CHAPTER 10: Reminiscing (6)" It " Happened

72 2 0
                                    

Almost 5 o'clock na ng makaAlis kami ni Jamie sa bahay. Kasalukuyan kaming nasa kotse ng huli at papunta kami sa condo unit ni Vash. Ayon kay Ingrid, wala daw doon si Vash at isinama ni Stephen sa kung saan, which is plano naman talaga para malaya kaming makapag-prepare para sa surprise namin sa lalaki.

" Baks I forgot wala pa pala akong gift for him." Nakaupo ako sa passenger seat at nakatingin sa nagda-drive na si Jamie.

" No need na Zoe, remember ikaw nga yung gift diba?" wika naman niya na nakatutok pa rin yung mga mata sa daan.

" Yeah right I forgot." walang ganang sagot ko.

Tumingin ako sa labas na bintana. Nag-aagaw na ang dilim at liwanag, pero malapit na naman kami sa destination namin.

" Zoe is something bothering you? I notice kahapon ka pa parang wala sa sarili mo." tanong sakin ni Jamie na ikinalingon ko sa kanya.

Hindi ako nakapagreact sa sinabi niya. Hindi ko kasi alam ang sasabihin. bakit nga ba ako ganito?. dahil kay Vash? May problema nga ba kaming dalawa o nag-aassume lang ako na meron? Honestly, hindi ko rin alam ang gulo ng isip ko. Kaya instead of answering him, I just smile at tsaka ako umiling.

                                          ◘◘◘◘◘◘

" Wow it's beautiful." pagbukas ko ng pinto ng condo ni Vash isang napakaaiking regalo ang bumungad samin ni Jamie. Isa itong malaking kahon na may malaking ribbon sa taas.

" Dyan ka papasok mamaya kapag nagtext na si kuya Stephen, kung ppauwi na sila ni Vash dito." excited na sabi naman ni Ingrid.

Oo, ito ang plano namin. Ako ang magiging ragalo, papasok ako saloob ng kahon habang nakasuot ng seductive na outfit, bubukas ang kahon at sasayaw ako kasabay ng maharot na  music, yung parang sa stag party lang.

" Hmmmn, masarap hah, ano 'to niluto niyo?" nabaling naman ang atensiyon ko kay Jamie na nasa kusina at kasalukuyang namamapak ng mga pagkain na nakahain doon.

" Dah! magpapakapagod pa kami nitong si Ingrid sa pagluluto kung pwede namang magtake out na lang." sagot naman ni Paris habang nakaupo at nakataas pa ang dalawang paa. as usual hawak na naman niya ang ipad niya.

" May kakaaway ka 'te? Tara na nga Zoe mag-ayos ka na at baka makasabunot pa ko ng 'di oras dito." hinila na niya ko papunta sa loob ng kwarto ni Vash.

" join kami." magkasabay namang sabi ni Ingrid at ni Paris.

Nang nasa kawarto na kami, sinumulan na akong ayusan ng tatlo. GIRL POWER NA ITO. Pinalibutan na nila ako at hindi ko na alam kung anong ginawa nila sakin. Tawa na lang ako ng tawa, ang kulit talaga nila.

Nagustuhan ko naman ang itsura ko matapos nilang kalikutin ang mukha ko. Ito ang specialty ni Jamie, ang no-make up- make up-look. Ngayon naman ang pinagtatalunan nila ay ang isusuot ko. Pero dahil gusto kong asarin si vash ako ang nagdecide kung anong isusuot ko, kung maisusuot ngang matatawag yun.

< kring....kring...>

" Hello kuya? What? Okay i get it." si Stephen ang tumawag sa kapatid nitong si Ingrid.

" Nasa lobby na daw sila, bilis Zoe get in." ang tinutukoy niya ang box. Dali-dali naman akong pumasok sa loob ng kahon yung tatlo naman nagpunta sa kwarto.

'Di naman nagtagal ay bumukas na ang pinto ng condo unit. Pumailanlang naman ang malamyos na tunog ng violin na nanggagaling sa player na nasa sala. Maya-maya pa bumukas ang ilaw.

I Still Love The Liar (On-going/Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon