Natapos ang masarap na tanghalian na yun na inabot nang hanggang alas kwatro ng hapon dahil sa marami pa silang pinag-usapan. I mean ng sila lang ay sila lang magkakabarkada. Paminsan-minsan ay sumisingit si Kuya na alam kong nakikisama lang.
"Sama-sama nalang kaming mga lalaki sa iisang room then kayong mga babae sa isa nalang ring room." maya-maya ay mungkahi ni Mac sa amin. Nakasalampak kami sa buhanginan at pinapanuod ang malakas na paghampas ng alon sa dalamapasigan.
"N-No! I mean sasama ako sa room nila Bunsoy para naman masulit nyong magkakabarkada yung mga panahong hindi kayo nagkikita." tanggi ni Kuya.
"Sigurado ka Bayaw?" tanong pa nito. Talagang pinangatawanan na ang salitang bayaw.
"Oo naman." pag a assure ni Kuya dito.
"Macky.. Hindi kami kasya sa iisang room. Ibukod mo nalang kaya sila, baka masikipan sila sa room at isa pa baka maingayan sila." suhestyon ko. Ayaw ko lang talaga silang makasama sa iisang room.
"Hindi. Okey lang kami doon ni Cuz, sanay naman kaming kasama ka sa iisang room." ani Roina. Tssk! Talagang pinapaalala pa nya.
Eh hindi na ako sanay na kasama kayo kaya sa ibang room nalang kayo. Don't assume na magiging maayos tayong muli dahil mula ng ahasin mo ang para sa akin kinalimutan ko ng naging kaibigan kita. Ang kapal mo ha!!
Gusto ko sanang yan ang sabihin sa kanya kaya lang lalabas na wala akong pinag-aralan diba?
"Dalawa lang kasi yung bed doon. Si Faith at ako sa isang bed, then si Kuya at Ate doon sa isa pang bed. Saan kayo matutulog? Hindi naman kayo kasya sa sofa." saad ko. Naramdaman ko ang pagsiko sa akin ni Kuya noong sinabi kong tabi sila, hahaha. Alam kong kami ang tabi ni Kuya, gusto ko lang syang inisin sa part na yun.
"Ah ganun ba? Sayang naman, gusto ko pa namang makipag get along sa inyo." tila lumungkot ang boses nya.
"Cuzzy, wag tayong makisiksik sa room nila. Tingnan mo oh, ang lawak ng resort may mga available pa dyang villa." sambit nito. Buti nahalata mo, ayaw ko talaga kayong makasama sa iisang room.
"Sabagay. Sige.. Sa ibang villa nalang kami mag o-occupy." wika nito.
"Hindi na kaylangan Roina, na i book ko na yung room sa tabi ng room namin. Doon nalang kayo, bale napapagitnaan ng room natin ang room nila." saad ni Mac. Bakit di nya sinabi sa akin? Alam naman nyang ayaw ko silang makita sa hallway eh. Tiningnan ko sya ng masama, sumenyas naman sya sa akin na wag na yung damdamin. Hmp.
"Oh' my room na pala kayo katabi namin eh. Doon nalang kayo." plastik na wika ko. Letse! Pinaplastik ko ang sarili ko kanina pa.
"Hayne.. Magpalit ka na mag swimming na tayo." aya sa akin ng nila ate at Faith na di ko namalayang lumayas na pala sa tabi ko.
"Sige.. Magpapalit lang ako ng panglangoy." sigaw ko dahil tumakbo na sila patungong dagat.
"Macky.. Maglangoy na tayo, Kuya." aya ko sa mga ito.
"Bukas nalang ng umaga ako maglalangoy Haynebee, dito lang ako panunuorin ko kayo." tugon nito. Okey, namiss naman nya ang barkada nya.
"Kuya?" baling ko sa kapatid ko.
"Bayaw, sasamahan ko muna sina Bunsoy. Hindi kasi to marunong lumangoy." ngising paalam ni Kuya. Marunong kaya akong lumangoy, grabe si Kuya ha.
"Roina, Christa sama kayo kay Hayne-mylavs mag swimming." wika naman ni Roley. Bakit? Bakit pa sasama sa amin? Nu ba yan! Si Roley talaga. Nakita kong binigwasan sya ni Arth. Nakatingin silang dalawa sa akin kaya naman no choice ako kundi ang muling plastikin abg sarili ko.
BINABASA MO ANG
Taste of Love 2
RomancePagkatapos ng mapaminsalang unos, ang araw ay muling magpapakita at sisikat. Maghihilom ang ginawa nitong sugat at matatanggap na ang lahat. Naging maayos muli ang buhay ni Naira Hayne Borris sa pagbabalik nito sa bansang Scotland. Sa tulong ng kany...