CHAPTER 21:

52 1 0
                                    

" Goodmorning sunshine..."

Bati ko sa langit habang malapit ng sumikat ang araw. Eto na naman ako naglalakad papasok, this time maaga na kong gumising para hindi na ako malate. Konting tiis na lang naman 2 days na lang kasi sasahod na ko. Nakakaexcite kasi for the first time magkakapera ako na galing sa pinaghirapan ko, ang sarap lang sa feeling.

Oh siya nandito na ko sa tapat ng gate ng school, masyado yata akong napaaga  kasi naman ako pa lang ang nagiisang estudyante dito ako pa lang ang tao except kay manong guard.

" Goodmorning kuya Gil." Bati ko sa guard na masayang nakangiti sakin.

" Goodmorning din Zoe ang aga mo yata."

" Oo nga po eh, natakot kasi akong malate hehe, sige po kuya papasok na ko may time pa ko para matulog." paalam ko na sa kanya, tinanguan lang niya ko tsaka ngumiti.

Naglakad na ako papasok sa loob ng school. Pakanta kanta pa ko, ewan ko ba parang ang gaan lang ng pakiramdam ko ngayon. Tumungo ako sa elevator, pero hindi pa open pinapatay nga pala nila to kapag wala pang student sa loob ng campus so meaning mamaya pa to gagana.

" Okay adi sa hagdan." kausap ko sa sarili ko.

First floor.... ^__^

Second floor.... :)

Third floor.... -____-

Fourth floor.... @____@

Grabe lang pagod na pagod na ko kakalakad hah. Pagdating ko ng classroom pabagsak akong naupo sa chair ko. Aha matutulog na muna ko atlist hindi ako late diba. Hehehehe....

♥♥♥♥♥♥

After 2 hours...

Naalimpungatan ako sa kalabog sa upuan ko.

" Sino ba-" natigilan ako sa paglingon ko, pano ang nasa tabi ko ay si Paris, kasunod si Jamie, tapos si Ingrid na katabi si Stephen.

" Hoi Vash ang rude mo talaga, nakita mong natutulog yung tao oh." sabi naman ni Paris kay Vash na nasa likod ko at katabi si Bryan.

Ayun naman pala kasi, kaya kumakalabog yung seat ko dahil sinisipa ni Vash. Nilingon ko siya at pinangunutan ng noo.

" Bakit ba kasi dito natutulog yan hindi naman to bahay school to." says who? Si Vash na naka cross arms at naka cross feet pa.

" Pakialamero." padabog ko namang sagot sakanya.

Tinapunan ko naman ng tingin ang MTH na ngayon ay kahilera ko na sa row.

" Kayo anong meron? Diba dun kayo  nakaupo sa likod ko?" sita ko naman sa kanila na nakatingin lang sa akin.

" Eh gusto namin dito eh, problem? " mataray na sagot sakin ni Jamie.

" Ikaw anong oras ka umalis sa bahay mo? bakit wala ka na dun kanina ng pumunta ko dun?" pinanlakihan ko ng mata si Bryan pero huli na narinig na ng MTH yung sinabi niya. Napapikit ako.

" Pumupunta siya sa inyo?" sabay sabay na tanong sakin ng MTH. Eto na nga bang sinasabi ko e, magpapaliwanag na naman ba ko?

" Oh, hello there guys. New seating arrangement?" dumating na ang super typhoon, kapit na tayo.

" Oh yeah, pero dun ka pa rin naman sa dati mong seat, katabi mo nga lang sila hindi na  kami." walang pakialam na sagot ni Paris kay Marge. Obvious naman na una pa lang hindi na talaga gusto ni Paris si Marge.

Nagulat si Marge sa sinabi ni Paris, alam na away na naman to.

" Ganon? Tinapon niyo na ulit ako dahil kanino? dahil sa waitress na yan? My god hah, ganyan na ba kababa ang level ng taste niyo?" medyo hysterical na si Marge, naiintindihan ko naman siya alam ko yung feeling niya. Bakit? Kasi minsan ko na rin naramdaman yan simula nung pinagpalit din nila ko kay Marge.

I Still Love The Liar (On-going/Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon