Vash's POV
Umalis siya, tinawag ko siya pero hindi niya ko nilingon. Hinabol ko siya, gusto kong sabihin sa kaniya na mahal na mahal ko pa rin siya, na handa akong hindi ituloy ang kasal ko para sakanya. Kapag nawala pa siya ulit sa tabi ko hindi ko na alam kung anong mangyayari sakin. Pero paglabas ko ng pinto kung saan siya lumabas iba ang nakita ko, parang dinaanan ng pison yung puso ko. Si Zoe at si Bryan magkayakap, gano ba talaga sila magkakilala ni Bryan? Hindi ako makagalaw parang namamanhid yung buong katawan ko, naglalakad na sila papalayo, pero wala pa rin akong ginagawa, kahit na yung boses ko parang ayaw lumabas galing sa bibig ko. Hanggang sa nawala na sila sa paningin ko. Napasandal ako sa pader, napasabunot ako sa sarili ko, napasuntok ako sa hita ko kasi gustong gusto kong saktan yung sarili ko. ANg tanga-tanga ko......
" Vash..." lumapit sakin si Stephen, nandun din kasi sila, siguro kasama nila si Bryan.
" Mali tayo, wala siyang kasalanan." nasabi ko habang nakatingin sa kawalan.
Kumpleto ang MTH, si Paris, si Jamie, si Ingrid at si Stephen, si Marge hindi nila kasama hindi naman kasi talaga siya part ng MTH, saling pusa lang siya.
" Narinig namin lahat ng pinagusapan niyo. Ang sama ko pala no?" malungkot na pahayag ni Jamie na wari ba ay natauhan na. Umupo siya sa tabi ko.
" Ngayon alam mo na? Siguro naman hindi mo na itutuloy yung mga evil plan niyo ni Marge laban kay Zoe." baling naman ng nakahalukipkip na si Paris kay Jamie.
" Tama naman kasi si Paris Baks, at kahit na kasalanan pa yon ni Zoe, wala naman tayong karapatan na saktan siya in anyway we want."
mangiyak ngiyak naman si Ingrid habang kumakapit pa sa braso ni Paris.
" Alam ko naman yon , nadala lang naman ako kay Marge." depensa naman niya sa sarili niya.
" Sama ka kasi ng sama don, alam mo namang kulang kulang yung utak non." nakairap na sagot ni Paris kay Jamie.
" Ano maghapon ka na lang ba na uupo jan? sa tingin mo kung gaganyan ka lang jan babalik sayo si Zoe? Kumilos ka, ano ba talagang gusto mo?" seryosong tanong naman sakin ni Stephen.
" Alam niyo naman una pa lang kung anong gusto ko."
" Eh pano yan Vash, hindi rin naman kayo pwede na ni Zoe kasi diba engage na kayo ni Marge.?" my point si Ingrid sa sinabi niya na yon.
Natawa ko ng pagak, kahit naman hangarin ko na magkabalikan pa kami parang hindi na rin naman mangyayari kasi ayaw na niya sakin. Sa nakita ko kanina mukang si Bryan na ang gusto niya.
" Pero wait papa Vash, diba hindi mo naman tunay na parents yung parents mo. Ayy, how do I say this? Ah basta yun na yun, I mean wala ka naman talagang responsibilidad sa kanila, baka naman pwedeng hindi muna matuloy kung kasal niyo ni Marge." makahulugan yung sinabi na yun ni Jamie at napaisip nga ako dun.
Bakit nga ba gagawin ko pa yung deal na yun kung sa latter part hindi naman ako yung magpoprofit, eh hindi naman ako tunay na Cuico, isang Dilfordd ako.
" I need to talk to them." umalis ako ng walang paalam sa kanila. May kailangan lang akong ayusin.
" Hoy Vash san ka pupunta? Tignan niyo yang tao na yan." tsaka na lang ulit tayo mag usap Paris.
Zoe's POV
Hindi ko na pinakinggan pa ang pagtawag ni Vash sa pangalan ko, mabilis akong lumabas ng pinto para tumakas sa kanya. At sa paglabas ko ng pinto, muka ng taong laging nakasaklolo sakin ang nakita ko, kasama niya ang MTH. Si Bryan. Lumakad ako papalapit sa kanya, niyakap naman niya ko.
" Ang tigas kasi ng ulo mo, sinabi ko naman sayo diba? di kasi marunong makinig."
Wala akong sagot, ang maririnig lang galing sakin ay ang parang wala ng bukas na pag iyak ko. Tulo na lahat, luha, laway, sipon, wala na kong pakiaalam.
BINABASA MO ANG
I Still Love The Liar (On-going/Editing)
RomanceHe's sweet, he's cute, he's handsome, he's intelligent, he's adorable, he's a good player, he's a jerk, he's cold, he's harsh, he's my ex, he's my MISTAKE. Kahit anong pilit kong kalimutan siya, pilit pa rin siyang nagbabalik sa aking alaala. Ako an...