CHAPTER 28: We're Leaving

43 1 0
                                    

Zoe's POV

After ng incident sa canteen, dinala ako ng MTH sa bahay ng mga Dilfordd, sa bahay nila Vash kung saan kasalukuyan akong nakatira. They were asking me if I am okay, pero wala silang makuhang sagot sakin. Ewan ko ba hindi ko rin kasi alam ang isasagot ko sa kanila, parang nakalutang pa rin yung utak ko. Grabe naman kasing Marge yon, wala yatang alam gawin na matino.

" Where's Zoe?" narinig kong tanong ng kadarating lang na si Vash.


" Nasa kitchen, kanina pa hindi nagsasalita." sagot naman ng kanina pa din worried na si Jamie.

Wala naman akong narinig na sagot galing kay Vash, pero maya-maya lang nakita ko na agad siya sa harap ko.

He stood right in front of me, just staring at me without saying even a single word.

Tears fell down my face, hindi ko alam kung anong nangyari, basta na lang tumulo. Sabagay kanina ko pa naman din kasi pinipigil na pumatak yung mga luha ko.

He walks near me, grab me in the arms and hug me tight as he could.

Wala akong nasabi, patuloy lang ako sa pag-iyak. Ngayon ko lang din kasi narealized yung mga mangyayari. Ano na lang ang gagawin sa akin ng mga fans ni Vash paglabas ko ng bahay na to? makakauwi pa kaya ako ng buhay, eh halos sinira na ni Marge ang image ko sa buong Pilipinas.

" Stop crying babe." Vash told me while caressing my back.


" What will I do now, sasaktan nila ko Vash. Wala naman akong ginawa na masama diba?" sabi ko naman sa kanya sa pagitan ng mga hikbi ko.

" I know babe, please calm down. Leave everything to me, aayusin ko to." Vash answered.


Humiwalay naman sakin si Vash at dahan-dahan akong iniupo sa pinakamalapit na upuan. Sumenyas siya sa MTH  na nanunuod lang sa aming dalawa, hindi naman nagtagal inabutan na niya ako ng tubig.

" Drink first." sabi pa niya.


" Vash, what's your plan? Hindi pwedeng lumabas agad si Zoe ng bahay, siguradong kukuyugin siya ng mga fans mo." tanong naman ni Bryan.

" Tama si Bryan, lalo na sa school, hindi natin alam kung ano ang kayang gawin ng mga fans mo don. Knowing na they were taking Marge's side." dagdag pa ni Paris.

Tahimik lang akong nakikinig sa usapan nila, hindi ko rin naman alam ang sasabihin sa kanila kaya hindi na lang ako nakikisali. Sabi naman ni Vash, siya ang bahala sa lahat and I trust him.

" May resthouse kami sa Palawan, I think it's better kung ilalayo mo muna si Zoe dito habang sobrang init pa ng issue niyo dito." suhestiyon naman ni  Stephen.


" Right, pahupain niyo muna ang galit ng tao kay Zoe, tsaka ka humarap sa media Vash. In that case kaya na nilang iaccept yung reason mo.' it was Jamie.

Si Vash nagpapalipat-lipat ng tingin sa kanila. Alam kong may idea na tumatakbo sa isip niya pero hindi siya nagsasalita.


" I think hindi din mag wowork." Ingrid.

" What do you mean?" ask Jamie.


" Come to think of it, sikat sa buong Pilipinas si Vash, even in other chosen countries. Tapos sa Palawan niyo pa sila papupuntahin? kahit saang sulok  ng Pilipinas may makakakilala sa kanila dahil sikat na sikat si Vash." Ingrid exclaimed.

I Still Love The Liar (On-going/Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon