KN POV
Ikinurap-kurap ko ang aking mata na tila hindi makapaniwala sa mga nakikita. Imposibleng mangyari ito. Imposibleng kasama ni Mac ang babaeng hanggang ngayon ay mahal ko pa, sya ba? Sya ba yung tinutukoy ni Mac na girlfriend nya? Paano ako haharap sa kanila?
"KN.. nandyan na yung mga kaibigan mo." pukaw sa akin ni Mom na nasa labas ng pintuan. Nagdesisyon akong dito nalang sa bahay magkita-kita since malapit lang naman ito.
"Sige po Mom, may inaayos lang ako sa mga gamit ko." tugon ko na hindi inaalis ang mata sa screen ng aking computer.
Kanina pag gising ko agad kong naisipan na bisitahin ang profile nya. Nagulat pa akong naka public na ito at nakita ko na ang ilang details sa kanya. Nabasa kong naka "in a relationship" sya pero hindi yun ang ikinalungkot ko. Sa haba ba naman ng panahon imposible na hindi sya magkaroon ng ka relasyon lalo pa at ang maganda nya.
Ang labis kong ikinagulat ay ang nakitang ilang kuha ng litrato nila which is kilala ko ang dalawang lalaki sa kanila. Si Harold na kapatid nya at si Mac na kaibigan ko at inaasahan naming makikita ngayon ng barkada. Sa mga ngiti nila masasabi kong masaya sila, bihira kong makitang malungkot ang mata noon ni Naira at maging ang mga mata ni Mac ay naghuhumiyaw na ang babaeng nasa tabi nya ay mahal na mahal nya. Sa pagkakaalam ko nasa eroplano sila dito, ang ibig bang sabihin makikita ko siya mamaya? Nakaramdam ako ng biglaang excitement pero agad ring nawala ng mapatitig ako sa mukha ni Mac na nakahilig pa sa balikat ng babaeng noon ay minahal ako.
"Marami ng nagbago, baka nga ngayon nakalimutan nya na ako." bulong ko at saka ni log-out ang account ko.
"Anong maraming nagbago Broww?" tanong ni Roley na nakapasok na ng room ko. Grr! Ang sabi ko sa sala nila ako hintayin.
"Bakit nandito ka?" sa halip ay tanong ko.
"Aba syempre pupuntahan kaya natin si Mac. Masama na bang pumasok ng room mo?" tanong nito na sumimangot pa.
"Oo masama lalo na at hindi ka marunong kumatok!" angil ko pa.
"E paano ako kakatok e nakabukas kaya yung kwarto mo, alangan katukin ko pa yan. Wag mo nga akong pagmukha'ing engot." sa sinabi nya ay agad nabaling ang tingin ko sa pinto at tama nga sya nakabukas ito.
"Sinong nagbukas?" tanong ko pa.
"Ako! Hindi pa ba tayo aalis?" tanong ni Arth na biglang sumulpot sa likuran ko.
"Oh. Sht! Kanina ka pa ba dyan?" naibulalas ko. Wag naman sanang nakita nya ang nilalaman ng computer ko at ang ginawa kong pag emote-emote. Bwibwsitin ako nito panigurado. Agad sumilay ang mapang-asar na ngiti sa kanyang labi. Bingo! Oo na, nakita nya na. Arggh! Bakit ba hindi ko sya napuna kanina? Siguro dahil busy ako sa harao ng monitor ko.
"Kanina pa ako dito at nakita ko ang lahat. Nakita pa nga kitang maluha-luha sa panghihinayang." ngisi nya. What? Luha? Hindi ako umiyak. Oo nanghihinayang lang ako pero iiyak? Pag gabi ko lang yun ginagawa. Bwisit!
"Ah.. Mga sister's anong pinag-uusapan nyo? Anong luha? Panghihinayang? Para saan?" tanong ni Roley na pinaliit pa ang boses.
"Wala!" duet namin ni Arth.
"Ganyan naman kayo eh, kahit meron sasabihin nyong wala. I had this feeling tuloy na parang hindi ako parte ng barkada natin. Nakaka hurt na kaya kayo." patuloy pa nito sa boses bakla. Kadiri tong isang toh!
"Wala nga. Mauna ka ng bumaba at tawagan muna yung mga invited mo at aalis na tayo." saad ko nalang. Nagpalipat-lipat ang tingin nya sa aming dalawa ni Arth na parang nagdududa.
"Hmp! Dyan na nga kayo.." pagkasambit nya nun ay nagmartsa na sya pababa ng hagdan. Dinig na dinig pa ang mga yabag nya sa hagdan. Nais pa yatang gibain ang hagdan namin ng mokong.
BINABASA MO ANG
Taste of Love 2
RomancePagkatapos ng mapaminsalang unos, ang araw ay muling magpapakita at sisikat. Maghihilom ang ginawa nitong sugat at matatanggap na ang lahat. Naging maayos muli ang buhay ni Naira Hayne Borris sa pagbabalik nito sa bansang Scotland. Sa tulong ng kany...