CHAPTER 38:

5 0 0
                                    

A BIG SURPRISE



" Do I look fine?" Tanong ko kay Jamie nakatabi ko dito sa SUV, nandito na kami ngayon sa tapat ng mansyon nila Vash, kanina pa kami dito pero hindi pa kami nakakalabas dahil sa pangungulit ko sakanila kung okay lang ba yung itsura ko, ilang ulit na ring pinatungan ng lipstick ni Jamie yung labi ko.

" You don't look just fine, you look stunning and superb. So chill, try to relax, I am sure, Vash will drool over you." Sagot naman sakin ni Jamie bago siya humakbang palabas ng sasakyan, wala na akong magawa kundi ang sumunod na lang sa kanya. Ng makababa na ako ay napatingin ako sa entrance, sobrang daming reporters, ang dami ko din nakikitang artista na pumapasok sa loob, meron din akong nasipat na ilang politiko at karamihan ay mga businessman.


Huminga ako ng malalim at muling sinuyod ng tingin ang sarili ko. I am wearing an A cut shining silver gown, heart shape ang cut nito sa taas, tinernuhan ko ito ng silver din na pumps, my hair is tied up in a messy look, and some of it was left to give the look some tweaks. Inaplyan din ako ni Jamie ng black make up in a smokey way na perfect match sa fierce look ng gown ko. So all in all perfect talaga ang itsura ko. Well I really hope so.


Iniabot naman sakin ni Jamie ang braso niya na sinasabing kumapit ako sakanya, lalaking lalaki ang itsura niya sa suot niyang tux na dinesign pa ng paborito nitong designer, nakita ko ang mapanuring tingin ng mga tao sakanya, gusto kong matawa, kung hindi ko lang alam na berde ang dugo niya ay baka isipin ko din na ang hot niya. Ismid naman ng ismid si Jamie habang binubulungan ako ng kung ano-anong mura patungkol sa mga babae na nagpapa cute sa kanya, kaya hindi ko na mapigilan ang pagtawa na dahilan kaya niya ako kinurot ng marahan sa braso.

Dinala naman kami ng isang nakaunipormeng lalaki sa lamesa na nakalaan para sa amin, pagdating namin sa naturang lugar ay naupo na kami, iginala ko ang paningin ko. Ang mga reporter ay busyng busy sa pag iinterview sa mga artista na nandoon, halos hindi nga nila ako napansin eh. Pero mas okay na yun atleast walang mga istorbo.



" Nasan na kaya sila Vash? Hindi man lang niya tayo pinuntahan dito." Sabi ni Stephen na patuloy ang pag-gala ng paningin sa paligid.


" Puntahan na kaya muna natin sa loob? Ano sa tingin mo?" Tanong naman ni Vash na nakatuon ang tingin sa mansyon na nasa harap lang namin.



" Wag na muna natin silang abalahin, maya-maya lang lalabas na din naman yun." Sabi naman ni Ingrid na pigil-pigil pa ang kamay ni Bryan.


Nang dumaan ang isang waiter ay kumuha kami ng tig-isang baso ng red wine. Sumimsim ako ng konti sa kopita na hawak ko. Excited ako na kinakabahan, hindi ko alam pero halo-halo ang nararamdaman ko.


" Miss Vera, sa tingin mo para saan ang party na to?" Napalingon kami sa bakla na  nagtanong sa isang actress  model na nakaupo sa bandang likod namin, hinintay ko ang isasagot niya.



" As I've heard to his manager, engagement party yata ito ni Vash, i dunno' lets just wait for the announcement." Sagot ng babae tsaka ngumiti sa reporter na kausap, bumaling naman sakin ang tingin ng reporter, kaya agad kong binalik ang tingin ko sa wine glass na hawak ko. Lalapit na sana sakin yung reporter pero hinarang na ito ni Bryan at sinabi nito na hindi kami sasagot ng kahit na anong tanong galing sa kanila, sinabi rin niya na its his twin party so the spot light must remain on him, kahit hindi pa man lumalabas si Vash.

" See Fifi? This party is for you, congrats in advance." It was Jamie, hawak niya ang isang kamay ko, nanlalamig kasi ako sa kaba. Nginitian ko na lang siya uli at tsaka tumango. Iginala ko na lang ulit ang paningin ko, at huminto ito sa stage na nasa harap, maganda ang pagkaka ayos ng stage, may malaking kulay gold na sofa sa harap, at napapalibutan ito ng mga rosas, in different colors. Napakadami ding tao, nakita ko pa si Tita Sally at si Tito John na nakikipag-usap sa mga kakilalang doctor na invited sa party. Nakita nila ako at nginitian, sinenyasan ko na lang sila na ipagpatuloy lang nila ang ginagawa nila.


I Still Love The Liar (On-going/Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon