ay naligo rin siya. Teka..bakit bihis na bihis ang loko?
"Your here, ang ganda mo pa rin walang kupas. Napakasimple mong babae." papuri nito sa akin.
"Ahh, haha. Huwag mo akong bolahin at baka gantihan kita diyan," natatawa kong tugon.
"I'm not lying, totoo namang maganda ka with or without make-up."
"Oo na, tara na.." ngisi ko dito, kinikilig na nga ako eh. Ngumiti lang siya at humakbang pababa ng hagdan. Sumunod lang ako sa kanya, nadaanan namin ang mga taong hindi magkamayaw sa paghahanda sa nalalapit na kasal ng aking isang bestfriend.
BINABASA MO ANG
Taste of Love 2
RomancePagkatapos ng mapaminsalang unos, ang araw ay muling magpapakita at sisikat. Maghihilom ang ginawa nitong sugat at matatanggap na ang lahat. Naging maayos muli ang buhay ni Naira Hayne Borris sa pagbabalik nito sa bansang Scotland. Sa tulong ng kany...