CHAPTER 18: Clarity!

56 1 0
                                    

Zoe's POV

1 week na akong hindi nakakapasok sa School, hindi ko ba naman kasi alam kung anong sakit ba ang meron ako, ngayon lang ako nawalan ng lagnat, isa pa kahit na wala na kong lagnat lagi pa ring sumasakit yung ulo ko, dahil siguro sa stress. Ang hirap palang yumaman, ang swerte ng iba na may magulang na mayaman na, hindi na nila kelangan pang magpakahirap para kumita ng pera. Nabibili na nila lahat ng gusto nila sa isang hingi lang, nakakain nila lahat ng gusto nila ng may natitira pa kasi sobra-sobra, parang ako lang dati. Dati may sarili akong sasakyan, napupuntahan ko lahat ng gusto kong puntahan, hindi gaya ngayon naglalakad ako papasok sa school kasi wala na kong pera.

(vibrate.....vibrate...)

" Hello tita?.... okay naman po, eto nasa taxi ako ngayon papasok sa school.........talaga po? Mabuti naman kung ganon, masaya ko para kay Bryan at kay tito John...... Opo sige po ibigay niyo na lang yung number ko kay tito...... Opo, dito na ko sa school, babayaran ko na yung taxi, ihalik mo na lang po ako kay Daryn, bye bye..."

Ang hirap magsinungaling, nasa taxi daw ako, eh naglalakad lang naman ako papasok kasi wala pa kong pera. Ayoko naman kasing malaman pa nila yung situation ko dito, maaawa lang sila sakin, at ayoko na ng kinakaawaan ako, tapos na ko dun.

Papasok na ko sa gate ng school, sa wakas nakarating din. Pero may napansin ako, at aba bakit nagbubulungan yung ibang student, sakin pa nakatingin. Anyareee? Hindi ko na lang sila pinansin, dirediretso na lang akong naglakad hanggang dumating ako sa classroom. Isa pang pero.....Pero pagdating ko dun para kong binuhusan ng malamig na tubig, dahil may magkatabing nakaupo sa upuan sa likod ko, dalawang lalaki na magkamuka pero hindi naman actually parehong pareho.

" Bry......"

Dahan-dahan akong naglakad papunta sa upuan ko. Totoo ba to? si Vash ang kakambal ni Bryan? Oo una ko pa lang nakita si Bryan naipagkumpara ko na silang dalawa kasi nga magkamuka sila, pero hindi ganito na magkapatid pala sila. Nakakapanghina. Nginitian ko si Bryan pero tinalikuran lang niya ko na ikinagulat ko.

" Oh look who's here, ang dakilang serbidora." inaasahan ko na to, alam ko ng gagawin ni Marge to kaya nga hindi pa nangyayari pinaghandaan ko na to agad eh, see? I'm not affected.

Pero yung ibang mga classmate ko gulat na gulat maging si Bryan at ang MTH.

" Akala ko ba mayaman ka? Sabi mo pa nga sakin dati mas mayaman ka sakin diba? Bakit waitress ka na lang ngayon? Poor girl." Nagiinarte na naman tong babae na to, problema ba nito sakin.

Huminga na lang ako ng malalim, hindi ko pa rin siya papansinin, maubusan siya ng laway kakatalak hanggang gusto niya.

Ang bruha mukang napikon sa hindi ko pagpansin sa kanya, hinila ba naman yung ilang hibla ng buhok ko. Problema nito?

" Hoy pureza kapag kinakausap ka sasagot ka."

" Aray! Ikaw malditang mukang sinapak ng make up, ano bang problema mo? Hindi ka na nga pinapansin ayaw mo pang tumigil." sigaw ko na sa kanya.

" Yun nga yung problema eh, walang pwedeng hindi papansin sakin, kapag kinausap kita sasagot ka naiintindihan mo?"

Gusto ko ng umiyak, ganito ba kapag mahirap ka lang, inaapi api ka lang ng mga mayayaman? Hindi ba pwedeng kapag mahirap ka mabuhay ka lang ng tahimik? Yung kahit na walang papansin sayo basta wala naman manggugulo?

" Bakit naman kita susundin? Presidente ka ba ng Pilipinas? Siga ka ba hah?"

" Hindi nga ako presidente, pero magiging asawa ako ng anak ng may -ari ng school na to, Kaya kung ayaw mong ma expel ka dito susunod ka sa sasabihin ko."

I Still Love The Liar (On-going/Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon