CHAPTER 17: The Twins

54 1 0
                                    

ZOE'S POV

" Ano ba naman yan Zoe, ilang baso at plato na ba ang nababasag mo, sa halip na makatulong ka dito, perwisyo ka pa."

Sigaw sakin ng manager ng restaurant na pinagtatrabahuhan ko. Galit na galit siya dahil sa paulit ulit na pagkakamali ko. Walang araw kasi na hindi ako nakakabasag ng plato o kung hindi naman eh baso.

" Ma'am sorry po di ko po sinasadya, ibawas niyo na lang po sa sahod ko yung mga nabasag ko."

Hinging paumanhin ko naman sa kanya, alam ko naman na sobrang nasasagad ko na yung pacenxa niya.

" Anong ibabawas eh halos wala ka na ngang sasahurin, alam mo ba ang presyo ng lahat ng nabasag mo? Baka nga kulang pa ang 2 months na sahod mo."

Napayuko lang ako sa sinabi niya. Wag mo po sana ipahintulot na tanggalin niya ko sa trabaho.

" Ang mabuti pa umalis ka na dito kesa ipakulong pa kita dahil wala ka ng maibabayad sa mga binasag mo."

Nanlaki yung mga mata ko sa sinabi niya. My God hindi ako pwedeng matanggal sa trabaho, pano na lang ako kapag nangyari yun? Ngayon pa na talagang kapos na kapos na ko.

Nanghihina ako, parang sobrang weak ko naman, wala ba talaga kong kayang patunayan sa sarili ko? Napakadaling trabaho hindi ko pa magawa ng maayos?

Unti-unti parang nauupos na kandila akong napaluhod sa harap niya.

" Please po wag niyo kong tanggalin, babayaran ko po ng unti-unti lahat ng nasira ko wag niyo lang po akong alisin, kelangan ko po talaga tong trabaho na to, pakiusap po parang awa niyo na, masama lang po yung pakiramdam ko pero mawawala din naman po ito, pagbubutihin ko na po sa susunod, sige na po ma'am."

Pagmamakaawa ko sa kanya. Nakakahiya man dahil pinagtitinginan na kami dahil sa pagkakaluhod ko sa harap niya, wala na kong pakialam kelangan ko talagang mabuhay, pano na lang ako kung mawawalan ako ng trabaho? Babalik na naman ako kila tita Sally? tapos aasa na naman ako sa kanila? Ganon ba talaga koh?

" Anong nangyayari dito, Beth?"

Sabay kaming napatingin ng manager ko sa mga bagong dating.

" Naku madam pasensya na po kayo sa naabutan niyo, eto po kasing bagong empleyado ang dami ng nababasag na mga kagamitan dito, kaya po pinapaalis ko na sana kaya lang eto ayaw pa rin."

Napatingala ako sa tinawag na madam ni ma'am Beth, eto yung may-ari, sakanila ko magsosorry.

" Ma'am sorry po, alam ko po na marami na kong nagawang mali, wag niyo po akong tanggalin, pinapangako ko po pagbubutihin ko na po, iiwasan ko ng makagawa ng pagkakamali, bigyan niyo pa po ako ng isa pang chance, it's just that I really need this job."

Pagmamakaawa ko sakanila habang nakaluhod pa rin sa harap nila, hindi ako tatayo dito hanggat hindi nila ko napapatawad.

" Naku, tumayo ka nga jan, ang dumi-dumi ng sahig."

" Okay lang po ito ma'am, kahit na parusa na lang sakin to dahil sa dami ng gamit niyo na nabasag ko."

" No its not okay, sige na tumayo ka na jan. Makakabili pa ko ng mga bagong plato at baso pero yung hiya na nararamdaman mo ngayon hindi ko yan kayang bayaran, halika na tumayo ka na."

At inalalayan pa niya kong tumayo, hawak- hawak pa niya ko sa magkabila kong kamay. Napatitig ako sa mga mata niya, ang amo ng muka niya, ang ganda ng nga mata niya, ang lambot ng mga kamay niya, higit sa lahat ang bait bait niya, sa boses pa lang halata na.

" Wait! Your hot!"

Tsaka niya dinama ng kamay niya yung noo ko.

" Ang taas ng lagnat mo." may pag-aalala na mababanaag sa maamong muka niya.

I Still Love The Liar (On-going/Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon