CHAPTER 23:

47 1 0
                                    

" Talo ka, ang daya mo naman."

" Sa lips na lang hah ayusin mo.

" Wag mo dun ilalagay sa ilong na lang, di pwedeng mamili madaya ka."

Ang ingay naman sino ba yon? Pupungas-pungas akong bumangon para tignan kung sino yon, at ang namulatan ko sila Jamie, Ingrid at Paris, naglalaro sila ng cards.

" Ano ba yang ginagawa niyo?" kakamot kamot sa ulong tanong ko sa kanila.

" Fifi gising ka na." napabunghalit naman ako ng tawa ng humarap sakin si Jamie, pano ba naman kasi yung magkabila niyang kilay may makapal na pahid ng lipstick, isama pa yung dots ng lipstick sa mga pisngi niya at para siyang si rudolf dahil sa kapal ng nakapahid sa ilong niya.

" Hahahahahaha.... Anong nangyari sa muka moh? Bakit ganyan itsura moh?" sa sobrang tawa ko nawala yung antok ko.

" Pano kasi si Paris ang daya kaya lagi akong natatalo." nakaismid na sagot naman niya sakin. Tumingin ako kay Paris.

" Ang sabihin mo puro ka lang yabang, pati kanina sa arcade, eh wala ka naman palang sinabi sa cards." inismiran din ni Paris ang nakasimangot na si Jamie.

" Zoe sorry hah." Lumapit naman sakin si Ingrid at yumakap pa sa bewang ko.

" Ano ka ba,, okay lang yun wag ka ng magdrama jan." nakangiting sagot ko naman sa kanya.

" Nga pala nasan sila Stephen?" iginala ko pa yung tingin ko sa paligid, wala kasing lalaki dun kundi yung dating lalaki na babae na daw ngayon.

" Sila Stephen ba oh sila Vash?" nanunuksong sagot naman sakin ng malditang si Paris.

" May sinabi ba kong Vash? Stephen sinabi ko diba?"

SUS BAKIT KO NAMAN KAYA HAHANAPIN SI VASH, ANONG MERON? Makapaghinala tong mga to kala mo naman.

( Eh hindi mo nga ba naman hinahanap? Lumilingon ka pa nga sa labas ng bintana eh.)

HOI MISS AUTHOR MANAHIMIK KA NGA, IKAW NAGPAPARAMDAM NA MAGPAKIPOT AKO DIBA? TSAKA PART KA BA NG CAST? MAGSULAT KA NA LANG JAN.

( Woooohhh... Kunwari ka pa, oo mananahimik na.)

" Bumili sila ng pagkain, wala man lang kasing kalaman laman yang ref mo." aba at nanlait pa talaga tong Bakla na to.

" Ang sama talaga ng ugali mo Baks." pagtatanggol naman sakin ni Ingrid. at bumabawi hah.

Maya-maya lang bumukas ang pintuan at iniluwa yung tatlong boys, naunang pumasok si Stephen sinundan ni Bryan at huli si Vash. Agad naman akong nilapitan ni Bryan ng makitang gising na ko.

" Gising ka na pala, ayos na ba ang pakiramdam mo?" tanong naman niya sakin na tinabihan pa ako sa pagkakaupo sa kama.

" Yeah, sa sobrang init lang siguro kanina alam mo naman sa Canada laging malamig, naninibago pa rin siguro yung katawan ko sa climate dito." sabi ko naman sakanya, napapatingin ako kay Vash pero busy siya sa paglalabas ng pagkain.

" Are you sure?" paniniguradong tanong naman niya ulit.

" Yap, hundred percent." at nag okay sign pa ako tsaka ako ngumiti sa kanya.

" Ano yang dala niyo?" baling ko naman sa mga naghahanda ng pagkain yung tatlo kasi busy na ulit sa paglalaro.

" Pagkain." tipid na sagot naman ni Vash sa akin. What's with the cold treatment? Parang kanina lang okay naman kaming dalawa hah.

" San kayo nag take out?" tanong ko ulit, tignan natin kung anong isasagot niya.

" Sa bilihan." pilosopo na niyang sagot sakin, anong nangyari sa kanya?

I Still Love The Liar (On-going/Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon