CHAPTER 13: Big Revelations

67 2 0
                                    

Zoe's POV

Second day ko dito sa hospital, at dyahe sobrang sakit pa rin ng katawan ko, pakiramdam ko nakipag-rumble ako sa 10 na katao. Actually masaya ako sa pagdating ni Daryn sa buhay ko, pakiramdam ko nagkaroon ako ng dahilan para ipagpatuloy ko pa yung buhay ko, I have my angel now. Despite of all the sorrows that I've been through, walang makakapantay sa kasiyahan na nararamdaman ko.

But on the other side, kapag napag-iisa ako, hindi ko pa rin maiwasan na maiisip siya, si Vash. Siya dapat yung nasa tabi ko ngayon, siya dapat yung nag-aalaga sa akin, siya dapat yung nagbigay ng pangalan sa anak namin, siya dapat ngayon yung katuwang ko at hindi si Bryan, hindi sana kami nagiging pabigat ni Daryn sakanya ngayon.

Mula umpisa pa lang, siya na lagi yung parating nanjan, katulong ko, siya yung gumigising kapag may gusto akong kainin nung mga panahon na naglilihi pa 'ko, siya yung parati kong kasama sa mga prenatal check-ups ko, siya yung laging escort ko sa mga yoga session's ko, siya yung nag-cocomfort sakin kapag nageemote ako, siya din ngayon yung umaakong maging daddy ng baby ko. Feeling ko tuloy parang tinanggalan ko ng social life si Bryan. Hindi naman kasi dapat sa akin nauubos yung time niya, pero sobrang thankful ako sakanya, kasi dahil sakanya naging madali na lang sakin lahat ng pinagdaanan ko.

" Oi bakit tahimik ka jan? Nageemote ka na naman." ang ganda na ng mga lines ko eh, panira talaga ng moment tong si Bryan.

" Mamamatay ka na sana sa utak ko eh, kaso istorbo ka naudlot tuloy, next time na lang kita papatayin." pang-aasar ko naman sa kanya.

" Uunahin na kita! Grabe ka naging morbid ka na ngayon hah, ibalik mo na nga 'tong si Daryn sa tiyan mo ng umayos na ulit yang utak mo." hindi talaga siya magpapatalo sakin.

" Ah ganon? Akin na yang anak ko, hindi mo na yan mahahawakan." pinakunot ko pa yung noo ko.

" Hala nagsalita ba ko? Sige patayin mo na ko, wala naman akong sinasabi." haha si Daryn na ngayon ang weakness niya.

Naputol naman ang usapan namin ng dumating sa kwarto ko si tita Sally at si tio John.

" Zoe, tumawag ang mommy at daddy mo, nasa airport na daw sila." sabi ni tita Sally sakin habang pinipindot-pindot si Daryn.

" Ano po? Pakiulit tama ba yung narinig ko?" nagulat naman ako sa sinabi niya? ang parents ko dadalawin ako?

" Tignan mo, hindi ka lang naging morbid, naging bingi ka pa." singit naman ni Bryan.

" Shut up!" sabay irap ko sa kanya.

" You heard me right Zoe. Sige mauna na kami at susunduin namin sila ng tito mo." lumabas na ng kwarto ang dalawa.

" Whoa? Bryan narinig mo yun diba? Ano kayang nakain nila?"

" Malay mo naman namiss ka lang nila, tsaka baka gusto nilang makita yung apo nila." sumeryoso naman sa pagsagot si Bryan.

" No impossible, natanong mo na ba sakin kung kelan pa ulit kami huling nagkita? Bryan, 10 years old pa lang ako, and ever since hindi na sila umuwi kahit man lang dalawin ako tuwing pasko." teary eyed kong sagot sa kanya.

" Really? Ganon katagal?" gulat namang tanong ni Bryan.

" Oo ganon katagal na, kahit nga nung nabuntis ako, nakita mo bang dinalaw nila ako kahit once lang? Nasa California lang sila ilang miles lang mula dito. Ngayon anong gusto nila sakin." may galit na sa boses ko.

Sobrang sama talaga ng loob ko sa kanila, alam kong masamang magtanim ng galit oh ng sama ng loob sa magulang, pero ako hindi ko kasi mapigilan, ang dami na kasing nangyari sa buhay ko 8 years na simula ng iwan nila ko, pero kahit isa dun wala sila, sa mga birthdays ko and even nung graduation ko ng elementary at high school not to mention pa yung mga nagdaang pasko at bagong taon na ang lagi kong kasama ay si yaya Emma. At nung nabuntis ako na akala ko dadamayan nila ko, anong ginawa nila? Ipinatapon nila ko ko dito sa bansang 'to, kinutya nila ko na ni sa hinagap ko hindi ko naisip na magagawa sakin ng sarili kong magulang.

I Still Love The Liar (On-going/Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon