CHAPTER 41:

4 0 0
                                    

Babawiin kita........


Maaga akong nagising, oh dapat ko bang sabihin na hindi ako maciadong nakatulog sa kakaisip kung ano ng mangyayari sakin. Eto ako ngayon at tulala na namang nakatingin sa puting pader ng hospital. Humikab ako sabay inistretch ang mga kamay ko. Hayy, gusto ko sanang lumabas na ng hospital pero hanggang ngayon hindi pa rin nagrerelease ng discharge slip si Nathan, ang sabi pa naman sakin ng nurse ko sa nakikita niyang progress ng injury ko ay dapat nung isang araw pa daw ako nakalabas.

It has been 3 days simula nung sabihin sakin ni doctor Orteza yung about sa sakit ko, pero since nun hindi na ulit namin napag-usapan ni Nathan yon. Ewan ko ba sa lalaki na yon at bakit ayaw pa niya ko palabasin, eh nakakalakad na nga ako gamit yung saklay na binili niya sakin. Napag-alaman ko din sa nurse ko na si Nathan din pala ang may-ari ng hospital na to. At his very young age na 28 years old ay nakapagpatayo na agad siya ng ganito kagandang facility. Nakakabilib siya, pero ang sungit pa din niya sakin.

Ang isa pang nakakagulat ay personal room pala niya ang kwarto na gamit ko, dito daw natutulog ang lalaki kapag wala ng time itong umuwi pa sa bahay nito sa Alabang. Pinagmasdan ko ang kwarto, maraming picture frames ang nakapatong sa isang tabi, mga pictures ni Nathan at ng isang napakagandang babae, girlfriend niya kaya yun? Pero kasi bakit parang mas may edad pa ang babae na nasa picture kesa sa kanya. Sa isa pang picture ay may kasama si Nathan na lalaki na mas bata sakanya, maybe ng 3 years? Magkamukha sila kaya naman naconclude ko na siguro ay kapatid niyo ito. Gwapo din ang lalaki at singkit din ang mga mata.


Tumayo ako at inabot ang saklay ko tsaka paika-ikang naglakad palapit sa mga pictures, kinuha ko ang frame na nakatago sa likod pa ng isang frame, ito ang babae na kasama ni Nathan sa isang picture, at sa kuha nito sa hawak ko ay bata pa ito, mga kasing edad ko siguro, napakaganda niya at napakaputi.



" Parang kahawig kita, hihihihi, akala ko ako lang ang nag-iisang maganda,  pero may isang kagaya mo rin pala na nag-eexist pa. Hmmmp, hinatian mo naman ako sa kagandahan ko." Para akong baliw na kinakausap ang sarili ko habang nakatingin ako sa picture na hawak ko.



" What are you doing?" Sa gulat ko ay muntik ko ng maihulog ang frame, buti na lang ay mabilis na nakalapit sakin ang lalaki at naalalayan niya ako kaya hindi tuluyang nahulog ang litrato. Wew, muntik na yun hah. Bakit ba kasi hindi ko namalayan na pumasok siya dito? Para siyang mushroom na bigla na lang susulpot, grabe kaloka.



" Bakit ba kasi ginalaw mo itong mga to?" Inis na sabi niya habang ibinabalik ang picture frame sa pinagkuhanan ko. Umagang-umaga pero ang init na agad ng ulo niya.


" Eh bakit ba kasi hindi ka man lang kumatok? Bigla ka na Lang susulpot, malamang magugulat ako. Pasalamat ka at hindi ko nabagsak yan." Inis na sagot ko naman sakanya. Ang dami niyang pwedeng inisin sa labas bakit ako pa? Nananahimik ako dito tapos pupunta siya dito para ano? Para sungitan ako.


He towered over me and look at me with his gloomy eyes. "Next time, wag kang makikialam sa gamit ng iba, nandito ka para magpagaling at hindi para maging pakielamera."



Sa narinig ko ay parang umakyat yata lahat ng dugo sa ulo ko. Tinitignan ko lang yung picture nakikialam na? Eh siya itong nanggugulat? Kung kumatok muna siya bago pumasok adi sana hindi ako nabigla? Tsaka ano bang pinagsesentimyento niya eh hindi naman nabasag yung frame. Muntik lang naman ah.



" The nerve of you!! Hindi ako pakielamera, I am just looking at her kasi nagandahan ako sa kanya, inisip ko lang na kamukha ko yung babae sa picture kaya ko nilapitan. Isa pa kung hindi naman dahil sayo edi sana wala ako dito para tignan yang mga gamit mo." Pakiramdam ko ay pulang-pula na yung mukha ko sa galit. Tumalikod ako tsaka lumakad pabalik sa hospital bed ko.



I Still Love The Liar (On-going/Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon