CHAPTER 39:

1 0 0
                                    

A/N: From now on puro point of view na lang muna ni Zoe ang mababasa niyo. Gusto ko talaga kasi na mafeel niyo siya eh. Hihihi 😊

SICK AND TIRED

Nagising ako sa isang puting kwarto, may aircon ito at may heater din sa bandang ulunan ko. Napapikit ako sa sakit ng katawan na naramdaman ko, napansin ko rin ang dextrose na nakasabit sa gawing kanan ko at nakatugon ito sa kanang kamay ko. Teka nga, nasa ospital ba ako?



" I need the result of her citiscan and x-ray right away." Narinig ko ang tinig ng isang lalaking nagsasalita sa di kalayuan sa akin, nilingon ko ang pinanggalingan ng boses at nakita ko ang isang lalaki na nakacoat na puti at ang isang nurse na nakatayo sa malapit sa pinto, nag-uusap silang dalawa. Nang mapansin ng nurse na gising na ako ay agad nitong pinagbigay alam sa kausap kaya naman bumaling siya sa akin.


" The results, okay? You may go." Bago pa man siya lumapit sa akin ay sinarado niya ang nakabukas na pinto, umikot pa ito sa kabilang side ng bed ko at tinignan ang patak ng likido na nanggagaling sa dextrose. Nilapitan din niya ang aircon at chineck kung tama lang ba ang lamig na ibinubuga nito. Maya-maya pa bumaling na ito ng tuluyan sa akin.


" I' m sorry." Agad niyang bungad sa akin ng akmang magtatanong ako sa kanya. Akma sana akong uupo ng maramdaman ko ang kirot galing sa kaliwang binti ko. Nagulat ako ng pagtingin ko sa paa ko ay naka cast ito, gusto ko sanang mag-hysterical pero naunahan na naman niya ako sa dapat na sasabihin ko.


" Ako ang nakasagasa sayo nung gabi na bigla ka na lang tumakbo sa gitna ng kalsada. I brought you here, and took care of you for almost 3 days now." Paliwanag sa akin ng lalaki. Nanlaki naman ang mata ko ng sabihin niyang 3 days na akong nandito sa ospital, ibig sabihin after 3 days ngayon lang ako nagising.


" Anong nangyari sakin?" Yan ang tanging naitanong ko sakanya. Gulat pa din akong iniisip kung anong nangyari sakin mula ng dalin niya ko sa ospital na to.


" Obviously, you broke your left leg, may konting head injury ka din and konting galos sa katawan. But don't worry I'm a doctor so I assure you that you are fine now, pinagawa ko lahat ng test sayo and hinihintay na lang ang resulta ng citiscan mo." Mahabang paliwanag niya sakin, so swerte pa rin naman pala ko at doctor pa talaga ang nakabangga sa akin.


" Bakit nga ba bigla ka na lang tumakbo sa gitna ng kalsada nung gabi na yon? If you don't mind me asking."


Binalikan ko sa alaala ko lahat ng nangyari ng gabing iyon, at bumalik ang kirot sa dibdib ko. Yung pagpopropose ni Vash kay Marge at ang malamig na tingin sakin ni Vash ng magtama ang mga mata naming dalawa. Parang paulit-ulit na sinasaksak ang puso ko ngayong naalala ko na niloko nga pala niya ko kaya iniwan ko sila. Ngayon doble ang sakit, masakit na ang puso ko, masakit pa ang katawan ko.


Pinahid ko ang mga luha na pumatak galing sa mga mata ko bago ako muling tumingin sa kaharap ko. Hindi ko siya sinagot sa halip ay nagpakilala ako sa kanya.


" By the way I'm Zoe." Sabay lahad sa kamay ko na agad naman niyang tinanggap.


" I'm Nathan." Pakilala din niya sakin. " I guess you don't want to talk about the reason why you run away. I can wait, siguro naman I can demand an explanation, right Zoe?" Tumango lang ako tsaka ko siya nginitian. Ngayon ko lang siya napagmasdan mabuti, matangkad siya, about 6 feet siguro, maganda rin ang build ng katawan niya na agad kong nahalata dahil sa lapad ng mga balikat niya at sa muscle sa mga braso niya, malinis ang pagkagupit sa buhok nito na natural ang pagka kulay brown, maputi at makinis ang kutis niya na tinernuhan ng isang kulay gray at malalim na mga mata. Matangos ang ilong niya na bagay lang sa hugis ng kanyang mukha at matingkad din ang kulay ng kanyang labi na parang dumudugo sa pula.


I Still Love The Liar (On-going/Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon