CHAPTER 15: Is That Her?

66 2 2
                                    

Philippines.....

Vash's POV

Ang tagal kong nawala no? Ewan ko ba kay miss author.

By the way, nandito ako ngayon sa airport, susunduin ko si Marge at ang parents niya. Galing sila sa vacation. Ewan ko ba kay mom and dad sa dami naman ng pwedeng utusan ako pa yung natripan na utusan para sunduin sila Marge, akala naman nila okay lang sakin, yung totoo? Mas gusto ko pang matulog kesa maghintay ng matagal dito. Actually ngayon ko pa lang din mamimeet yung parents ni Marge, after ng 3 years na engage kami, ngayon ko pa lang sila makikita.

Nagtataka siguro kayo no? Kung bakit parang okay lang sakin yung ganitong set up, well your wrong. Ayoko nito, pero wala akong magawa, parang robot na lang nila ko na susunod sa lahat ng gusto nila. Kahit din naman ako nagtataka sa sarili ko. Hindi na ko yung dating ako, hindi na ko palakibo, hindi na ko pala ngiti, hindi na ko friendly, hindi na ko yung dati, in short hindi na ko tao. Para kong namatay at nareincarnate sa katauhan ng isang robot walang pakiramdam, hindi natutuwa hindi na nasasaktan. Aminado naman ako sa sinasabi nila eh, na naging hari na ko ng suplado, maraming nagsasabi na lalo daw akong naging astig sa paningin ng mga babae.Pero kung babae lang, marami nalilink sakin kahit na may fiance na ako, pero lahat ng yun wala naman emotional comittment, pure business lang.

Wala eh parang nailagay ako sa loob ng refrigerator sa mahabang panahon kayo yung buong pagkatao ko na freeze na rin. Ganito na si Vash ngayon, wala ng puso wala pang kalukuwa.

Ibang tao na ko hindi niyo na ko kilala.

(vibrating...)

" Hello dad?"

Etong si dad kanina pa yan tawag ng tawag, nakukulitan na nga ako eh.

" Ano nanjan na ba sila?" hay nako, yun din naman yung tanong niya kanina pa, paulit ulit lang.

" Wala pa nga po eh, ilang hours na ba ko naghihintay dito, dad naman kasi bakit ang aga aga niyo ko pinapunta dito?"

Napapagod na kong magreklamo, paulit ulit na lang din, they never listen to me anyway.

" Mas mabuti ng ikaw ang maghintay jan, kesa naman sila pa ang maghintay sayo." balik naman sakin ng daddy ko.

" Whatever dad, oh wait flight na yata nila yung nagflash sa screen,call you later dad."

" Okay ingat sa pagdrive."

Hindi ko na sinagot yung huling sinabi niya, naiinis na talaga kasi ako, siguradong maghihintay na naman ako dahil kelangan pa nilang makuha yung mga bagage nila bago makalabas.

" pssshhh, why are they tooking so long?"

Kukuhanin ko na sana yung cellphone ko sa bulsa ko para sana tawagan na si Marge ng matigilan ako. Biglang kumabog yung dibdib ko, napakalakas ng kabog. Automatic naman na napalingon ako sa may bandang likod ko, at dun nakita ko ang isang babaeng nakatalikod at naglalakad papalayo sa akin. Nakasuot siya ng white na coat, black na boots at may hila siyang black na maleta, yung buhok niya chestnut brown yung kulay, mejo wavy at mejo maigsi mejo hindi umabot sa balikat niya.

Lalo pang lumakas ang kabog ng dibdib ko, bakit ganito? Kelangan ko siyang makita, kelangan kong makita yung muka niya, hahabulin ko siya.....

" Babe?"

Napalingon naman ako sa tumawag sa pangalan ko. And there she is, si Marge papalapit sakin at halos mapunit na ang muka sa sobrang pagkakangiti.

" Mom, dad he is Vash." pakilala naman niya sa akin sa parents niya.

" Oh so ikaw na pala si Vash ai didn't expect na ganito ka kagwapo, and parang nakita na kita diba honey?" sabay lingon naman niya sa asawa sa tabi niya.

I Still Love The Liar (On-going/Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon