CHAPTER 37:

3 0 0
                                    

THE PARTY

Zoe's POV

3 weeks, exactly 3 weeks na simula ng makalabas ng hospital yung mommy ni Vash, at ang balita ko pa ayon sa MTH ay fully recovered na ito. And exactly 3 weeks na din simula ng huli naming pag-uusap ni Vash, ilang ulit ko ng tinry na tawagan si Vash pero kung hindi cannot be reach ang cellphone niya ay hindi niya ito sinasagot, naitanong ko na rin sa MTH kung bakit hindi siya nagpaparamdam sakin, pero wala din silang maisagot dahil wala din silang alam, hindi rin sila nagkikita ni Vash dahil sobrang busy daw nito sa mommy niya at sa career nito. Inintindi ko na lang dahil marami din naman siyang problema na iniwan nung umalis kami para magpunta dito sa Canada.


Isa pa napapanood ko sa t.v na may upcoming movie siya, yun siguro yung movie na dapat ay gagawin niya bago kami umalis, kaso nga lang dahil wala ang bida eh hindi naituloy ishoot. Malaking issue pa ngayon kung sino ang magiging leading lady niya, kaya sobrang inaabangan talaga yung movie dahil may pa surprise effect pa ang leading lady. Iniisip ko na lang na para din naman sa kinabukasan ni Daryn lahat ng ginagawa niya, tsaka ano pa bang ikakatakot ko? Nagpropose na siya sakin and in a matter of time ikakasal na kami.


Nasira lang ang pagmumuni-muni ko ng marinig ko ang pagdating ng sasakyan nila Tita Sally at Titi John sa labas. Ibinaba ko ang magazine na hawak ko kanina pa na hanggang ngayon ay hindi ko pa nababasa ng maayos, nandun parin ako sa unang page na binuklat ko. Tumayo na ako para salubungin sila.


" Tito, Tita, nag-dinner na ba kayo? Papahanda ko kayo kung hindi pa." Salubong ko sakanila after ko sila bigyan ng halik sa pisngi nila.


" Not yet, and I'm starving." Sagot naman sakin ni Tito John. Dumiretso na kami sa kusina at sabay-sabay na naupo sa dining table. Tumawag ako ng maid at pinahanda lahat ng pagkain na niluto ko. Nang nakahanda na ay niyaya ko na sila na magsimula na kami sa pagkain para makapag pahinga na rin sila sa kwarto nila.



" Anong meron Zoe? Ang dami nito hah?" Tukoy ni Tita Sally sa mga pagkain na nakalapag sa ibabaw ng lamesa. Mayroong kare-kare na paborito ni Tita Sally, mayroong chicken cordon bleu na pabarito naman ni Tito John, meron ding lasagna na paborito ni Daryn yun nga lang hindi na namin siya kasabay kumain dahil maaga itong nakatulog dala marahil ng pagod sa maghapon niyong pagkukulay sa mga coloring book na binili sakanya ng Daddy niya. Meron ding spicy garlic shrimp, roasted chicken with basil and celery at mango panacota for dessert.


" Hinanda ko talaga yan lahat Tita, isipin niyo na lang na parang despedida ko na rin to para sa pag alis ko bukas." Masaya kong sagot sa kanilang dalawa. Oo bukas pa lang ako makakabalik ng Pilipinas dahil wala akong makuhang urgent flight pabalik agad dahil sa holiday season.


" Oh I see.... Ah wait." Sabi ni Tita sabay abot sa bag nito na nakapatong sa upuan sa tabi niya. May kinuha itong magandang sobre at iniabot sakin. Nagtataka namang inabot ko galing sa kamay niya ng sobre.



" Take a look at this, may delivery boy na nagbigay niyan kanina sa office ng Tito John mo." Sabi nito na may mga kislap sa mata, tila ba excited ito na hindi ko mawari.


" What is this?" Tanong ko sabay buklat sa sobre at labas ng isang magarang papel na may design na gold ang silver sa bawat gilid nito. Isa itong invitation card galing kay Vash. Nagtataka akong tumingin sa dalawa na nasa harapan ko. " Anong meron?" Nagtataka pa rin ako, walang nababanggit si Vash sakin isa pa hindi pa kami nakakapag usap.


Tinignan ko lang si Tito John nagkibit balikat lang siya at binigyan ako ng isang matamis na ngiti. Si Tita Sally naman ang binalingan ko at malapad na ngiti ang nakalagay sa kanyang magandang mukha. Nagpunas ito ng bibig bago nagsalita.



I Still Love The Liar (On-going/Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon