Should I? Or shouldn't I?
Zoe's POV
Kahapon pa dumating ng Manila si Vash pero until now hindi pa rin niya ko kinokontak, hindi ko na tuloy alam kung ano bang nangyayari sakanila. Gusto ko na tuloy magtampo kay Vash pero parang wala naman ako sa lugar kung ngayon pa ko magiinarte diba? Alam ko naman na may problema siya ngayon, aaiissss ano bang gagawin ko?
Nagluto na lang ako ng tanghalian namin ni Daryn. I will make myself busy, kung hindi ko ito gagawin ay baka mabuwang na ko dito kakaisip sa kanya. Call you later babe.... Letse may pa call you later, call you later pa siyang nalalaman, eh hanggang ngayon naman hindi pa siya nagkokontak sakin, kahit na isang simpleng.. Oi Zoe nandito na ko. Nako lang talaga.
After namin kumain ni Daryn ay nagpasya akong magdilig ng halaman sa garden habang nakikipaglaro si Daryn sa yaya nito. Kaya lang nadiligan ko na lahat ng halaman at nadamuhan ko na din lahat eh wala pa din akong nare receive na tawag galing sakanya. Sa inis ko ay ibinato ko na ang cellphone ko sa bermuda grass ng garden. Nagmartsa ko patungong kitchen at uminom ng isang basong tubig, tumingin ako sa orasan at nakita ko na halos malapit ng mag-gabi, yun nga lang dito kasi sa Canada kahit 7 pm na eh mukang alas kwatro palang ng hapon. So meaning to say gabi na dun pero hindi parin niya ko naaalala? Dammit Vash, what the hell happened?
Dali-dali akong nagbalik sa garden at pinulot ang cellphone ko. Idinial ko na ang number ni Vash, oo na ako na lang ang unang tatawag, nakakahiya naman kasi sakanya diba? Pero nakakailang ring na ay wala pa ding sumasagot, idinial ko ulit ang number niya and this time cannot be reach na. Napamura ako, sila Paris na lang ang tatawagan ko.
Sa wakas pagkatapos ng dalawang ring ay narinig ko na ang boses ng babae sa kabilang linya.
" Hindi ako hanapan ng nawawalang tao." Eto agad ang bumungad sakin after niyang sagutin ang tawag ko.
" Oh really? I thought langit ang tinawagan ko, impyerno pala to." Ganti ko naman sa sinabi niya, it's really Paris kung hindi to maldita baka isipin ko na ninakaw ang phone niya at ang kausap ko eh yung magnanakaw.
( init agad ng ulo mo hah )
" Oo mainit talaga ulo ko kaya wag ka ng makisabay kasi baka samain ka sakin." Wika ko, talagang naiinis na ko ng bongga, sabayan pa ng kamalditan ng bruhang kaibigan ko, aaiiss bakit ba kasi siya pa ang tinawagan ko eh wala nga pala ko makukuhang matinong sagot galing sa babae na to.
( Yung jowa mo nasa hospital pa, papunta pa lang kami dun kasi balita namin nagising na yung mommy niya.)
Tila nabunutan ako ng tinik sa dibdib ng marinig ko ang balita na yun, buti naman at nagising na ang mommy niya, at least kahit papaano may progress naman pala ang kalagayan nito. Masaya na ko sa balita na yun, kahit sa totoo lang hindi ko pa namemeet ang mommy niya na yun.
" Really? Good to hear that, nakahinga ko ng maluwag dun ah. But wait, where is that asshole, he did not contact me till last night up to now." Dirediretso kong litanya sa kanya, alam ko na maiinis na naman si Paris dahil ayaw niya ng ganon. But who the hell care? Me? Nah.
( Are you deaf ? Haven't I told you that we are just on our way to that damn hospital? Can't you wait? Ako nga dapat natutulog sa-)
" Whatever, call me in 10." Agad ko ng tinapos ang pag-uusap namin, sure naman kasi na tatalakan lang niya ko. Nangingiti ako sa naiisip kong reaksyon sa muka niya, pero naiinis pa din ako kay Vash.
BINABASA MO ANG
I Still Love The Liar (On-going/Editing)
RomanceHe's sweet, he's cute, he's handsome, he's intelligent, he's adorable, he's a good player, he's a jerk, he's cold, he's harsh, he's my ex, he's my MISTAKE. Kahit anong pilit kong kalimutan siya, pilit pa rin siyang nagbabalik sa aking alaala. Ako an...