Prolouge
Nanginginig ako habang hawak-hawak ng magkabila kong kamay ang isang maliit na camera. I'm deleting some pictures of my friends, masakit para sa akin na gawin to', pero ito ang dapat, this is the only way for me to forget all the heartaches that I've been through.
"This is the only thing I have, reminder of our bitter sweet memories," isang mapait na ngiti ang gumihit sa mga labi ko kasabay ng pagpatak ng mainit na likido galing sa aking mga mata.
Pinahid ko ang mga luha sa tumulo sa pisngi ko at liningon ang maliit na bintana sa aking tabi. All I can see is the blue sky and the clouds. I felt somehow at peace, sana lang kung pwedeng tangayin na lang ng malakas na hangin galing sa labas yung lahat ng sakit na nararamdaman ko. Kung maaaring itapon na lang sa labas lahat ng hindi magagandang alaala na naiwan sa utak ko. Kung ganun lang sana kadali ang lahat.
Napatingin ako sa paligid at napansing nakatingin na sa akin ang katabi kong pasahero rin. Ngumiti siya at nag-offer ng tissue. " Kanina ka pa umiiyak, baka lang kako gusto mo?" Napayuko ako at tinanggap na lang ang inaabot niyang tissue sa akin, at ibinaling ko ulit sa labas ang aking tingin.
" We have arrived at our destination, thank you for traveling with us. Kindly proceed to the baggage area. Once again, thank you." Nagising ako sa boses na biglang umalingawngaw sa buong eroplano na sinasakyan ko, ayon dito ay nakarating na kami sa aming destinasyon, kaya naman kinuha ko na ang hand carry bag na dala na nasa itaas at nagsimula ng maglakad palabas ng eroplano.
Dumadampi sa aking balat ang malamig na simoy ng hangin habang pababa ako sa hagdan. This is a new life, a new beginning. Dito sa Canada, I will try my best to start again, bring back the torn pieces of my life.
"Baby, wala ng mananakit satin ngayon." I said while caressing the little bump in my tummy.
BINABASA MO ANG
I Still Love The Liar (On-going/Editing)
RomanceHe's sweet, he's cute, he's handsome, he's intelligent, he's adorable, he's a good player, he's a jerk, he's cold, he's harsh, he's my ex, he's my MISTAKE. Kahit anong pilit kong kalimutan siya, pilit pa rin siyang nagbabalik sa aking alaala. Ako an...