Chapter 24: Renewed friendship

396 14 0
                                    

Naira POV

Pag-alis ko sa tabi ni KN ay agad kong hinanap sila Roina at Christa na agad kong natagpuan sa tabi ng dagat. Ito na siguro ang panahon para maging maayos ang lahat sa amin. Oo nasaktan nila ako, ginago nila ako pero mas matimbang pa rin sa akin yung mga pinagsamahan namin noon. Kahit na may hindi kagandahang nangyari sa aming tatlo.

"Oh? H-Hayne, kumusta ka na?" tanong sa akin ni Roina na tumayo pa.

"O-Oo nga, maayos na ba ang pakiramdam mo?" They back, gusto nila akong i comfort.

"I-I'm okay," tila nahihirinan kong tugon.

Pasalampak akong naupo sa tabi nila kahit pa hindi nila ako inimbitahang maupo. I know sobrang sakit na at sobrang nahihirapan na ako sa mga nangyayari kay Mac.

"Everything are gonna be alright Hayne." usal ni Roina.

"Oo nga Hayne, magiging maayos rin ang lahat at isa pa Mac is okay now. Don't worry too much." tapik naman sa balikat ko ni Christa. Doon mas lalong pumatak ang mga luha ko.

Ang friendship noon na meron kami na na give-up ko ay sadyang nakakapanghinayang. Nilamon ako ng galit at the same time nilamon ako ng pagiging makasarili. Nasa side ko lang silang dalawa noon at hindi ako iniwan. Marami na kaming pinagdaanan at pinagsamahan pero dahil sa iisang lalaki hinayaan kong masayang yun. Now, mas importante sa akin ang pagiging magkaibigan namin kesa sa sinumang lalaki. Ngayon ko lang nakita ang kahalagahan nun. Walang sabi-sabi ay mahigpit ko silang niyakap na dalawa.

"S-Sorry." sambit ko sa pagitan ng iyak.

"H-Hayne.." duet nilang dalawa.

"S-Sorry kung naging masama ako sa inyo, sorry kung hindi ko naisip ang mararamdaman nyo. Naging manhid at makasarili ako, naging masama ako dahil nabulag ako. S-Sorry B-Bestie, Sorry Dear." usal ko habang patuloy na umiiyak.

"A-Ano ka ba? Ang tagal na nun, let's forget about it. I'm sorry for everything d-dear. I missed you." sambit ni Dear na pinupunasan ang aking mga luha.

"Oo nga, Best. Tama na, malalaki na tayo ngayon at saka sorry sa nagawa ko sayo. Alam mo ba kung gaano kita na miss?" bulong ni Bestie na nakayakap lang sa akin.

The feeling is awkward pero ilang sandali lang naramdaman ko na I'm free. Wala na akong kaaway, wala na akong kagalit. Tinanggap ko na yung mga pagkakamali nila at maging yung mga pagkukulang ko na accept ko na. Patuloy lang akong umiyak kasama sila habang magkakayakap, dahil naisip ko yung ilang taong nasayang dahil sa galit ko. Ade sana noon may karamay ako, may kakampi ako at may nagpapagaan ng loob ko. I know hindi pa ito ang lahat, hindi pa ito ang huling sandali sa amin.

"Stop crying, yung mata nyo namamaga na." padyak ni Christa sa buhangin. She's back. Sa edad niya at sa looks niya hindi mo aakalaing isa syang fashion designer.

"Oo na, ito kasi si Hayne eh. Ayaw paawat." tugon ni Bestie na humihikbi pa. Sa itsura niya you wouldn't believe na isa syang Doctor, wala sa itsura.

"Bakit ako? Ikaw kaya!" tugon ko na bahagyang ngumiti. In my mind para kaming nagbalik sa highschooler girls na walang ibang ginawa kundi ang magdramahan. At syempre ako ang leader. Hindi ako makapaniwalang we are okey now.

"Hayne, magang-maga na ang mata mo. Stop it now. Baka isipin ni Mac pinaiyak namin ang girlfriend niya." halukipkip na saad ni Dear.

"Oo nga, may utang ka sa aming kwento paano mo naging boyfriend si Mac ha?" ngiti ng tanong ni Best. Kung alam lang nila.

"Let's leave our love story untold." ngiti ko. Hindi nila pwedeng malaman yun.

"Ayy. Ang daya mo talaga.." Christa's murmured.

Taste of Love 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon