After a million years of story telling, natapos ko na din ang kwento ko kay Bryan. Hindi ko din mabilang ilang beses ba akong umiyak habang nagkukwento sa kanya, ang babaw kasi ng luha ko eh at isa pa fresh pa din sakin hanggang ngayon yung nangyari samin ni Vash. AY EWAN.
" Ano tutula ka na lang ba jan?" para kasing tanga lang tong si Bryan eh, nakatingin lang sa kawalan.
" Sows, yun lang ang reason mo kaya ginawa mo tong great scape mo? As in hindi mo man lang siya tinanong oh kinausap oh kahit hiningi mo man lang sana yung explanation niya?" napapakamot pa ito sa ulo niya.
" Ayy sows ka din, nakikinig ka ba? Sinabi ko na ngang hindi na kailangan dahil nakita na ng dalawang mata ko yung ebidensya. Moron ka talaga noh?"
" Yan kaya ganyan kagulo ang utak mo ngayon kasi hindi ka man lang nagbigay ng chance para naman makapagpaliwanag yung tao. MAlay mo naman may malaking dahilan siya kaya ka niya pinaglihiman."
" So ano 'to? sa kanya ka ba kakampi ngayon, 'di magsama kayo, lumabas ka na nga ng kwarto ko, OUT!!" sigaw ko naman sa kanya habang nakaturo pa ako sa may pintuan.
" Easy ang init agad ng ulo mo eh."
" I said get out." yan nagagalit na naman ako.
" Okay fine, pero kapag malamig na yang ulo mo babalik ako dito, tsaka isa pa wag mong seryosohin yung sinabi ko kasi opinion ko lang naman yun." he pat my head, and walk towards the door.
" Aahhhh." hindi pa siya tuluyang nakakalabas ng pinto ng lumingon siya sakin at dali-daling lumapit sa akin.
" What happen?" nag-aalang tanong niya sakin.
" Bry, masakit yung tiyan ko." hawak-hawak ko pa yung tiyan ko.
" May C.R ka naman, baka nadudumi ka lang." sagot naman niya sa akin.
" Moron ka talaga eh no? Masakit yung tiyan ko as in yung tiyan ko."
Napatingin naman sakin ng diretso si Bryan.
" Don't tell me manganganak ka na?" namumutla niyang sabi sakin, nakasapo din siya sa tiyan ko.
" Ay hindi next year pa, aaahhhh, pwede ba tawagan mo na si tita or yung daddy mo, mas my utak yun kesa sayo." nakuha ko pang magtaray sa kabila ng nararamdaman kong sakit.
" Okay, okay wag mo munang ilalabas yan dito hah?" parang timang lang talaga.
" Aaahhhh, kapag hindi ka pa kumilos, sinasabi ko sayo ilalabas ko 'to dito." hindi ko malaman kung anong gagawin ko uupo ba, hihiga, maglalakad oh ano. Ganto ba kapag naglalabor? Sobrang sakit naman. ZOE, INHALE, EXHALE.
Pagkatapos namang tumawag ni Bryan, wala pang 30 minutes dumating na si tito John at tita Sally kaya naisugod agad ako sa ospital. Inasikaso naman agad kami dahil nga si tito John ang may-ari ng ospital na yun.
Bryan's POV
Sobra ang kaba ko kanina ng sabihin sakin ni Zoe na sumasakit na ang tiyan niya, ang totoo hindi ko alam kung ano ang gagawin ko.
Nandito kami ngayon sa labas na delivery room at hinihintay na mailabas ni Zoe yung baby niya, si tita Sally ang nagpa-anak sa babae. Naeexcite na kong makita ang itsura ng pamangkin ko, sigurado akong napakacute nun dahil maganda si Zoe.
Maya-maya pa bumukas na ang pinto ng delivery room at iniluwa nun si tita Sally na may dalang sanggol, malamang na ito na ang anak ni Zoe.
" Tita yan na yung baby?" amuse na tanong ko kay tita Sally.
" Oo, babae ang anak niya." tuwang-tuwang sagot naman niya sa tanong ko.
" Talaga po? Tita pwede bang pakarga ako?"
BINABASA MO ANG
I Still Love The Liar (On-going/Editing)
RomansaHe's sweet, he's cute, he's handsome, he's intelligent, he's adorable, he's a good player, he's a jerk, he's cold, he's harsh, he's my ex, he's my MISTAKE. Kahit anong pilit kong kalimutan siya, pilit pa rin siyang nagbabalik sa aking alaala. Ako an...