Months had passed, naging daily routine ko na ang tumulong sa mga gawaing bahay, wala din naman akong ibang mapaglibangan dito dahil ayaw muna akong pagtrabahuhin nila Auntie and Uncle. Madalas na wala ang Tita ko sa bahay dahil sa trabaho nito sa ospital. Noon ko lang din napag-alaman na ang ospital palang pinagtatrabahuhan ng Tita ko ay pagmamay-ari ng Tito John ko. Nagkakilala ang mga ito ng minsang makipagtalo ang Tita ko dito tungkol sa isang pasyente na malapit ng manganak, ang gusto daw ni Tito John ay manganak sa normal na paraan ang babae dahil yon daw ang hiling ng pasyente, pero hindi naman daw pumayag si tita Sally at sa halip ay sinermunan daw nito si tito John tungkol sa kung ano ang mahalaga ang bilin ng pasyente oh ang kaligtasan nilang mag-ina. Simula daw nun ay hindi na siya nilubayan ni Tito John. Araw-araw daw sa pagpasok ng lalaki sa ospital nito ay hindi siya nawawalan ng bulaklak na galing dito at yon na ang simula ng matamis na pag-iibigan ng mga ito. Kaya pala medicine course ang kinukuha ni Bryan dahil hindi rin magtatagal ay siya naman ang magpapatakbo ng naturang ospital.
Naging close ako sa mga maids sa bahay ni tita Sally at tito John, minsan nagpapaturo akong magluto sakanila na hindi ko nagagawa sa bahay namin dahil doon ay may personal maid ako na naghahanda ng pagkain ko at nag-aayos ng mga gamit ko.
Yon pa ang isang malungkot na parte ng buhay ko, lumaki ako sa piling ng mga Yaya ko, hindi ko naranasang makasama ang mga magulang ko kahit sa mga birthday ko, minsan nga nagtataka ako kung alam pa ba nila na nagbibirthday din naman ako, wala kasing ginawa ang mga ito kundi ang magtrabaho, lagi silang nasa labas ng bansa upang umattend ng mga meetings at seminars. Kami kasi ang nagmamay-ari sa malalaking Furniture Company na nagsusupply ng mga kasangkapan sa labas at loob ng bansa. Pero wala naman akong magagawa kung hindi ang intindihin na lang sila kasi para din naman daw sakin yung ginagawa nila.
Pero nasan ako ngayon? Nandito sa isang bansang estranghero sakin, pakiramdam ko o tamang sabihin na ipinatapon nila ko dito. Nung malaman kasi nila yung kalagayan ko galit na galit sila sakin, ano na lang daw ang sasabihin ng mga tao sa pamilya namin, yung mga investors daw nila baka mawala sa kanila kapag nalaman na my anak silalng disgrasyada, ouch! But thats the reality oo isang disgrasyada ang tingin nila sakin, eh ano nga bang mairereklamo ko eh tama naman sila, disgrasyada yung mabuntis ka ng wala namang asawa. Kaya ayun oras na malaman nila na buntis ako, tinawagan nila agad si tita Sally and as usual ipapasalo na naman nila dito yung responsibilidad sakin na dapat sila yung gumagawa.
Minsan tuloy naiisip ko anak ba nila talaga ko? Or did I ever came out from my mother's womb? Para kasing hindi nila ako mahal eh, hindi ko kasi ramdam, yes, their giving me what I wanted, gadgets, money, etc. pero kung tatanungin ako, kaya kong isacrifice lahat ng materyal na bagay na ibinibigay nila sakin for the sake na makasama ko lang sila. Pero napakaimposibleng mangyari yun asa pa ko, haist, enough of this kaartehan na Zoe! Moved on!
" Hoy!"
" Ay kabayo! ano ba Bryan, wala ka na ba talagang gagawing matino?" yan si Bryan, ang makulit na bestfriend ko. Oo bestfriend ko na siya, simula kasi ng mapunta ako sa dito sa Canada siya lagi ang kausap at kasama ko, pano ba naman kasi kahit sabihin ko na gusto kong mag-isa kaya layuan niya ko eh hindi niya ginagawa kesa daw lagi ko iniisip yung mga tao na hindi naman dapat na isipin eh siya na lang daw ang isipin ko at ng lagi daw maganda ang araw ko.
" Grabe hah at inano na naman ba kita? Parang ginulat ka lang, ang sensitive hah." reklamo nito habang nakasimangot at padabog na umupo sa harap ko, nasa graden ako at kasalukuyang nagbabasa ng libro.
" Nakikita mo ba to?" nakaturo ako sa tiyan kong malaki, " buntis oh, buntis,"
" Ang OA mo naman BOO, 'di naman ganyan ka sensitive yung mga preggy mom's na nakikita ko sa hospital ni daddy," nakasimangot pa rin ito habang nakatingin sakin.
BINABASA MO ANG
I Still Love The Liar (On-going/Editing)
RomanceHe's sweet, he's cute, he's handsome, he's intelligent, he's adorable, he's a good player, he's a jerk, he's cold, he's harsh, he's my ex, he's my MISTAKE. Kahit anong pilit kong kalimutan siya, pilit pa rin siyang nagbabalik sa aking alaala. Ako an...