Nagising ako sa isang marahang yugyog sa balikat ko. "Zoe, wake up, we're here." Hindi ko alam kung gano ako katagal nakatulog dahil pagdilat ng mata ko ay isang malaking bahay na ang tumambad sa harapan ko. Bumaba ako ng sasakyan at namangha ako dahil sa ganda ng lugar. Ang malaking bahay ay napapaligiran ng pine trees, sa harap ay isang malaking hardin na may iba't ibang klase ng mga halaman at bulaklak, sa gilid nito ay isang tila falls ng tubig na lumalabas galing sa pader at tumatapon sa di kalakihang man made pool na may ibat ibang kulay ng coy fish. Sa kabilang panig ng hardin ang isang malaking garden table na nilililiman ng isang puno ng oak wood kung hindi ako nagkakamali.
"Naghihintay na sila mommy sa loob, if you don't mind you can come with me." Nilingon ko siya, bumalik na naman yung coldness sa boses niya. Habang naglalakad ako sa likod niya, nagkaroon ako ng pagkakataon na pagmasdan siya. Unti-unti na namang bumabalik yung sakit sa dibdib ko. Talaga bang kinalimutan na niya ko? Natawa ako ng pagak, sana ganun na lang din ako, magka-amnesia ng makalimutan ko na din lahat ng nangyari sa akin. Sana ako na lang yung nakalimot at hindi siya.
"Zoe my dear, how are you?" Salubong sa akin ni Aunt Sally, kita ang lungkot sa mga mata niya habang tinitignan ako mula ulo hanggang paa. Di ko magawang lumapit sa kanya, dahil nagsusumigaw sa mukha niya ang matinding magkakamukha nila ng mommy ko. At parang umaalingawngaw sa tenga ko lahat ng huling salitang binitiwan niya sakin....
"Sana hindi na lang kita naging anak....... Sana hindi na lang kita anak..... Sana hindi na lang ako pumayag na maging anak ka...... Wala kang kwenta..... Nakakahiya ka....."
Matinding takot ang bumalot sa akin ng makita ko na unti-unting humahakbang si Aunt Sally papalapit sa akin. Gusto kong tumakbo palayo pero ayaw gumalaw ng mga paa ko.
Isang matunog na sampal ang pinaka walan ni mommy dahilan ng pagkakahandusay ko sa sahig. "Mommy I'm sorry, please." Pagsusumamo ko na sana mapatawad niya ko. "Hindi ko alam kung saan ka nagmana ng kalandian," sabay hila niya sa buhok ko. Napasigaw ako sa sakit, ng mga oras na yun mas hinihiling ko na lang na sana mamatay na lang ako dahil sa sakit. "Mommy please tama na po." Pagmamakaawa ko.
"Zoe" napabalikwas ako dahil sa isang hawak sa kamay ko, at nakit ko na ngayon ai Aunt Sally na nakatayo na sa mismong harap ko habang hawak ang kamay ko at nakatingin sakin na may nagbabadyang luha sa mga mata. "You are safe here darling, don't worry." And with the assurance tuluyan ng lumabas lahat ng piniligil kong luha kanina pa. Niyakap ko ng mahigpit si Aunt Sally, never minding all the pair of eyes na nakatingin sa amin. Sa loob kasi ng 3 buwan, this is the only time na may nag comfort sakin, the only time na walang nanakit at nagbuhat ng kamay. Pakiramdam ko safe na safe ako, kaya binuhos ko na lahat ng luha ko, baka sakaling maubos na this time para sa susunod wala na kong mailuluha pa.
Bumitaw na na ako sa pagkakayakap niya tinitigan siya, "Thank you so much Tita," I said, walang pagsidlan lahat ng kagalakan sa puso ko ngayon. Meron pa rin palang tao na makakatanggap sakin sa kabila ng lahat.
Pinisil-pisil naman niya ko sa mga braso ko habang masayang nakangiti sakin "I've always wanted to be your mom ever since remember?" Sagot naman niya. Naalala ko kung pano niya pinipilit si mommy na ibigay na lang ako sakanya, pero ayaw pumayag ni mommy, sakit lang daw ako sa ulo dahil bata pa lang daw ako pasakit na ko sakanila. Kung ganun lang din sana binigay na lang nila ko kay Aunt Sally, baka ngayon iba siguro ang buhay ko at hindi ako umabot sa ganito. "Ouch!" Napangiwi ako ng makaramdam ng sakit ng pinisil niya ang kaliwang braso ko. Binawi ko ito sa pagkakahawak niya at pilot na binaba ang sleeve ng jacket na suot ko, pero kinuha niya pa rin ang mga braso ko.
BINABASA MO ANG
I Still Love The Liar (On-going/Editing)
RomanceHe's sweet, he's cute, he's handsome, he's intelligent, he's adorable, he's a good player, he's a jerk, he's cold, he's harsh, he's my ex, he's my MISTAKE. Kahit anong pilit kong kalimutan siya, pilit pa rin siyang nagbabalik sa aking alaala. Ako an...