CHAPTER 27: Maldita!!!

62 0 0
                                    

Zoe's POV

We finally arrive at the school's parking lot. Lumabas ako ng kotse para lang makita ang inip na muka ni Vash na nakasandal sa may pinto ng kotse niya. Grabe ang bilis naman niya nakarating. Si superman ba to?

" I've been waiting for years, bakit ba lagi na lang ang tagal mong dumating?" sabi niya.

Yeah he had been waiting for years, ang sweet lang pero lagi pa rin niya kong hinihintay. Hahaha, kilig much naman ako.

" Kanina ka pa ba dito?" tanong ko sa kanya.

" I guess?" pilosopong sagot naman niya sakin.

Kahit kelan talaga yung lalaki na to walang alam na matinong sagot. Bakit ko ba nagustuhan to. Pffftt.

" Pilosopo, humanap ka ng kausap moh." sabi ko naman sa kanya na nakairap pa.

Natawa naman siya, Lagi na lang niya ko iniinis, ano kayang napapala niya sa pagsimangot ko sa kanya? Weird lang. Lumapit naman siya sakin tsaka ako inakbayan.

" pikon ka na naman, halika na nga." at lumakad nga kami papunta sana sa classroom, pero pinigilan kami ni Bryan.

" Akala ko ba secret?" tinanggal pa niya yung kamay ni Vash na nakaakbay sa akin.

" Oo nga pala, lumayo ka muna Vash."  sabi ko naman sakanya.

" Pero babe?" angal naman niya.

" Don't babe me. Mamaya may makarinig pa sayo, usapan na natin to diba? Sumunod ka na lang."  hinatak ko na si Bryan tsaka kami mabilis na lumakad papalayo kay Vash.

" Teka hoi, wag mo siyang hawakan." natawa naman ako sa sinabi niya na yun, lalo ko pa tuloy hinatak si Vash para mapabilis yung lakad namin, habulin niya kami, hahahaha.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

sa classroom........

Ng dumating kami sa classroom nandun na ang MTH. Classmates kami ngayon. Kanya kanya naman sila ng kwentuhan, pumasok na kami ni Bryan sa loob ng magkahawak kamay, si Vash lakad takbo pa rin para makahabol sa amin.

" Hi!" bati ko sa kanila ng makalapit na kami sa kanila.

Gumanti naman ng bati si Stephen, Paris at Jamie, si Ingrid tahimik lang, bakit kaya? Napatingin naman ako sa MTH ng mapansin ko na nakatingin sila sa amin ni Bryan tapos lumipat yung mga mata nila sa magkahawak na kamay namin.

Bigla ko naman hinatak yung kamay ko papalayo sa kamay ni Bryan. Grabe kaya pala pinagtitinginan kami ng iba pa naming classmate, mga bastos pa naman utak ng mga to.

" Ahh kasi.... ano." hindi ko naman alam yung sasabihin ko sa kanila.

" Bryan, lagot ka sakin mamaya." hingal na hingal naman si Vash ng makalapit sa amin.

Si Bryan naman tinawanan lang siya. Yung MTH naman curious yung reaction nila. Hehehe sabagay hindi naman kasi nila alam yung nangyayari. Hayaan na, manghula na lang sila.

" Wala akong alam sa sinasabi mo Vash." sabi ni Bryan tsaka naupo na sa tabi ni Paris.

" Wait nga, anong meron?" maarteng tanong naman ni Jamie sakin.

" Aba, malay ko sa dalawa na yan. Sila tanungin mo." sagot ko naman sakanya.

Naghanap naman ako ng upuan na malapit lang sa kanila. Ang bakante na lang yung sa tabi ni Vash at ni Ingrid. Kapag kay Vash ako tumabi sigurado na sasakit lang ang ulo ko, kaya kay Ingrid na lang ako tumabi.

I Still Love The Liar (On-going/Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon