CHAPTER 22:

54 1 0
                                    

Paglabas ko ng pinto ng office ni tito John, nagulat ako sa bumungad sakin.

Jamie.... naka indian seat sa gilid ng pader.

Paris.... naka indian seat katabi ni Jamie.

Ingrid.... naka indian seat sa harap ni Jamie.

Stephen.... nakatayong nakasandal sa pader.

Si Vash at si Bryan nasa magkabilang gilid ng pintuan, akala mo sila mga guard ng office ni tito.

Si Marge? Hindi ko alam nilamon na siguro ng lupa.

" Anyareee? Bakit nandito kayong lahat?" tanong ko naman sa kanila, nakakatawa yung itsura nila.

" Okay ka lang ba Zoe?" tanong sakin ni Bryan. Worried pa yung muka niya.

" May masakit ba sayo? Saan dito ba? Oh dito?" tanong din sakin ni Vash hinihimas pa yung magkabila kong pisngi  ang mas nakakatawa yung muka niya mas worried pa sa muka ni Bryan?

" Halika dadalin na kita sa clinic." alok naman sakin ni Bryan.

" Hindi Bryan ako na lang." kontra naman sakanya ni Vash.

" Hindi ako na lang." si Bryan ulit.

" No ako na lang." sagot naman ni Vash.

Ano bang nangyayari sa dalawa na to? Adik ba sila, wala naman akong sakit dadalin nila ko sa clinic. Hindi naman ako mamamatay sa sampal no. Kakaloka tong dalawa na to hah.

" Tekaaa...." napatingin naman kaming lahat sa sumigaw na si Jamie.

" Kayong dalawa ang gulo niyo eh, kahit kami naguguluhan sa inyo. Halika na nga Zoe layuan mo yang dalawa na yan at baka mahawa ka jan." Hinawi naman ni Jamie si Bryan at si Vash tsaka ako hinatak sa kamay.

" Ano ba kasing nangyayari sa kanilang dalawa?" matawa tawa ko namang tanong sakanya.

" Wag mo na lang pansinin yang dalawa na yan, kambal nga eh. matutuyuan ka lang, lets go." Akay na niya sa akin kasabay namin si Ingrid si Paris si Stephen at yung dalawa? Hahaha kasunod naman namin.

" San tayo pupunta?" tanong ko naman sa kanila habang naglalakad kami papunta sa elevator.

" Sa clinic." sagot naman nila sakin.

" Hayy wag na wala namang masakit sakin ang OA niyo lang" sabi ko naman sa kanila, nandito na kami ngayon sa loob ng elevator.

" Hindi pwede pupunta pa rin tayo." giit naman ni Jamie.

Tumahimik naman ako tsaka tinignan si Jamie.

" So ngayon concern ka na? Nagbago ka na agad, sa pagkakaalam ko galit ka sakin diba?" hindi naman na ako galit sa kanila, after what they did for me, gusto ko lang inisin si Jamie.

" Oh sige adi wag na tayo pumunta sa clinic ang dali ko namang kausap eh.." parang papel na tumiklop agad si Jamie, nagtawanan naman kaming lahat sa reaction niyo dahilan para irapan niya kaming lahat.

Nakakapanibago, akala ko hindi na rin ulit kami magiging ganito, hindi ko expected na hindi pa rin pala nila ko nakakalimutan. Dati kasi sa email sakin ni Jamie parang ang saya na nila kasama si Marge yun pala hindi naman, ako pa din pala.

" So saan nga tayo? " tanong ko ulit sa kanila.

" ewan ko sa inyo." Mataray na sagot naman ni Paris sakin, walang pinagbago maldita pa rin siya.

" Ako nagugutom na." sabi naman ni Ingrid, lage naman kasi siyang gutom.

" Okay sige kumain muna tayo," singit naman ni Vash at Bryan. Yung totoo? porket kambal sabay na lage?

I Still Love The Liar (On-going/Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon