CHAPTER 35:

5 0 0
                                    

WILL NEVER HURT YOU AGAIN

Philippines

Vash's POV

Buong byahe na dilat ang mata ko, ni hindi man lang ako dinalaw ng antok. Wala kasing ibang nasa isip ko kundi ang mag-ina ko, ang hirap kasi nilang iwanan eh. Kanina gustong-gusto ko na lang bumaba ng eroplano at bumalik na lang sa kanila, hindi ko naman na kelangan pang magtrabaho dahil kayang kaya ko naman silang buhayin na dalawa. Ang problema nga lang, hindi naman pwedeng habambuhay lang namin taguan ang mga tao na humihingi ng sagot para sa mga tanong nila. Kasalanan ko to eh, sana kung hindi na lang ako nag artista baka tahimik pa ang buhay namin ngayon, hindi na sana namin kailangan pang pagtaguan ang mga hinayupak na reporter na yun, ang gulo-gulo na tuloy nakakainis....

" We are now arriving at Ninoy Aquino International Airport, to all passengers please fasten your seatbelts, thank you."

Ng marinig ko ang announcement na yun ay kinapa ko na agad sa hand carry ko ang cellphone ko at pinamulsa yun, hinanda ko na para paglabas ko ay matawagan ko na agad si Zoe, grabe miss na miss ko na siya agad.


Maya-maya pa ay naramdaman ko na ang pagbaba ng eroplanong sinasakyan ko. Ng tuluyan na itong huminto sa run way ay nauna na akong tumayo sa iba dahil atat na atat na kong tawagan si Zoe. Ng lumatag na ang hagdan ay nakipagsiksikan na ko, ako ang dapat mauna sa kanila, bakit ba kasi hindi na lang nila ko pagbigyan? Hindi ba nila ako kakilala? Ako lang naman si Vash, ang sikat na si Vash.


" Vash bakit ang tagal mong nawala?"

" Vash totoo ba na nakipagtanan ka sa ex- girlfriend mo?"

" Vash ano ang masasabi mo sa balak na pagdedemanda sayo ng manager mo?"

" Vash babalik ka na ba sa industriya? At itutuloy mo na ang movie na dapat na gagawin mo bago ka umalis?"

" Vash nasan na ang pinapalit mong babae kay Marge?"

Sumakit agad ang mata ko ng makita kung sino ang naghihintay sakin pagbaba ko ng eroplano. Bakit sila nandito at pano nila nalaman na ngayon ang uwi ko.

Hindi ko sila pinansin at sa halip, nilagpasan ko Lang sila pero hindi pa rin nila ako tinantanan. Kaya naman humarap ako sa kanila.....


" I'm not answering all your questions now. Magpapatawag na lang ako ng presscon sa manager ko, and in that time sasagutin ko kayong lahat." Yan lang ang sinabi ko at tuluyan ko na sila tinalikuran.



Aissshhh..... Stress agad? I let out a deep sigh, then I pull my cellphone out of my pocket.


" Hello Zoe?" Sabi ko ng sagutin na niya ang tawag ko after lang ng isang ring. Yung totoo, nakabantay talaga siya sa cellphone niya?


" Vash, nanjan sila para sunduin ka." Sagot niya sa kabilang linya. Pero sinong sila ang tinutukoy niya? Bukod sa mga chismosang reporters na yun, sino pa ba ang nakakaalam ng pag-uwi ko? Don't tell me si Zoe ang nagpakalat nun? But hell no, kilala ko siya at alam kong hindi niya gagawin.



" What are you saying? Sinong sila?" Lito ko namang tanong sakanya.



" Inatake sa puso ang mommy mo at nasa hospital siya ngayon, and Vash she is in coma, there is only 50% percent chance for her to survive."


I Still Love The Liar (On-going/Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon