CHAPTER TWELVE ✓

2.5K 75 10
                                    

CHAPTER TWELVE

The Princess in Disguise

Lliara Molly Sheria





“FROST!” Tatakbo akong lumapit sa kanya, ngunit agad ding napatigil nang maramdaman kong umangat ako at hindi na nakaapak sa lupa. 







“LARA!” Tiningnan ko si Frost, nakatingala siya sakin. Tumingala ako kung anong klaseng halimaw ang humila sa akin dito sa himpapawid, ngunit ang makakapal at maiitim na balahibo lang nito ang aking nakita, hangga't sa napagtanto kong bitbit ako ng isang HIPPOGRIFF.






“Lara kamusta?” Mahinahong bati nito sa akin— ng Pameleo'ng nakasakay sa hayop na ito. Nakakapanindig balahibo ang kanyang boses, pero ang ipanagtataka ko ay hindi man lang ako nakakaramdam ng takot sa kanya.





“Javier, ibaba mo ako!” Galit na sigaw ko sa kanya. Mahina itong natawa.




“Wag’ muna Lara, hindi ka ba nagagandahan sa tanawin dito sa taas? o mas nag eenjoy kang panoorin ang nasa baba?” Habol ko ang hininga ko nang ibinalik ko ang aking tingin sa baba kung saan nandoon si Frost.





“Javier, tigilan mo siya!”





“Hindi ko siya titigilan, hangga't hindi siya mamamatay Lara.”




“Bakit ba?! Ano bang kasalanan niya sayo ha?!” Nagpumiglas ako sa hawak sa akin ng Hippogriff pero sadyang gawa ata sa bakal ang mga kuko ng hayop na ito't diko maigalaw man lang ang braso ko. 







“Simple lang Lara. Hindi ko gusto ang ginagawa niya.” Gusto ko sanang tumingala upang isumpa ang demonyong ito ngunit diko magawa.






“Ano bang ginawa niya na hindi mo nagustuhan?!”




“Lahat ng ginagawa niya sayo, ay hindi ko nagugustuhan.”







“Ibaba mo ako Javier!” Bulalas ko nang muntik nang matamaan si Frost sa espada na hawak ng isang Centaur! “Javier, itigil mo na to! Pakiusap!” Naiiyak ko nang sambit sa kanya.

“FROST!” Sigaw ko.  “Javier ano ba! Kung hindi mo ito titigilan pagsisisihan mo ang gagawin ko sayo!” Galit na saad ko sa kanya habang nakatingin sa baba, ngunit tinawanan niya lamang ako.






“Anong magagawa ng isang enchanter na gaya mo? laban sa akin?” May pang iinsulto niyang sabi. “Diba wala?” Tanong niya na sinabayan ng tawa.






“Pangalan ko lang ang kilala mo Javier, hindi ang buong pagkatao ko!” Marahas kong hinawakan ang dalawang paang nakahawak sa mga braso ko. Matutulis ang mga kuko nito at kung hindi ako mag-iingat ay tiyak na masusugatan ako.







“Wag mong gagawin yan Lara kun’di mamamatay ka.” Hindi ko siya pinakinggan, sa halip ay inialis ko sa aking mga braso ang mga paang iyon. Nahirapan pa ako nung una ngunit di rin nagtagal ay naialis ko ito. Pinalutang ko ang sarili ko gamit ang hangin.





“Nakakalipad ka gamit ang elementong hangin?” Nagtataka  niyang tanong. Matatalim na tingin ang ipinukol ko sa kanya.




“Tigilan mo si Frost!” Maotoridad na utos ko sa kanya. Ngunit isang titig na para bang hindi makapaniwala ang ipinukol niya sa akin at isang titig na para bang binabasa nito ang iniisip ko. Ilang sandali pa'y umiling ito habang nakaguhit ang matatamis na ngiti nito sa mga labi bago muli akong tiningnan.




The Princess in Disguise Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon