CHAPTER 24:

44 1 0
                                    

A/N: May bago po akong story na sinusulat, sana basahin niyo rin. It's entitled " The Boss: Famous and Perfect"..... read niyo po thanks......

Vash's POV

Kanina lang nag-init ang ulo ko ng makita ko kung pano naging concern si Bryan sa kanya. Excited pa naman akong makita siya na gising pero ganon lang naabutan ko.

But what am I doing now? Heto kasama ko siya, I mean sinamahan ko siyang magtapon ng basura. Hindi ba dapat galit ako sa kanya? Pilosopo na nga lahat ng sagot ko sa kanya.

What the hell am I doing? This isn't me anymore.

" Ayun yung trash can dun yan itatapon." she interrupted me in my deep thoughts.

Gusto kong matawa sa sarili ko, halos wala ng laman isip ko lage kundi puro siya ng siya.

Sinunod ko na lang yung tinuro niya, sinabi ko sa kanya na hintayin na lang ako at wag siyang aalis sa kinatatayuan niya.

After kong maitapon yung basura, humarap na ko para sana makaalis na kami, pero nagulat ako dahil nakita ko na nakatitig siya sakin. Hindi ko alam kung napapansin ba niya na nakaharap na ko sa kanya. Muka namang hindi, kasi nung matauhan siya nagulat pa siya sa ginawa niya.

" Wow ang ganda ng langit oh, walang ulap puro stars lang." sinabi na lang niya pambawi siguro para sa pagkapahiya.

Hindi pa rin siya nagbabago, ganun pa rin siya, Isip bata.

" Isa, dalawa, tatlo, apat, lima, anim, ang dami-dami nila." Nauna na siya sa paglakad, pero sa langit pa rin nakatingin habang nagbibilang ng stars.

As if naman kaya niyang bilangin yun sa dami na yun.

" Dream ko mag- star gazing sa kahit na saang probinsya basta nasa itaas kami ng isang burol. Yun ang huling bagay na gusto kong makita. Ang ganda siguro nun noh?" Pffttt, para talagang bata.

"Oo naman." sinagot ko na lang.

Pero dream noted. Para na rin akong tanga na naglalakad habang nakangiti, kahit naman kasi ganito ang ugali niya cute pa rin siya. Napayuko ako ng tingin para sipain yung lata na nasa paanan ko, sinipa ko naman ng bahagya yung lata para bandang huli pagsisihan ko, pano yung lata na sinipa ko sa paanan ni Zoe napunta hindi pa naman siya sa daan nakatingin.

Kaya as a reflex, agad ko siyang nilapitan para saluhin dahil natalisod na siya sa lata na yun.

" Eh ikaw- aaayyyy." bumagsak siya sa mga braso ko, para kaming nagsasayaw nito.

dugdugdugdugdugdudg

Malapit na malapit lang muka naming dalawa. Napatingin ako sa mga labi niya at nararamdaman ko na unti-unti ng bumababa yung mga labi ko papunta sa labi niya.

" Araaayyy." napahawak ako sa ilong ko.

Okay na sana yung moment eh, kaso naman kasi bigla siyang tumayo dahilan para mauntog yung ilong ko sa muka niya. Pakiramdam ko tuloy biglang naflat yung ilong ko.

" Ui sorry di ko sinasadya." Hindi pa siya mapakali sa paghipo sa ilong ko na dumudugo na yata.

" What are you doing? Papanguin mo ba ko?" I scolded her and give her my deadliest glare.

" Hindi ko naman sinasadya eh ikaw kasi parang haha-"

" Napaka clumsy mo talaga."putol ko na sa sasabihin niya, alam ko kasi na yung tungkol yun sa halik.

Tinabig ko yung kamay niya na nakahipo parin sa bridge ng ilong ko.

pout.....

" Sorry." hindi ko na siya sinagot at lumakad na papalayo sa kanya.

I Still Love The Liar (On-going/Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon