EPILOGUE
The Princess in Disguise
Ika-labinwalong kaarawan
04-26-18
Lliara Molly Sheria
“Molly!”
Malapad akong ngumiti nang marinig ang pangalan ko galing sa isang Prinsipe. Ang prinsipe ng elementong apoy.
Simula noong magising ako sa hindi ko alam kung anong lugar at kung sino-sino ang mga nilalang na bumati sa akin pagkagising ko, hindi ako nagsalita, nakakaramdam ako ng lungkot, galit at kahungkagan.
Saksi ako, kung paano naging maagap ang nagpakilalang ama ko. Araw-araw siyang may bagong paraan kung papaano niya ako pangingitiin at panumbalikin ang dati kong sigla. Ngunit mas ginusto kong huwag magsalita.
Ayokong magsalita, hindi ko alam kung nasaan ako at kung bakit ako nalulungkot.
Nasasaktan ako, sa hindi ko alam na dahilan.
Palagi akong umiiyak kapag nag-iisa nalang ako.
Sa hindi ko malaman na dahilan, ayokong makita ng nagpakilalang ama ko ang kalungkutan na iyon dahil ayoko siyang mag-alala, pero hindi ko maiwasan, palihim kong pinapalabas ang sama ng loob ko sa aking sarili. At tulala naman kapag siya ang kaharap ko.
Iyon lang ang nagawa ko, nakahiga sa sariling kama, umiiyak at natutulala sa kawalan.
Pero nang makilala ko ang prinsipeng anak ni Haring Lauro, ay hindi ko napigilang mapangiti, tumawa at maging masigla.
Hindi ko alam kung bakit sa piling niya, iba ang galak na nararamdaman ko.
Gusto ko siyang palaging nakikita. Ayoko siyang mawala.
“Gwapong-gwapo ka na naman ba sa akin at natutulala ka?”
Napasinghap ako nang hindi ko namalayang nasa harap ko na pala siya. Si Aidan Herin. Ngumiti ako.