CHAPTER ELEVEN
The Princess in Disguise
Frost Nicollo Fynn
‘Hindi aksidente yun, sinadya ko yun!’
Paulit-ulit na sumasagi sa isip ko ang sinabi kong iyon kanina, at hindi ko maiwasang paulit-ulit nalang din akong nakaramdam ng init sa pisngi. Hindi ako makapaniwala sa ginawa ko, parang bulkan na sumabog na lang bigla at walang ni isa ang nakapaghanda, kahit na ako.
Hindi ko na nakita ang reaksyon sa mukha ni Lara, basta ang alam ko lang ay pareho silang natahimik. Hindi ako ang tipo ng lalaki na mapapaamin na lang ng basta-basta, pero sandali lang, napaamin ba ako? ano bang dapat kong aminin? Tumayo na ako at umupo sa aking higaan, anong oras na ba?
Alas-syete na ng gabi, pero hindi pa rin ako kumakain, nasanay na naman kasi akong kumain ng maaga, dahil kay Lara. Kumalam na lang bigla ang sikmura ko ng may maamoy akong mabango, sigurado ako na nakahain na iyon at naghihintay na lang na kainin.
Napaayos ako ng upo nang may biglang kumatok.
“Kuya kain na daw tayo, sabi ni ate Lara.” Hindi ako umimik at hindi naman talaga ako maka-imik, si Lara ba talaga ang may sabi nun? Baka pinagtitripan na naman ako nitong si Janine.
“KUYA!” Galit na siyang kumakatok sa pintuan, nasanay na ako sa kapatid kong iyan kahit na medyo naaasar ako sa kanya dahil sa kakulitan niya, pagdating sa pagkain, sasabog yan. Ayaw niya kasing pinaghihintay, gusto na agad niyang kumain.
“KUYA, ano ba! Bubuksan mo ang pintuan? o paliliparin ko to?” Ilang araw na din siyang hindi nagkaganyan dahil palagi namang si Lara ang gumagawa niyan.
Teka Frost! sinasabi mo bang namimiss mo iyon.?
“KU—”
“Andyan na.” Pagpuputol ko sa gusto na naman niyang italak. Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan at bumungad sakin ang pulang mukha ni Lara. Agad nagkagulo ang kalamnan ko.
Ano bang nangyayari sakin?
Hindi ko na maintindihan ang sarili ko.
“S-si Janine?” At ba't ako nauutal?
“Ah, andun na sa kusina, p-pasensya, t-tinulak ako e.”
Nagmadali siyang pumunta sa kusina habang ako ay pinag-iisipan pa rin kung susunod ba ako o hindi! Dahil sa tiyan ko na ang nagdesisyon sumunod nalang ako.
“Tagal mo kuya!” Pagmamaktol ni Janine, hindi kasi pwedeng hindi kami magkasabay kumain lalo na't kompleto naman kami dito sa bahay. Umupo nalang ako.
“Ayieee, para tayong isang buong pamilya.” Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya, nakatitig lang ako sa plato at iniisip kong..
Oo nga nho?
Ays!
Gusto ko mang tingnan ang reaksyon ni Lara ay hindi ko na ginawa. Kumain akong walang imik, bakit kailangan bang umimik? Pagkatapos kong kumain ay hindi ko na pinansin ang mga tanong ni Janine. Lumabas muna ako ng bahay at nagpahangin, gusto kong liparin itong utak ko at ibunggo sa pader nang sa ganun ay magkadurog-durog na!