CHAPTER 20:

52 1 0
                                    

Nagising ako sa marahang pagyugyog sa mga balikat ko.

" Zoe gising na." boses ni Bryan ang rumehistro sa pandinig ko, nandun nga pala siya bago pa man ako makatulog.

" Hayyy anong oras  na ba?" nag inat pa ko, pero hindi pa rin ako dumidilat.

" 5 o'clock na diba may pasok ka pa?" tanong niya sakin habang may kung ano siyang kinakalikot sa lamesa, naririnig ko kasi yung kaluskos.

" Ano ba yan, 6 pa naman duty ko, matutulog muna ko ulit." sabay nahiga pa ulit ako, antok pa rin kasi ako, lagi kasi akong puyat. Kadalasan kasi madaling araw na ko nakakauwi kasi nga panggabi yung pasok ko dahil kapag umaga may klase naman ako, kaya ilang oras lang din ang nagiging tulog ko.

Pero hindi pa man din nakakatulog ang diwa ko, bigla na lang akong hinila ni Bryan tsaka inupo sa lamesa.

" Hindi, kumain ka muna, tignan mo nga yang katawan mo para ka ng tingting."

Hindi pa rin ako dumilat, sa halip inamoy amoy ko yung kung ano man na nasa harap ko. Ng masigurado ko kung ano yon, bahagya kong idinilat yung kaliwa kong mata para masilip yun at di nga ako nagkamali. Napadilat na ko ng malaki.

" Wow jollibee, ang tagal ko ng hindi nakakakain nito hah, bakit kasi ang mahal mahal nito." sabay kuha ko sa isang paper na lalagyan.

" Jollibee na lang ba naman hindi mo pa mabili." reklamo naman ni Bryan na nakaupo sa harap ko at lumalantak ng french fries.

" Eh kasi nga mayaman ka, kapag mahirap ka lang dapat kang magtipid ng pera." sunod sunod ang naging subo ko.

" Mayaman ka naman kasi, pero mas pinipili mo pa yung ganitong buhay." sermon na naman niya. Di kaya nagsasawa to miss author?

" Pwede ba wag ka nga maingay jan, di ako makapag concentrate dito, nawawalan tuloy ako ng gana." kunwari binitawan ko pa yung hawak kon kutsara at tinidor.

" Ok fine, you win..... again..." At nakabukod pa talaga yung again hah.

Hindi ko na siya sinagot, sa halip kumain na lang ako ng kumain.

" Binilan na rin pala kita ng ibang supply, wala ka man lang dito kahit na cup noodles." napapalatak pa siya habang sinasabi yun sakin.

" Ano yan relief goods? Sige babayaran na lang kita kapag may pera na ko." nakakahiya naman, parang nililimusan na lang ako ng lagay na to hah.

Binilisan ko na ang pagkain ko, feeling awkward na kasi ako, kahit kelan naman ayoko ng mga ganito umalis na nga ako sa poder nila dahil ayoko na ng kinakaawan ako, pero sinusundan pa rin ako ng letseng awa na yan.

" Tapos na ko, maliligo na ko and because your soft hearted pakiligpit na lang din yan." tumayo na ko at dumiretso sa banyo. Ang harsh ko naman yata kawawa naman si Bryan... Tse ayan na naman yang awa na yan.

" Anak ng.... pinaglihi ka talaga sa good manners Zoe, malunod ka sana jan." narinig ko pang sigaw niya.

" ASA!" sigaw ko din sa kanya, maliligo na ko..

After 10 years of preparing.

" Uyy Bryan, mag 6 na malalate na ko pwede ba hatid mo ko?" nakapout ko pang kalabit sa kanya. Ang mokong nanunuod lang ng movie sa laptop ko.

" Ayaw, hindi pa ko tapos sa pinapanuod ko." sagot niya sakin na hindi inaalis ang tingin sa screen ng laptop.

" Ahh ganon, akin na yan." sinarado ko yung laptop tsaka ko inagaw yung chips na kinakain niya, sinipa ko na din pababa yung mga paa niyang nakataas pa habang nanunuod.

" Aray naman" sabi niyang himas himas yung mga paa niya.

" Alis na, di ka na pwedeng mag stay dito, aalis na ko kasi ma-la-late na ko umuwi ka na makikisiksik ka pa dito, hala tsupi." hinatak ko siya patayo tsaka ko tinulak palabas ng pinto.

I Still Love The Liar (On-going/Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon