SPG
Once Again
Zoe's POV
" What? No, you need to find another room for me and I mean it." Halos lumabas na lahat ng ugat ko sa leeg dahil sa galit sa receptionist na kausap namin ngayon. Nandito kami sa Diamond Ruby Hotel, isa sa pinakamalaking hotel dito sa Canada.
Dito na kami dumiretso ni Vash pagkagaling namin sa office ni Tito John, nauna kasi silang umalis kesa sa amin, at hindi na rin kaya ng sasakyan ang byahe dahil sa kapal ng snow sa daan. Kasalanan tong lahat ni Vash, kung hindi siya nagpumilit kanina sa lahat ng gusto niya adi sana payapa kaming nakauwi ngayon. Hindi yung ganito, kanina tumawag si tita Sally sa secretary niya para sa booking ng hotel na tutuluyan namin, pero ang hindi ko maintindihan ano ba ang pumasok sa utak ng tontang secretary na yun at iisang kwarto lang ang kinuha niya para sa aming dalawa ni Vash. Kapag talaga nakita ko ang babae na yun kakalbuhin ko siya dahil sa sobrang katangahan niya.
" Ma'am we are so Sorry for the inconvenience, but there is no available room for you, we are already fully book because of the storm. Even if we wanted to attend to your request we cannot do further actions because of the situation." Malungkot na sagot ng receptionist, pero wala akong pakialam, para saan pa at naging tanyag sila kung hindi nila kayang i-accommodate lahat ng magiging guest nila, kami pa ba ang magaadjust dahil sa incapability nila?
" Zoe, don't over react. Kahit na anong gawin nating sigaw dito wala na tayong magagawa, hindi naman pwede na basta na lang sila magpa- alis ng guest dahil lang sa ginusto mo. Tsaka ano pa bang kinakatakot mo? Eh may anak na nga tayo." Si Vash naman ngayon ang nagsalita, at pinamulahan ako ng mukha dahil sa sinabi niya. Napatingin ako sa receptionist na ngayon ay nakatingin na kay Vash sa mapupungay na mga mata.
Lalo naman nag-init ang dugo ko sa babaeng nasa harap ko, kanina pa to eh, hindi na nahiya sa akin na harapan kung mag flirt kay Vash, at ang lalaki naman hindi man lang naasiwa.
" Okay fine! We will stay in a room together but first can you stop flirting with my boyfriend and just do your work, if you don't want me to stick this pen in your eyes." Sabay padabog kong bagsak sa hawak kong ballpen. Dumiretso na ako sa elevator at hinintay na lumapit sakin si Vash. Hindi naman nagtagal at nasa tabi ko na siya, hinigit niya ko sa bewang at naramdaman ko na lang ang mainit niyang hininga sa aking tenga.
" Jealous Zoe." He wispher in a very sexy voice at dahil sa ginawa niya na yun ay nagtaasan ang mga balahibo ko sa batok at tila may kung anong nagwala sa aking sikmura.
Natawag lang ng pagbukas ng elevator ang kahibangan ko sa mga iniisip ko. Hindi ito ang tamang oras para maging mahina, for pete's sake we are in a public area.
" Then stop being a flirt jerk." Iniwan ko siya at nauna ng pumasok sa elevator, nakita ko na lang ang ngiti sa muka niya habang dahan-dahang pumasok sa loob ng elevator, tinaasan ko na lang siya ng kilay at binawi ang tingin ko sa kanya.
.
.
.
.
.
.
.Kakatapos ko lang maligo at ngayon nakaupo ako sa iisang kama na narito sa loob ng hotel room namin. Kahit naman pala papaano ay may utak ang secretary ni tita at isang presidential suite ang kinuha niya para sa amin, malaki din naman ang kama kaya hindi ako nangangamba na magdidikit ang mga balat namin ni Vash, yun kasi ang pinakaiiwasan ko na mangyari. Tuwing magdidikit kasi ang mga balat namin pakiramdam ko lagi akong nakukuryente dahilan para manlambot ang mga tuhod ko, hindi ko alam kung anong meron kay Vash at nagagawa niyang iparamdam sakin ng sabay-sabay ang magkakaibang emosyon.
Ganito nga lang talaga siguro kapag in love.
BINABASA MO ANG
I Still Love The Liar (On-going/Editing)
RomanceHe's sweet, he's cute, he's handsome, he's intelligent, he's adorable, he's a good player, he's a jerk, he's cold, he's harsh, he's my ex, he's my MISTAKE. Kahit anong pilit kong kalimutan siya, pilit pa rin siyang nagbabalik sa aking alaala. Ako an...